CHAPTER 2

3.2K 143 75
                                    

Chapter 2:
I'll Behave


Zaya's POV

"Ma'am, gising na po. Huling pasok niyo na po sa school niyo." Nagising ako dahil sa tinig na ito ni Hilda. Ang pinakabatang maid namin. Siguro ay isa hanggang dalawang taon lang ang tanda niya sakin.

"Is Lea still there?" Bungad ko.

"Wala na po. Umalis na po sila." Mabuti naman. Ayaw kong makita ang mukha ni Lea lalo na sa umaga at kagigising ko lang.

Yes, kick out na ako sa school pero pinapapasok parin ako ngayon. Bago ako na-kick out ay naka-take na kami ng exam for the first quarter at ngayon ang labas ang results. And I need my grades para maka-enroll at transfer na ako sa ibang school.

Hindi ko matawagan si Paris kagabi dahil kinuha yon ni Dad. Sana hindi magalit si Paris sakin.

Tamad akong naglalakad papunta sa bulletin board. Maraming estudyante ang nandito para makita kung nakapasa ba sila o hindi. I heaved a sigh. Umagang-umaga ang iingay. Huminga ulit ako ng isang beses para pigilan ang inis ko pero hindi ito nakatulong. Mas lalo lang akong nainis.

"Tabi!" Sigaw ko. Tumigil naman ang ingay at nagsitabihan ang mga estudyanteng nakaharang sa board. Lumapit naman ako dito.

Let me see. Wala namang nagbago. I'm still on top. And Mitch... is nowhere to be found. Tss. Kahit ano pang gawin niya, hinding-hindi siya mananalo sakin.

Mabilis lang na lumipas ang oras at papunta na ako ngayon para sa huling klase. Hindi pa rin kami nagkikita ni Paris. I can't even call him kaya hindi ko alam kung nasaan siya. He's a busy man, anyways.

Maya-maya ay natigilan ako sa paglalakad dahil nakita kong nakahilig si Paris sa pader. Napangiti agad ako.

"Paris." Tawag ko sa habang papalapit sa kanya. Lumingon naman siya sa akin. Seryoso ang mukha nito kaya medyo kinabahan ako.

"You didn't answer my calls." Ito na nga ba ang sinasabi ko eh. Galit 'to. But let me explain.

"Sorry. Kinuha kasi ni Dad yung phone ko kaya hindi ko nasagot yung tawag mo. I'm sorry." Lumapit ito sa akin at nabigla ako ng niyakap niya ako.

"Aalis ka na?" He asked.

"Yeah. Kick out na 'ko eh."

"Pasaway ka kasi. Pa'no na tayo?" Nalungkot ako bigla. Hindi ko na siya makakasama. Well pwede pa naman pero hindi na katulad ng dati.

"Hindi naman ako mawawala. Lilipat lang ako ng school. At magkikita pa rin tayo." Tugon ko naman.

"Saang school ka lilipat?"

"Hindi ko pa alam. Pero sasabihin ko naman sayo agad kung saan."

"Please, behave. Nauubusan ka na ng school at baka sa susunod, sa states ka na pag-aralin."

Pagkatapos ng pag-uusap namin ni Paris ay pumasok na ako sa klase at ganon rin naman ang ginawa niya. He's in grade 12 senior high at grade 11 naman ako.

Pagkatapos ng klase ay nag-announce na si Ma'am Delta na aalis na nga ako sa school na to. How funny na may ganito pa pala.

"Everyone, aalis na si Ms. Zaya Denise Olegarco at magta-transfer na siya sa ibang school." Sabi ni Ma'am Delta sa klase. Buti hindi sinabi ang tunay na dahilan kung bakit ako aalis. Kahit hindi naman siguro sabihin ay alam na nila. Nasa eighty percent dito ay dumaan sa kamay ko. Siguro ay nagdidiwang na sila dahil mawawala na ako.

That Nerd Is A BratTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon