CHAPTER 40

1.2K 93 7
                                        

Chapter 40:
Liar

Hilda’s POV

Paghinto palang ng kotse nila Zaya sa tapat ng bahay nila Gino ay mas lalong tumindi ang kaba na nararamdaman ko. Dinig na dinig ang kabog ng dibdib ko. Parang mas malakas pa nga yata iyon kaysa sa tugtog na naririnig ko mula sa loob.

“We’re here. Let’s get in.” Sabi ni Sir Carter kung kaya’t lumabas na kami sa kotse.

“P-Pwede po bang hindi na ako sumama?” Tanong ko. Nagdadalawang-isip kasi ako. Kinakabahan akong humarap sa maraming tao lalo na kay Gino.

“There’s no backing out, Hilda. Kung ayaw mong mawalan ng trabaho, susunod ka.” Napabuntong-hininga ako. Wala na talaga akong magagawa. “Tara na.”

Suot ko ngayon ang binigay sa akin ni Zaya na isang dress. Spaghetti-strapped ito at medyo malalim rin ang neckline. Hapit na hapit sa katawan ko at umabot lang sa gitna ng hita ko ang dress. Kinulot niya rin ang buhok ko at nilagyan ako ng mga binili niyang kolorete kahapon.

Kapansin-pansin ang dami ng tao pagpasok pa lang namin. Marami talaga ang kaibigan ni Gino. Mapababae o lalaki man.
Sa paglalakad ay nakasalubong namina ng birthday celebrant na si Gino.

“Happy birthday.” Bati ni Zaya kay Gino at inabot ang regalo nila ni Sir Carter. Masaya naman itong tinanggap ni Gino.

“Thank you! By the way, bakit nandito si Carter? Hindi naman ‘yan invited.” Anito na may pagsusungit. Bahagya akong napangiti. Ganito pala ang mukha niya kapag nagsungit.

Ang cute pa rin…

“Eh di hindi. Ibalik mo sakin ‘yang regalo. Ako ang bumili niyan.” Napanguso na lang si Gino pero lumapit rin naman kay Sir Carter at umakbay dito.

“Alam mo kasi… Hindi naman ako masyadong bitter dahil sa betrayal mo. Nakalimutan ko na nga eh. Kaso nadungisan pa rin yung makinis at gwapo kong mukha.” Napapailing na lang si Sir Carter dahil sa mga sinasabi ni Gino.

“Papasukin mo na lang kami. Baka mamaya, mag-drama ka pa sa harap ko.”

“Ito na nga. Pasok na kayo. Oh…” Napahinto siya at dumapo ang tingin niya sa akin. Nagtama ang mga mata naming kaya agad akong umiwas ng tingin. “May kasama pa pala kayo.”

“Yeah.” Tugon ni Zaya.

“Who is she?” Hindi na naman niya ako nakilala…

“Hindi ka ba marunong kumilala ng tao? Si Hilda ‘yan.” Nabakas ang pagtataka sa kaniya gano’n na rin ang pagkagulat.

“Ah, really? Tara na.” Naunang naglakad sila Zaya at Sir Carter at nasa likod naman nila ako. Maya-maya ay sumabay sa akin sa paglalakad si Gino kaya medyo nailang ako.

“Happy birthday, Gino.” Bati ko sa kaniya. Hindi ko naman magawang tumingin dahil nahihiya ako.

“Thanks, Hilda. Anyways, sorry pala dahil nasigawan kita noong isang araw. I don’t know what’s gotten into me.” Nginitian ko siya.

“Ayos lang.”

“Ayos na tayo? Hindi ka na galit?” Anito habang naglalakad na nakaharap sa akin.

“Hindi na.” Totoong medyo nainis ako dahil bigla-bigla niya na lang ako hinila at sinigawan pa. Pero ayos na sa akin dahil nag-sorry na siya.

“That’s nice, then. You look pretty tonight…” Napayuko ako para hindi niya makita ang mukha ko na alam kong namumula na. Yumuko pa rin ako kahit na alam ko namang medyo madilim na ang paligid. “Regalo ko pala?”

“Huh? A-Ano…”

Kung kanina ay nagdadalawang-isip ako sa pagpasok, ngayon naman ay nagdadalawang-isip ako kung ibibigay ko ang regalo ko sa kaniya. Binili ko ito sa mall kahapon nang magkaroon ako ng pagkakataon nang gumamit ng banyo si Zaya. Simpleng bracelet lang naman na itim at hindi gano’n kamahal.

Baka hindi niya magustuhan…

“Ano?” Tanong niya na nagpatigil sa akin sa pag-iisip.

“Ano… Baka hindi mo magustuhan.” Nilakasan ko ang loob ko para maisatinig iyon.

“Nanghihingi nga ako ng regalo eh. Kahit ano pa ‘yan, tatanggapin ko.” Mabuti naman kung gano’n. Bumuga muna ako ng isang malalim na hininga at saka inilabas ang regalo ko para sa kaniya.

“Ito oh. Sorry, iyan lang ang nakayanan ko.”

“Ayos lang. Put it on me.” Aniya sabay lahad ng kamay niya. Sinunod ko naman ang sinabi niya at iniligay iyon sa kaniya. Pagkatapos ay inilapit niya ito sa kaniya. “Thanks! Akala ko wala kang regalo. Handa na sana akong magtampo.”

“Ayos lang ba? Nagustuhan mo?” Ngumiti ito sa akin at tumango.

“Oo naman. It looks simple but cool. I like it.” Nakahinga ako ng maluwag nang marinig ito mula sa kaniya. Akala ko ay hindi niya magugustuhan.

“Tara na sa loob.” Tumango naman ako at saka kami sabay na naglakad. Pero nahinto rin naman dahil may tumawag kay Gino mula sa likuran namin.

“Gino!” Napalingon kami sa babaeng tumawag sa kaniya.

Bumungad sa akin ang isang magandang babae habang patakbong lumalapit sa direksiyon namin. Naka-dress din ito at hapit rin sa katawan niya. Maganda na ang mukha, maganda pa ang katawan.

“Ailee!” Dinig kong sabi ni Gino. Iyan siguro ang pangalan ng babae.

Ailee… Saan ko nga ba narinig ang pangalan niya?

Ilang saglit lang ay nakalapit na ang babaeng tinawag ni Gino na Ailee. Lumapit it okay Gino at mabilis lang na ipinagdikit ang mga pisngi nila.

“Happy birthday, Gino!” Masayang bati ni Ailee ditto. Kahit ang boses niya ay bagay sa kaniya. Mahinhin at walang arte.

“Thanks, Ailee, my loves. Buti nakapunta ka.” Ngiting-ngiting tugon naman nito.

Ailee, my loves?

“S’yempre naman. I can’t miss your party. Baka mamaya magtampo ka na naman.”

“Oo, magtatampo ako kapag hindi ka pumunta. Pero mas magtatampo ako kapag nakalimutan mo yung pangako mo sakin.” Saglit na napaisip si Ailee pero ngumiti din naman agad.

“Did you do well in your exams? ‘Yon ang usapan natin, di ba?”

Usapan… Exams… Hindi kaya…

“Yeah, I know that’s why I reviewed so hard.”

Siya nga ang tinutukoy na  ka-date ni Gino kapag nakapasa siya.

“That’s good. Anyways, here’s my gift for you.” Ani Ailee at inabot kay Gino ang regalo niya na nakalagay sa isang paper bag. Agad naman itong kinuha ni Gino sa kaniya. “I know how much you hate accessories. Iyon sana ang ibibigay ko eh. Kaso baka hindi mo magustuhan that’s why I bought a shirt for you. Hope you like it.” Parang may sumakal sa puso ko dahil sa narinig mula kay Ailee.

Sabi ni Gino ay nagustuhan niya pero hindi naman pala niya gusto ang mga accessories.

Para saan pa ang pagsisinungaling niya? Sana hindi niya na lang sinabi na nagustuhan niya kahit hindi naman pala.

Sinungaling

Tumingin ako kay Gino at kitang-kita ko sa mukha niya ang pagkabigla. Bahagyang nakaawang ang bibig niya na para bang may gusto siyang sabihin pero hindi ko na iyon hinintay.

“E-Excuse me. Maiwan ko na kayong dalawa.” Hindi na rin ako naghintay pa ng sagot nila at umalis na. Hinanap ko agad sila Zaya.

Dapat pala ay sinunod ko na lang talaga ang sinabi ng isip ko na huwag nang ibigay ang regalo. Nagawa niya pang magsinungaling sakin.

That Nerd Is A BratTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon