CHAPTER 86

836 68 25
                                        

Chapter 86:
Choice


Zaya’s POV

Agad kong hinanap si Hilda pagkalabas ko ng study room ni daddy. Mukhang hindi pa yata siya nakakauwi galing sa school. Sasabihin ko sa kaniya na hindi na kami aalis.

Kahit naman paulit-ulit kong sabihin sa sarili ko na gusto kong umalis ay hindi ko pa rin magawa. Mas nananaig sa akin ang desisyon na manatili. Not because of Gray. But also because of my friends. Hindi ko yata kayang umalis nang hindi pa ako nakakahingi ng tawad kay Runa dahil sa ginawa ko sa kaniya. Hindi ko kayang umalis lalo na kung hindi niya pa ako napapatawad at kung may galit pa siya sa akin.

I’m also staying for myself. Pakiramdam ko kasi, kapag umalis ako ay parang tatakbuhan ko na rin ang problema at takot ko.

“Oh, Zaya. May kailangan ka? Sana tinawag mo na lang ako.” Tanong ni Manang nang makita ako sa living area. Ngayon na lang ulit kasi ako lumabas ng kwarto ko. Lagi-lagi akong nakakulong. Even my therapies are done in my room.

“Nandito na po ba si Hilda?”

“Ah, oo. Nakita ko sa labas. May naghatid yata sa kaniya.” Agad akong nagtaas ng kilay dahil sa sinabi ni Manang. “Lagi-lagi nang may naghahatid sa batang ‘yon. Naka-kotse.”

“Thanks, Manang.” Iniwan ko siya at lumabas. Kitang-kita ko si Hilda na may kausap na lalaki. Mukhang sinusunod niya na ang mga tinuturo ko sa kaniya.

Mas lumapit ako doon kaya mas nakita ko ang mukha ng lalaki na kausap ni Hilda. Walang iba kun’di si Gino kaya biglang uminit ang ulo ko. Kahit naman narinig ko na ang lahat ng paliwanag ni Gray, hindi ko naman alam ang side nitong si Gino.

“Sana hindi na lang kayo umalis. Mag-resign ka na lang kasi. I can provide for you. Pwede ka doon sa bahay.” Sabi ni Gino na mas ikinainit ng ulo ko. Magsasalita na sana si Hilda pero inunahan ko siya.

“So you can bed her?” Parehong gulat ang dalawa nang makita ako. Lalo naman si Gino.

“Bed her? No way! I respect her, okay?”

“Whatever.”

“You look okay now. That’s nice.”

“Don’t talk to me as if we’re close friends because we’re not. Leave now  if you don’t want to be dragged by our guards.” Puno ng pagbabanta kong sabi.

“I rather be dragged away, Zaya. Nakikipag-usap lang naman ako kay Hilda. Ang sungit mo naman.”

“Baka nakakalimutan mo na may kasalanan ka pa? Ano ba kasing ginagawa mo dito? I hate seeing you.” Mas naiinis yata ako dito kay Gino. Siya ang puno’t dulo ng bet na ‘yon.

“I just want to talk to her. Ayaw ko siyang paalisin.” Napangisi ako sa naging turan ni Gino.

“Hindi ikaw ang masusunod kun’di si Hilda. Leave now, Gino.” Napabuntong-hininga siya at wala na ring nagawa nang magtawag ako ng guard. Umalis rin siya. “Takot pala ang manliligaw mo eh.” Sabi ko sabay baling kay Hilda.

“Ah, h-hindi naman sa ganoon.”

“It’s okay. Hindi naman ako galit. Naiinis lang ako dahil sa ginawa niya… nila sa atin.”

“Humingi na siya sa akin ng sorry at nagkausap na rin kami. Maayos na kami.” Tugon niya na bahagya pa ring nakayuko.

“That’s nice to hear. But I’m warning you, Hilda. He might hurt you again.” Kahit naman minsan ay nagiging malupit at masungit ako kay Hilda ay nag-aalala pa rin ako. Bago pa lang siya sa mga ganito kaya gusto ko siyang tulungan. “So, nililigawan ka talaga niya?”

That Nerd Is A BratTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon