Chapter 3:
Jerk
Zaya's POV
Hindi ako makapaniwala kay Daddy. He's willing to send me to province. But I won't allow that. Kung mawawala ako dito, siguradong tuwang-tuwa si Lea. That bitch. Wala siyang ginawa kundi maglustay ng perang pinaghihirapan ni Daddy. Wala siyang kwenta.
Nakausap na ni Dad kanina ang principal sa school na lilipatan ko kasama si Hilda. At sa Lunes ay magsisimula na agad ang pagpasok namin.
All I need to do is to behave. I should control my temper. But how the heck can I do that? There are lots of annoying people in school. And I don't know what to do.
When that thing happened, napansin kong ang bilis ko ng magalit. Kahit sobrang liit na bagay ay nahahanapan ko ng flaw at singularity. Kahit anong bagay ay kinagagalitan ko. Mas lalo pa akong lumala nung dumating si Lea. I really hate her. Gusto ko siyang kawawain hanggang siya na mismo ang mag-volunteer na umalis.
I miss Paris.
Hindi pa rin binabalik ni Daddy ang cellphone ko kaya hindi ko pa rin siya matawagan. Tss.
Nang walang magawa ay lumabas na lang ako ng kwarto ko. Linggo ngayon kaya nandito si Daddy. Pagbaba ko ay nakita ko agad si Lea na nilalandi ang Daddy. What a spectacle.
"Dad." Tawag ko sa kaniya at napahinto naman si Lea. Nakita kong inarapan niya ako kaya tinaasan ko siya ng kilay.
"Yes, Zaya? Do you need anything?"
"Bibili ako ng gamit ni Hilda since she's going to school with me." That's the half truth. Gusto ko lang naman makita ang boyfriend ko. Mataman akong tinignan ni Dad. Parang sinusubukan niyang basahin ang isip ko.
"Then take Hilda with you." Napangiti ako. That's okay as long as makita ko si Paris.
"Give me my car key."
"No." Sabi ko na nga ba.
"Please, Dad. Just this once. Alam mo namang mabagal akong magshopping, di ba? Please, Dad."
"Fine." Sabay hagis sa akin ng susi.
Yes!
"Thank you!" Malakas kong sabi at patakbong hinanap si Hilda. "Hilda, where the heck are you?!" Sigaw ko ng hindi ko siya makita. Maya-maya ay nagmamadali na siyang lumapit sa akin. Muntik pa siyang madapa. Tss.
"Bakit po?" Aniya.
"Get change. Aalis tayo."
"P-Po?"
"Ano ba? Akala ko ba malabo lang ang mga mata mo? Bingi ka na rin ba?" Naiinis kong sabi. Isa sa mga kinaiinisan ko ay yung pinapaulit ako. Ang linaw naman ng sinabi ko pero hindi niya pa rin narinig.
"N-Narinig ko po. Bawal po kayong lumabas, di ba?" Nauutal na sabi niya.
"Sumunod ka na lang." Iniinis ako ni Hilda. Mabuti na lang at magkikita kami ni Paris.
Mabilis akong nag-shower at nagbihis. Pagkatapos ay dumiretso agad ako kay Daddy parang mahingi ng pera. Binigyan niya naman ako kaya natuwa ako. Pero nawala agad ang ngiti ko dahil sa itsura ni Hilda. What the hell?! Uso pa ba ang ganyang outfit? Maluwag na faded jeans, sneakers, at floral shirt with her glasses on. While I'm wearing a long sleeved yellow crop shirt, denim shorts, and white sneakers. Mahahalata siyang alalay ko kapag pinagtabi kami. Pinabayaan ko na lang at nagpaalam na kay Daddy.
BINABASA MO ANG
That Nerd Is A Brat
Teen FictionSi Zaya Denise Olegarco ay isang spoiled brat at may napakasamang ugali. Napakaikli ng kanyang pasensya kaya kahit sa maliit na bagay ay nakikitaan niya ng problema kaya ang ending ay nakakagawa siya ng kung ano-ano. Suki na rin siya sa disciplinary...
