Chapter 10:
Grudges against Lea
Zaya's POV
Nagising ako dahil sa mahihinang yugyog sa katawan ko. Tsk. Ano ba? Inaantok pa nga yung tao.
"Nerdy, wake up." Napadilat na ako dahil sa pamilyar na boses na narinig ko. Bakit kasama ko 'yan? "Tss. Let's go."
Nilibot ko ang tingin ko sa paligid. May mga shelves dito sa loob. Nakasuot naman ng school uniform si jerk. Yeah. Naalala ko na. Nakulong pala kami dito sa bwisit na detention room. Magbabayad ang nagkulong sakin dito. Agad akong tumayo at naglakad. Pero isang hakbang palang ang nagagawa ko ay bumagsak na agad ako... Hindi sa sahig kundi sa bisig ng isang jerk. Nakasuporta ang isa niyang braso sa beywang ko. At nakaangkla naman ang kamay ko sa batok niya. I looked at him.
His eyes are dark. It looks dangerous but filled with blue and forlorn that makes him look weak. Those eyes were dark yet they are tantalizing. Pointed nose, half-open reddish lips that is inviting, and a perfect jawline.
"Baka matunaw na 'ko niyan, nerdy." Sabi niya na nagpabalik sa akin sa realidad. "Isuot mo na lang 'to." Tsaka niya sinuot ang salamin ko sakin.
"Wag mo nga kong hawakan!" Sabi ko at bumitaw sa kaniya. Napapikit naman ako dahil kumirot na naman ang paa ko.
"Wow, huh? If I just knew, I should've let you down on the floor." Sabi niya at saka naglakad palabas.
Paano na? Parang hindi ko kayang makalakad. Sobrang sakit ng paa ko. Tss. Wala na akong choice kundi humingi ng tulong sa isang 'yon.
"Hoy." Tawag ko sa kaniya. Huminto siya pero hindi siya lumingon sakin. "I need you... I mean your help."
"Why would I help you?"
"Because I need help and you're the only one here."
"What would I get if help you?" Tss. He's indeed unbelievable! Kailangan pa talaga ng kapalit bago ako tulungan. Sabagay, the word 'help' is not included in his vocabulary.
"Okay. What do you want?" Lumingon na siya sa akin at naglalakad papalapit.
"Park at 8 pm on Thursday." Ayan yung nakalagay sa sulat kahapon. Ano ba kasing meron?
"Okay, deal."
"Anong gagawin ko?"
"Umupo ka." Lumapit pa siya sa akin at naupo nga siya. Pero nakaharap naman sa akin. Nasa tapat na ng mukha niya ang hita ko. "Pervert. I thought my legs are not worth seeing? Tumalikod ka." He sighed but still obeyed. Hindi na ako nagsalita at pumasan na lang sa likod niya.
"What the heck, nerdy?"
"Ano? Kung ayaw mo kong kargahin, e di wag!" Umalis na lang ako sa likod niya. I'm just standing using only one foot! Damn it! "Excuse nga. Dadaan ako."
Nagugutom na nga 'ko, ang sakit pa ng paa ko. At wala pang consideration ang isang 'to.
Tumayo siya at naglakad ulit. Habang ako, mabagal at dahan-dahan akong naglalakad. Sa bawat galaw ko ay hindi ko maiwasang mapapapikit. Sobrang malas ko talaga. Ito na ba yung karma ko sa lahat ng pambubully at pagiging brat ko?
"Kyah!" Napatili ako dahil bigla akong binuhat ni jerk. I can't help but to look at his face.
"Kumapit ka sakin. What's wrong with your foot?"
BINABASA MO ANG
That Nerd Is A Brat
Roman pour AdolescentsSi Zaya Denise Olegarco ay isang spoiled brat at may napakasamang ugali. Napakaikli ng kanyang pasensya kaya kahit sa maliit na bagay ay nakikitaan niya ng problema kaya ang ending ay nakakagawa siya ng kung ano-ano. Suki na rin siya sa disciplinary...
