CHAPTER 58

1.2K 85 10
                                        

Chapter 58:
He Don’t Know

Jun’s POV

They say that, “You can run but you cannot hide”. But I guess, in our situation, we can hide our relationship, but we cannot run to the fact that someone is against us.

“Hanggang kailan tayong ganito, Rielle?” Tanong ko sa kaniya. Nandito kami ngayon sa isang mall at sinugarado kong hinding-hindi kami makikita ni Gino.

“Ayaw ko rin naman ng ganito eh. Pero tiisin muna natin. Siguro after na lang ng game para maayos pa kayo ni Kuya.” Tumango ako.

Wala kaming pinagsabihan ng tungkol sa amin Rielle. Tama siya. Kailangan muna naming magtiis sa ganitong arrangement dahi baka mamaya, imbis na maging basketball ang laro ay maging boxing na at ako ang maging punching bag. Pero sana nga ay laro lang. Pero hindi eh. Totoo ang lahat at seryoso ako. Seryoso ako kay Rielle.

“Sasabihin natin kay Kuya at sa iba pero hindi lang talaga ngayon.” Aniya at hinawakan ang kamay ko. Pilit naman akong ngumiti sa kaniya.

Wala na akong pakialam kung ayaw ni Gino o kahit hindi niya kami tanggap ni Rielle. Basta ako, nagpapakatotoo. Mahal ko si Rielle at iyon ang importante sa lahat.

“Hindi tayo pwedeng magtagal dito. May project pa kami eh.”

Tss… kahit oras para makasama si Rielle ay limitado pa. But there’s no one to blame. Ginusto ko rin naman ‘to eh. As long as me and Rielle are together, there would be no problem.

Hinatid ko sa bahay nila si Rielle. Wala na doon si Gino, siguro ay sinisimulan na nila ni Hilda ang project namin. Ako naman ay pumunta na sa bahay nila Piper.

Sabi niya, kung hindi kami matapos ay sa library na namin iyon ipagpapatuloy para hindi na ako pumunta sa kanila. Mukha kasing mainit ang dugo sa akin ng mga kapatid niya kahit wala naman akong ginagawang masama kay Piper.

Lahat na lang ba ng mga kapatid ng mga babaeng nasa paligid ako ay ayaw sakin? Matino naman ako eh. Hindi ako gumagawa ng kahit anong kalokohan. I mean, hindi na masyado.

Dapat ko lang patunayan na karapat-dapat ako kay Rielle.

***


Gray’s POV

Pakiramdam ko ay ako ang may kasalanan kung bakit hindi natuloy ang dapat sanang date nila. Blame the fucking project! But having a school project is not fucking. It’s perfect. I have longer time to be with Zaya. At nakapasok ako sa bahay nila!

Tinignan ko ang babaeng dahilan kung bakit kaya kong gumawa ng kagaguhan para lang makuha siya. Serysoso ito habang nagtitipa sa kaniyang laptop. Tina-type niya na siguro ang mga sagot niya para sa project namin habang ako…

“Stop staring and answer those questions.” Ilang beses niya na sigurong sinabi ito sa akin. Pero paulit-ulit lang rin ang nagiging sagot ko sa kaniya.

“Kasalanan mo ‘yan. Nakaka-magnet ang ganda mo.” Nakita ko ang pagsalubong ng kilay niya pero pagkuwan ay umiwas ito ng tingin.

“Nag-blush siya… Patingin nga ako.” Asar ko sa kaniya pero pilit itong umiwas ng tingin.

For sure, kinilig siya. Hindi pwedeng hindi.

“Nag-blush si Zaya.” Mahina kong sabi at nagtipa na lang sa cell phone ko ng mga sagot.

Unang beses sa tanang buhay ko na magseryoso sa pagsasagot. S’yempre, nasa tabi lang ang inspirasyon.

Maya-maya ay dumating si Tita Lea na may dalang merienda para sa amin ni Zaya.

“Kain na muna kayo.”

“Thank you, Tita.” Ngumiti ito sa akin at agad rin namang umalis. Nakita niya rin siguro ang pag-irap ni Zaya.

Zaya told me that her mother is already in heaven. Tinanong ko kung bakit ang init ng dugo niya sa stepmother niya. At sa tuwing sinasabi ko ang salitang iyon ay pinipilit niya na hindi niya naman daw ito stepmother dahil hindi sila kasal ng daddy niya.

“Bakit ba nagtataray ka na naman?” Tanong ko habang inaabot ang juice na dala ni Tita Lea kanina.

“Isn’t it obvious? It’s because of Lea.” Just Lea? No other signs or even hints of respect. Parang nandidiri siya habang binabanggit ang pangalan no’n.

“You bad girl.”

“You also don’t like me because I’m a bad girl? Then go away. I don’t need you here. I can finish this on my own.” Bigla akong kinabahan dahil sa tono niya.

“Hey, hey, hey! Partners tayo ah? Bakit mo ‘ko papaalisin?” Pumikit ito at huminga ng malalim ng ilang beses.

“Hindi na. Just finish answering para mapasa na agad natin ‘to.” Tumango na lang ako at nagsagot. I got so much curious about her atitude. Hindi naman kasi pwedeng pinanganak lang talaga siyang masama, di ba? Nakikita kong may galit si Zaya kay Tita Lea. I just don’t know what it is.

***

Hilda’s POV

Habang naghihintay kami sa sundo kanina ay panay ang salita ni Gino. Pinipilit niya na gusto niya daw makapunta sa bahay namin. Akala siguro ni Gino ay kami ang may-ari ng bahay na iyon. At dahil ilang beses akong tumanggi ay dito na lang namin sa library ginawa ang project. Mayroon namang mga computers dito na pwedeng gamitin ng mga estudyante.

Tinignan ko ang katabing si Gino na kanina pa nakabusangot ang mukha.

“Kung ayaw mong gumawa, pwede ka nang umuwi o di naman kaya ay puntahan si Ailee.” Para kasing napipilitan lang ito na magsagot. Pwede namang ako na lang ang gumawa pero baka naman malaman ng lecturer. Project ‘to kaya dapat kaming magsagot ni Gino.

“Gusto mo na akong umalis? Bakit? Para makasama mo na ang lalaking nagugustuhan mo? Boyfriend mo na?” Sunod sunod na tanong nito na ikinataka ko. Bigla ko tuloy naalala ang nasabi ko sa mall.

“Ang sinasabi ko lang naman, kung ayaw mong magsagot ay pwede ka nang umuwi at iwan ako dito dahil ako na ang tatapos. Ano na naman ba ang sinasabi mo?”

“Then, fine! Aalis na ‘ko. May date pa kasi kami ni Ailee.” Aniya at nagmamadaling kinuha ang bag niya at s’yempre ay iniwan ako.

Ano na naman ba ang problema niya? Bigla-bigla na lang siyang nagagalit. Wala naman akong ginagawang masama sa kaniya. Maayos rin naman ang pagsasalita ko.

Nagugustuhan… Boyfriend… Wala naman akong gano’n at hindi rin importante. Kung alam niya lang na siya ang nagugutuhan ko, iiwasan niya kaya ako? Siguro. Hindi naman siguro niya ako magugustuhan.

Ang mga tipo niya ay katulad ni Ailee. Mayaman, maganda at matalino. Nasa kaniya na ang lahat at gusto pa nila ang isa’t isa. Hindi ba’t perfect? Bagay na bagay sila.

At ako? Hindi naman ako maganda para magustuhan niya. Lagi ngang napupuna ni Zaya ang pananamit ko. Pangalawa, may ibubuga rin naman ako sa klase at masipag naman akong mag-aral. At ang panghuli, mayaman? Napakalayo no’n sa katotohanan. Kung alam lang nila na kasambahay ako nila Zaya.

Kung alam niya lang… Pero hindi eh. He don’t know anything about me. I’m just an average girl who’s wishing for a prince.

That Nerd Is A BratTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon