Chapter 68:
Try
Gabrielle’s POV
Nawalan ng malay si Kuya Gino dahil sa sipa ni Ate Zaya. Hindi ko nga alam kung dapat ba akong magpasalamat sa kaniya. Napigilan niya nga ang suntok na dapat na tatama kay Jun pero wala namang malay ang kuya ko.
Nakita ko ang mabagal na pagdilat ng mga mata ni Kuya Gino. Mayroon siyang pasa sa kanang pisngi dahil sa pagsuntok sa kaniya ni Jun. Bumangon ito at agad na napahawak agad ito sa batok niya. Napabalikwas ito mula sa pagkakahiga at agad na napadaing habang hawak pa rin ang batok niya.
“Fvck! Ang sakit!”
“I’m sorry. Hindi ko sinasadya.” Agad na tugon ni Ate Zaya na siyang may kasalanan kung bakit masakit ang batok ng kuya ko. Namutawi ang katahimikan sa amin at nagpapakiramdaman. Ilang saglit lang ay lumabas na sila kuya Ares at ang iba pa.
“Mag-usap kayo ng maayos.” Anito at saka sumunod ang iba. Kami naman ay naiwan nila Kuya, ako at si Jun, sa clinic ng school.
“Kailan pa?” Tanong ni Kuya Gino na hindi nakatingin sa amin. “Kailan pa?!” Halos mapatalon ako dahil sa malakas na boses ni Kuya Gino. Alam kong magagalit siya pero kailan man ay hindi ito nagtaas ng boses sa akin. Ngayon lang.
“Noong nanood tayo ng sine.” Si Jun ang sumagot.
“I won’t allow your shitty relationship. Lalayo ka sa kapatid ko, Jun.”
“Kuya naman…” Reklamo ko. Hindi ‘yon pwedeng mangyari.
“From now on, hindi na tayo magkaibigan at tapos na rin ang relasyon niyong dalawa.” Seryosong sabi ni Kuya. Kahit ang mukha at mata niya ay seryoso at walang kahit anong biro. Hindi ko napigilan ang pagtulo ng luha ko.
“Kuya! Wala naman kaming ginagawa ni Jun na masama, ah! P-Please, kuya…”
“No. Uuwi na tayo.” Aniya at hinawakan ang palapulsuhan ko pero nagpumiglas ako. Hindi niya ako pinansin at pilit akong nilibas sa clinic ng school. Nakita ko pa sa labas ang mga kaibigan ni Kuya pero wala na doon ang atensyon ko.
“Kuya, hindi mo ‘to pwedeng gawin! Ang selfish mo! Hindi ba ako pwedeng sumaya?” Napaka-selfish niya. Siya nga ay maraming babae at sabay-sabay pa. Pero ako? Wala naman kaming ginagawa ni Jun. we know our limits.
Huminto siya sa paghila sa akin nang nasa parking lot na kami ng school. Hinarap niya ako.
“Hindi mo ba naiintindihan?! I am your brother! I’m just protecting you! Hindi mo ba makuha ‘yon?”
“Protecting? Saan mo naman ako popretektahan? Mabait si Jun, kuya. Hindi siya mambababae katulad ng ginagawa niyo ni Kuya Gray noon. Mabait siya, Kuya at mahal ko siya.”
***
Jun’s POV
“From now on, hindi na tayo magkaibigan at tapos na rin ang relasyon niyong dalawa.” Agad na kumuyom ang kamay ko nang marinig ang sinabi ni Gino.
Plano na sana naming sabihin ngayon ni Rielle ang lahat ng tungkol sa amin, na kami na. Pero nalaman niya na agad.
I never did anything wrong. Hangga’t maaari ay gusto kong makita ni Gino na kahit hindi pa kami ni Rielle, ay malaman at makita niyang matino ako. Na hindi ako katulad niya na nambababae. Nagbago naman na siya pero hindi pa rin naman mawawala ‘yon sa kaniya.
BINABASA MO ANG
That Nerd Is A Brat
Teen FictionSi Zaya Denise Olegarco ay isang spoiled brat at may napakasamang ugali. Napakaikli ng kanyang pasensya kaya kahit sa maliit na bagay ay nakikitaan niya ng problema kaya ang ending ay nakakagawa siya ng kung ano-ano. Suki na rin siya sa disciplinary...
