CHAPTER 96

615 40 13
                                        

Chapter 96:
Okay

Zaya’s POV

“We already know where he is!” Sigaw ni Jun habang patakbo silang lumalapit sa amin.

“Where is he?” Tanong ko agad dahil sobrang nag-aalala na talaga ako. Mabilis lang naman kasing mag-reply si Gray sa mga texts at mabilis rin siyang tumanggap ng tawag kaya parang weird lang talaga ngayon. Huwag lang siyang magkakamali na i-prank ulit ako dahil bubugbugin ko talaga siya.

“We’re not certain about the information yet. But based on that girl, she said, she heard the guards are going to bring my brother in a police station. And the other guard brought that Paris in hospital.” Si Ares ang sumagot at hindi makapaniwala. Kaming lahat rin ay naging gano’n ang reaksiyon.

“The hell? Gray is in jail?” Hininaan ni Gino ang boses niya sa pagtatanong.

“Hindi pa namin sigurado. Pinaalis na rin daw kasi sila doon sa boutique kaya hindi niya alam kung dinala nga sa prisinto si Gray.” Napabuntong-hininga ako at napakagat sa labi. Hindi nga malabong arestohin nila si Gray. Nanggulo sila sa public at napuruhan pa si Paris. Kahit saang anggulo tignan sa video, si Gray talaga ang nauna.

“Then why are we still here? Let’s go there!” Paggigising ko sa diwa nila. Nakatulala na sila dahil kahit ako, hindi ko rin naman lubos na maisip na… nasa kulungan nga si Gray. Kung kahapon pa iyong nangyari, ibig sabihin ay doon siya nagpalipas ng gabi.

“Sama kami!” Sabi ni Runa at bahagya pang tinaas ang kamay niya.

“No, you’re staying here. Dito lang kayo, girls. Kami na ang bahala.” Tugon ni Ares pero umiling ako sa kaniya. Hindi ako sumasang-ayon sa gusto niyang mangyari.

“I’m coming, too.”

“Huwag na. Kami na lang.”

“I caused the commotion. Kung hindi dahil sa akin, hindi naman sila magkakainitan ng gano’n.” I somehow blame myself for what happened. Ako ang puno at dulo nito. Kailangan kong sumama. Isa pa… gusto ko siyang makita. Iniisip ko ang mga sugat na natamo niya. Hindi lang naman si Paris ang nabugbog kun’di pati na rin si Gray.

“No, you don’t have to blame yourself. It’s my brother’s temper.” Inirapan ko lang si Ares at nauna pang lumabas ng cafeteria. Walang nagawa ang tatlong lalaki at sumunod na lang sa akin. Sumabay si Jun sa kotse ni Gino at ako naman ay sumama sa kotse ni Ares. Tahimik lang ang naging biyahe namin. Pareho siguro kami ngayon ng naiisip ni Ares at iyon ay tungkol kay Gray.

Tanghali na nang makarating kami. Medyo natagalan talaga kasi ang paghahanap nila Jun at Ares doon sa babaeng nag-video. Hindi na rin kami nakapasok kanina sa ilang subjects dahil sa paghihintay ng balita.

Huminto ang kotse ni Ares. Hindi ko na siya hinitay at nauna nang lumabas ng sasakyan. Sabay-sabay kaming apat na pumasok doon sa police station. Ang nagtanong ay si Ares.

“May Gray Castriel po ba dito?”

“Ah, oo. Kahapon lang ‘yon dinala dito.” Tugon naman ng isang pulis. Totoo nga na dinala siya dito.

“Pwede po ba siyang puntahan?” Tanong naman ni Gino.

“Dito…” Tumayo ang pulis na pinagtanongan namin at sumunod naman kami sa kaniya. May binuksang isang kwarto ang pulis. Tumambad sa amin doon ang ilang upuan at mesa. “Dito muna kayo.” Tumango lang kami sa kaniya at siya naman ay umalis saglit. Siguro ay para papuntahin rito si Gray.

“I can’t believe what the girl said is true. He’s really here.” Kahit ako ay sumasang-ayon sa sinabi ni Jun. Totoo ngang nandito siya.

Maya-maya ay naramdaman naming bumukas ang pinto kaya napalingon agad kami doon. Nakita ko ang panlalaki ng mga mata ni Gray ng makita kami. Tumayo ang tatlong lalaki para salubungin siya.

That Nerd Is A BratTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon