Chapter 47:
Don’t You Dare
Zaya’s POV
Hanggang ngayon ay iniisip ko pa rin ang tao doon sa footage. Mas lalo lang akong nakukumbinsi na hindi aksidente ang lahat. Settled na ang kaso pero hindi pa rin ako matahimik. I was there too in the incident. I don’t have any basis about my claim that it’s not an accident. Pero masisisi ba nila ako? Hindi ko talaga matanggap ang nangyari kay mommy.
Tahimik lang kaming naglalakad ni Hilda papunta sa room namin. Pagkatapos ng gabing iyon ay hindi ko na siya masyadong marinig magsalita. Sanay naman ako na tahimik siya pero iba ngayon. Minsan ay nakita ko siyang tulala habang naglilinis.
Bakit ba kasi gan’yan si Hilda? Ni hindi man lang sumigaw. Hinihipuan na pala siya ng gagong ‘yon. Natutuwa pa naman ako dahil nakikipag-socialize na siya pero sa maling tao naman pala.
Hindi ko rin makalimutan ang mukha ni Gino nang gabing iyon. Galit na galit siya. Kahit anong pilit nila Gray, Jun at Ares na pigilan si Gino ay hindi pa rin ito tumigil.
Pagpasok sa room ay umupo agad kami sa mga upuan namin. Liningon naman agad ako ni Gray.
“Ang tagal niyo namang dumating.” Aniya na parang nagrereklamo. Tumaas naman ang kilay ko.
“Bakit? At least hindi kami late. Kung mas nakilala mo lang ako noon, mas malala pa ako dito.” Nasabi ko. Isang beses lang ako nag-cut. Bilang lang rin sa daliri ko ang pagka-late ko. Isang beses rin sa detention room which I find… hmm… miraculous? Hindi ko talaga inakala na titino ako kahit papano.
“Anong klaseng Zaya ka ba dati?” Interesadong tanong nito.
“Way worst.” Napanguso ito.
“I thought you really are a nerd. Pero no’ng nakita kitang nagtaray at makipag-away? You’re such a brat!” Anito at napapitik pa. “I want to know you more.”
“Hindi mo magugustuhan ang maririnig mo.” Sabi ko at itinuon ang tingin sa unahan. Matu-turn off kaya siya kapag nalaman niya ang pagkatao ko? Mas matindi pa ako sa isang brat.
“Gusto ko malaman. Best friends na tayo, remember?” Aniya at nakangisi pa.
But best friends shouldn’t kiss the other!
Bigla ko na naman tuloy naalala ang tungkol doon. Damn it, Gray! Tumingin siya sakin at nagpapasalamat ako na dumating na ang aming instructor kaya doon na lang ako tumingin.
“Good morning, class! The results of your exams are out.” Isa-isang binanggit ang mga scores namin. 200 items lahat at pinagsama-sama na ang lahat ng subjects. “Runa Elizano with 166. Hilda Servantes got 184. Zaya Denise Olegarco with 195.”
Tss. I used to be on top in academics. Pero ayos na rin ang nakuha ko. Naospital din naman ako. Nakita at narinig ko ang pagkamangha sa mga kaklase ko. Our instructor congratulated me. I just smiled as a respond.
“Arjun Elizano got 186. Congratulations to Gino Devara who got 152.” Nakita kong nag-fist bump si Jun at Gino. “Zavier Ares Castriel with 197 and Gray Zander Castriel with…” Nag-aabang ako sa sasabihin ng instructor namin. Naramdaman ko ang pagkabigo nang magsalita siya.
“Gray got 89.”
Parang awtomatikong lumingon ang ulo kay Gray na ngayon ay boring na nakaupo sa upuan niya. Parang wala lang siyang narinig at walang pakialam. Ni hindi nangalahati ang nakuha niya. Pero may narinig din naman akong iba na mas mababa pa sa score niya.
BINABASA MO ANG
That Nerd Is A Brat
JugendliteraturSi Zaya Denise Olegarco ay isang spoiled brat at may napakasamang ugali. Napakaikli ng kanyang pasensya kaya kahit sa maliit na bagay ay nakikitaan niya ng problema kaya ang ending ay nakakagawa siya ng kung ano-ano. Suki na rin siya sa disciplinary...
