Chapter 90:
Punishment and Revenge
Gray’s POV“Ang sungit naman ng babae na ‘yon. I don’t like her attitude. She looks like an arrogant brat.” Komento ni Alexis habang ang mga tingin ay nasa kaniyang cupcake. Hawak niya naman ang isang tinidor at tinusok-tusok ang cupcake. “What is her name pala, Zi? Kaklase natin siya, right?”
“She’s Zaya.” Nakit ako agad ang panlalaki ng mga mata ni Alexis.
“Saan ko nga ba narinig ang pangalan niya?” Tanong niya sa sarili. Hindi na ako nagsalita at tinignan na lang siya habang kumakain. Nagyaya kasi siya sa cafeteria pagkatapos ng break kaya heto kami ngayon. Hindi pa naman ako gutom kaya hindi ako nag-order. Iniisip ko pa rin ang pagbabalik niya.
Pagkapasok niya pa lang sa room at unang tingin ko pa lang sa kaniya, naramdaman ko na agad na mayroong kakaiba sa kaniya. Una kong tinignan ang mga mata niya habang nakatingin siya kay Alexis. Blangko ang ekspresyon pero nakikita ko rin ang inis sa mga mata niya. Hindi ko rin makalimutan ang mga sinabi niya kay Alexis. Masasakit ang mga ‘yon. Naluha pa nga si Alexis at sinabing hindi niya gusto si Zaya dahil naiinis siya rito.
Kung hindi ko siguro kilala si Zaya, baka mainis na rin ako. She can ask Alexis to switch seats ‘politely’… pero hindi niya ginawa.
Nararamdaman ko na na nagiging mabait na siya. Nandoon na eh. Malapit na! Pero ibinalik ko ang lahat sa dati. I’m so fucking guilty for what I did to her.
Habang hinihintay si Alexis na matapos sa pagkain niya ay tumingin muna ako sa labas ng cafeteria. Nagkalat ang mga estudyante sa labas pero ang nakaagaw ng pansin ko ay ang pamilyar na bulto nila Runa at Zaya. Mukhang nag-uusap ang dalawa. Pinanood ko pa silang dalawa pero bigla na lang umalis si Zaya. Hahabol pa sana si Runa pero pinigilan ito ni Ares.
“Lex, finish your food. I need to go.” Paalam ko sa kaniya.
“But, Zi! You’re leaving already? Hindi ka pa nga kumakain eh.”
“May kailangan lang akong puntahan.” Hindi ko na hinintay ang tugon niya at nagmamadali nang lumabas sa cafteria para sundan si Zaya. Naabutan ko siyang tinatahak ang daan patungo sa hardin ng school.
Pinagmasdan ko si Zaya habang mabagal na naglalakad. Nanatili naman ako sa likod niya at iniingatan na hindi makalikha ng kahit anong tunog o ingay para hindi niya ako mapansin. Mula rito sa pwesto ko ay naririnig ko ang mahihina niyang hikbi.
Ano kaya ang pinag-usapan ni Runa para umiyak siya ng ganito?
Halos tumalon ang puso ko dahil sa gulat ng bigla siyang humarap sa akin. Halos mawalan pa ako ng balanse dahil bigla niyang paghinto sa harap ko. Kitang-kita ko kung paano umagos ang luha niya mula sa mga mata niya pababa sa kaniyang magandang mukha. Itinaas ko na ang kamay ko para sana tuyuin ang luha sa pisngi niya pero agad na siyang umiwas. Saglit siyang tumalikod sa akin, siguro ay para siya na ang gumawa no’n.
“Ano, masaya ka na? Kontento ka na ba ngayon na nakikita mo ‘kong nahihirapan? Nasasaktan?” Napakurap ako sa naging turan niya. Kailanman ay hindi ko hingad na maging gano’n.
“No, I’m never happy seeing you like this, Zaya.”
Kahit tinitignan ko lang naman siya, ramdam na ramdam ko ang sakit na nararamdaman niya ngayon.
“Hypocrite!” Pasigaw na aniya. Nagsimula na namang tumulo ang luha niya. Gustong-gusto ko siyang lapitan, hawakan, yakapin… pero alam kong wala ako sa posisyon para gawin ‘yon. Ako ang dahilan ng sakit na nararamdaman niya. “Hindi ba’t ikaw ang naglagay ng damit na ‘yon? Kung hindi mo ‘yon ginawa… Kung hindi mo ‘yon nilagay… Sana hindi ko nagawa ang bagay na ‘yon kay Runa!” Mas lalong umiyak si Zaya sa harap ko. Sinimulan niyang pagsusuntukin ang dibdib ko. Ako naman ay humakbang palapit sa kaniya at niyakap siya. Tumakas na rin ang luha na kanina pa nagbabadya.
“Tangina mo, Gray! Tangina mo! Maayos na ako eh. Pero binalik mo ulit ako sa dating ako!” Unti-unting humina ang mga suntok niya na tila nawawalan ng lakas ang mga kamao niya. Mas humigpit naman ang yakap ko.
“I’m sorry, Zaya. I’m sorry.” May kung anong bumara sa lalamunan ko. Kaunti na lang ay mawawasak ng ang boses ko.
“I hate you. I hate you so much! I hate Paris. I hate his dad. I hate Lea. I hate Mitch and Betty. I hate you. I hate myself!” Humagulgol siya ng iyak. “I hate this life, Gray. Sabi mo tutulungan mo ‘kong mag-move on. Dadagdagan mo lang pala ang sakit.”
“I’m sorry…”
That’s all I could say. Gusto kong magpaliwanag sa kaniya. Alam kong kinamumuhian niya ako. Nagagalit rin ako sa sarili ko. Tama ang daddy ni Zaya. Kung mahal ko siya, sana hindi ko siya sinaktan. She has too much on her plate already yet I added more. Napakawalang kwenta kong tao. Wala na akong nagawang mabuti. Kahit ang babaeng mahal ko ay nagawa ko pang saktan at paiyakin ng ganito.
“Sana hindi na lang kita nakilala, Gray…”
Natigilan ako sa sinabi niya. Para akong nawalan ng buhay. Parang milyon-milyong kutsilyo ang tumarak sa puso ko. Hindi ako makagalaw. Hindi ko alam na dadarating talaga ang panahon na sasabihin niya ‘to sakin. Hindi ako handa. Ang sakit pala.
“Zaya…” Iyong kaninang bara sa lalamunan ko ay nawala na. Unti-unti nang tumulo ang luha ko. Nag-angat siya sa akin ng tingin. Namumula ang kaniyang mga mata. Kalat na rin ang luha sa mukha niya. “Alam kong marami akong nagawang mali sayo. Una palang pinagtripan na kita. Ginamit pa sa pustahan. Binalik ang mga memorya mo na alam kong gusto mo nang kalimutan. Oo, tama ka. Sana nga hindi mo na lang ako nakilala. Puro sakit lang kasi ang binigay ko sayo. Pero Zaya… hindi ko sinasadya. Wala akong alam. Oo, inaamin ko na gusto nga kitang pag-tripan noon. Noon ‘yon, Zaya. Hindi pa kita kilala ng lubos kaya siguro nagawa ko ang lahat ng ‘yon. Pero gusto kong malaman mo na… sobrang saya ko na makilala kita. Hindi na ako ‘yong dating Gray na uhaw sa atensiyon kasi binigay mo ‘yon sakin. Kahit alam mong kagaguhan lang ang gagawin ko… kahit masamang tingin lang galing sayo, Zaya. Solve na ako do’n.”
“Ikaw lang ‘yong babae na pinansin ako kahit kalokohan lang ang gagawin ko. I’m so happy to met you, Zaya. Hindi ko alam na nagbabago na pala ako dahil sayo. I’m so happy to have you by my side. You never judged me like my father do. Pakiramdam ko, tanggap mo ‘ko, hindi katulad ng iba.” Nakatitig lang sa akin si Zaya habang nagsasalita ko, umiiyak pa rin. Hindi ko naman gustong magpaawa o ano. Gusto ko lang malaman niya na masaya akong dumating siya sa buhay ko. “I’m really sorry for everything. I want to ask for forgiveness but I’m not in the position to ask that. But I just want you to know that I’m ready to do anything for you. Kahit ano pa ‘yan, gagawin ko. Babawi ako sa lahat ng sakit na binigay ko sayo.”
Kahit ano pang parusa niya ay tatanggapin ko. Puro sakit na lang ang binigay ko sa kaniya. Siguro, dapat ako naman ngayon. Alam kong mahirap pero tatanggapin ko pa rin ang kahit ano. I’m ready to get punish.
“Liar. You don’t want to experience pain like I did, Gray.”
“Handa ako sa lahat, Zaya. Kahit saktan mo pa ako ng paulit-ulit, ayos lang. Gumanti ka sa akin.”
“Oo, sanay na akong maghiganti. Kahit isang simpleng masamang tingin lang sa akin ay papatulan ko.” Nakita ko ang pagbuntong-hininga niya. “Pero may puso pa rin naman ako. Siguraduhin mo lang na hindi ka nagsisinungaling sa mga sinabi mo habang nasa kwarto kita at ngayon dahil kung hindi… Hindi ako magdadalawang-isip na gumanti sayo.” Huling sabi niya at iniwan ako. Agad naman akong lumingon sa direksiyon kung saan niya dumaan.
Sa kwarto niya? Ibig sabihin… narinig niya ang lahat ng sinabi ko? Hindi siya tulog?
Hindi ko alam pero para akong nabunutan ng tinik. Siguro ay dahil nakapag-usap kaming dalawa kahit paano. Narinig niya pala lahat ng sinabi ko. Mabuti naman kung gano’n. pero kahit hindi niya naman siguro narinig, magpapaliwanag pa rin ako ng paulit-ulit.
Now, I’m really ready for her punishment and revenge for me. If that could make her better then, I’m all ready to accept it.
___________________________________________
Thanks to...
zeickimqtie
LeanneAeios
EiaJoryRiezLeanePontillas
BINABASA MO ANG
That Nerd Is A Brat
Novela JuvenilSi Zaya Denise Olegarco ay isang spoiled brat at may napakasamang ugali. Napakaikli ng kanyang pasensya kaya kahit sa maliit na bagay ay nakikitaan niya ng problema kaya ang ending ay nakakagawa siya ng kung ano-ano. Suki na rin siya sa disciplinary...