Chapter 53:
Know Her Boyfriend
Gray’s POV
I totally forgot about that bet. Pinaalala lang sa akin ni Gino. Hindi ko alam na nasa isip niya pa rin ‘yon. Nang ma-realize ko na may gusto ako kay Zaya, hindi ko na inisip ang tungkol doon. Hindi ko kayang saktan si Zaya.
“The intramurals is near so we’re all going to be busy. Pero bago ‘yan, kailangan niyo munang ipasa ang magiging project niyo sa akin sa subject ko.” Sabi ng aming lecturer sa English. “We’ll do it by pairs para makapasa kayo agad.”
Sana ka-partner ko si Zaya sa project na ‘yan. Kaya para makasigurado na ako ang partner ni Zaya ay nagtanong na ako.
“Miss, can we choose our partners?” Tanong ko.
“Sure. But for you Gray, I suggest you to be paired with Ares or Zaya.” Hindi ko maitago ang ngiti ko dahil sa narinig. Mataas kasi ang nakuha nilang grades. Hindi ko alam kung dapat ba akong matuwa dahil nakakuha ako ng mababa. But at least, I’ll be paired with Zaya.
“I’ll go with Zaya.”
“Do you have any objections, Zaya?” Dumako ang tingin ko kay Zaya at mukhang nag-iisip pa siya sa naging tanong ng lecturer kaya binigyan ko siya ng nagbabantang tingin. Pagtataray naman ang nakuha ko mula sa kaniya.
“None, miss.”
“Okay, I’ll let you choose your partners. But let me discuss first your project. You’ll go watch a movie that is showing then you’ll have to answer questions. You’ll pass your project next week.”
Habang mas tumatagal ay mas nagkakaroon ako ng pag-asa. Tadhana na yata ang tumutulong sakin para maagaw si Zaya.
Nag-discuss pa ng kaunti ang lecturer para sa magiging project namin. I hated projects and even assignments or homeworks. Ngayon lang yata ako natuwa na magkaroon ng project sa isang subject.
Nang mag-break ay sama-sama ulit kami papunta sa cafeteria.
“Ang sama ng tingin mo sakin kanina.” Si Zaya na katabi ko habang naglalakad.
“Para kasing ayaw mo pa akong maka-partner.” Nakita ko talaga kanina kung paano siya mag-isip. Mukhang ayaw niya.
“Inaasar lang naman kita. Sinabi ko sayo, di ba? Tutulungan kita para maayos ang grades mo.”
Maya-maya lang ay nasa cafeteria na kami.
“Guys, sabay-sabay na kaya tayo manood? We never go out as a squad.” Sabi ni Runa pagkaupo. Tumabi naman agad sa kaniya si Ares. “Tapos Zaya, isama mo yung boyfriend mo. Hindi pa namin nakikita eh.” Binigyan ko ng matalim na tingin si Runa pero hindi niya naman iyon napansin dahil ang atensyon ay nasa kay Zaya.
“Wag na. Baka mamaya, ma-distract pa ‘yan si Zaya dahil sa boyfriend niya.” Agap ko bago pa pumayag si Zaya. Hindi pwedeng sumama ang lalaking ‘yon.
“Eh di after ng movie! Manonood muna tayo then mamasyal na.” Si Runa. Kung hindi ko lang kakilala si Runa at kung hindi lang siya babae, baka nasuntok ko na siya.
“Okay, I’ll call him.” Nanlumo ako dahil sa pagpayag ni Zaya. Kanina ay masaya ako dahil parang nag-date na rin kami ni Zaya kung manonood kami ng movie. Ang kaso naman ay sasama at dadating pa ang boyfriend niya.
“Bakit ba gustong-gusto mo makilala ang boyfriend ni Zaya? Don’t tell me na may gusto ka do’n?” Sabi ni Ares na hindi ko masyadong inasahan. Saglit siyang tumingin sa akin at ibinalik ang tingin kay Runa.
“W-Wala ah!”
“Why stammer, Runa?”
“Eh kasi…” Tinaasan ng kilay ni Ares si Runa nang hindi ito makasagot. “Sige na nga, Zaya. Wag mo nang isama ang boyfriend mo. Curious lang naman ako.”
“Then stop being curious.” Seryosong tugon ni Ares at bumalik sa pagkain niya. Nakasimangot naman ngayon si Runa. Hindi ko na pinansin ang dalawang ito at bahagyang siniko si Zaya.
“Wag mong isama yung boyfriend mo, ah? Distraction lang ‘yan. Baka mamaya niyan, ako pa ang magsagot ng lahat ng tanong para sa project natin.” That Paris is a distraction. Sigurado akong hindi na ako mapapansin ni Zaya kapag nand’yan ang boyfriend niya. Ano pa nga ba ang aasahan ko? Best friend lang kami ni Zaya at boyfriend naman niya ang Paris na ‘yon.
“Hindi ako basta nadi-distract. Inuuna ko kung ano ‘yong importante.”
“Good.”
Minsan ay naiisip ko at tinatanong ko sa sarili kung dapat ko bang ituloy ang ginagawa kong pang-aagaw kay Zaya mula sa boyfriend niya. Alam ko namang mali pero ang hirap kasi. Selfish ba ako kung gawin ko pa ‘to? Selfish ba ako kasi hindi ko na inisip ang magiging relasyon nila? Selfish ba ako kasi wala na akong pakialam kung masira sila?
Of course! Kahit pagbali-baliktarin pa ang mundo, selfish pa rin ‘yon.
Hindi ko na alam. Hindi ko na alam kung anong gagawin ko. Sa tingin ko… kung papipiliin si Zaya sa amin ng boyfriend niya, siguradong uuwi akong luhaan. Pero bakit naisip ko pa rin na ituloy ‘to? Gano’n ba talaga kapag nagmahal na? Lahat na ay gagawin para makuha lang ang taong mahal mo?
“Zaya, I already bought tickets for us.” Masaya kong bungad kay Zaya kinabukasan pero parang wala naman siyang narinig at nakatitig lang sa cellphone niya. “Zaya? Are you okay?” Parang may kumirot sa puso ko nang makita ko ang malungkot niyang mukha.
“Oo, ayos lang.”
“Liar. Ang lungkot kaya ng mukha mo. Zaya… pero hindi naman mukhang ma-Zaya.” Bahagyang nagsalubong ang kilay niya dahil sa sinabi ko pero ilang saglit lang ay ngumiti siya at umiling. “Did I just made you smile?”
“Tss. Yeah…”
S’yempre naman. Gagawin ko ang lahat, wag lang siyang makitang malungkot. Kahit maging cheesy pa ako, wala akong pakialam.
“Ano ba kasing problema mo? May hinihintay kang tawag? Text?” Naitanong ko.
“Uhm… Si Paris kasi eh. I called him to join us watching the movie but he declined. He said he’s busy. Gano’n din yung rason niya noong isang araw.” Paris na naman? Siya pala ang dahilan kung bakit malungkot ang Zaya baby ko.
Hiwalayan mo na kasi siya…
I wish I could say that aloud. Kaso baka magalit naman si Zaya.
“Tawagan mo na lang ulit mamaya. Baka busy talaga at maraming ginagawa.” Iyan na lang nasabi ko.
“Okay. It’s understandable that he’s busy kasi kasali siya sa varsity at malapit na rin ang sports fest. Pero dapat may time pa rin siya sakin, di ba?”
“Varsity? Makakalaban pala namin sila kung gano’n. But you’re right. Dapat may time pa rin siya sayo. Baka kasi nambababae.” Bigla akong sinamaan ng tingin ni Zaya. “Joke lang.”
Mukhang busy nga ang boyfriend niya lagi. Ni hindi ko nakikita ang anino. Ni hindi man lang ihatid o sunduin si Zaya. Mukhang tama nga ang suggestion ni Runa. Dapat ipakilala sa amin ni Zaya ang boyfriend niya. We never know. Baka tinutulungan na talaga ako ng tadhana. Pero ayaw ko naman na masaktan si Zaya dahil lang sa Paris na ‘yon. I want to know her boyfriend. I want to know if he really deserve Zaya’s love and trust.
____________________________________
Dedicated to janahbeybii
Hope you enjoyed reading!
💜
BINABASA MO ANG
That Nerd Is A Brat
Fiksi RemajaSi Zaya Denise Olegarco ay isang spoiled brat at may napakasamang ugali. Napakaikli ng kanyang pasensya kaya kahit sa maliit na bagay ay nakikitaan niya ng problema kaya ang ending ay nakakagawa siya ng kung ano-ano. Suki na rin siya sa disciplinary...
