Chapter 61:
The Fact
Gray’s POV
I got so much motivation when I heard Zaya’s voice. Is that how she cheer for me? Parang galit pa. Pero ayos lang. It’s cute. Mas lalo na nang mag-blush ito. It’s because of the flying kiss I gave her. Wala akong pakialam kung nandito pa ang boyfriend niya. Manloloko naman iyon eh.
Ang problema nga lang, hindi ko pa daw pwedeng sabihin kay Zaya ang totoo. Iyon ang sinabi ni Carter. Huwag daw muna.
Naalala ko tuloy ang mga sinabi ni Carter noong pinuntahan ko siya.
“Alam mo naman pala na nambababae ang gagong ‘yon! Sabihin na natin kay Zaya.” Sabi ko pero parang wala lang naman kay Carter. “Ano na?”
“Noong isang araw ko pa lang nakumpirma. At… hindi pa natin pwedeng sabihin kay Zaya ang nalalaman natin.” Anito na ipinagtaka ko.
“At bakit? She deserves to know! Hahayaan ba natin na lokohin siya?” Kahit naman hindi sila magkapatid na buo, magkapatid pa rin sila. Alam ko naman na nag-aalala rin siya kay Zaya at tinuturing niya itong tunay at buong kapatid pero hindi ko siya maintindihan.
“Don’t shout at me, you moron! Zaya will lose herself kapag hindi natin dinahan-dahan. You’ve seen the violent her, right? Her boyfriend cheating on her is a big trigger to her. Gusto mo bang maospital na naman siya, huh? Ako kasi, hindi.” Yeah, right. Hindi ko man alam ang tunay na kondisyon ni Zaya, alam kong seryoso iyon. Madalas siya sa ospital. Nakakatakot rin ang bayolenteng si Zaya.
“Then tell me, paano dadahan-dahanin ang nalalaman natin?” Umiwas ito ng tingin.
“I don’t know… I don’t know anymore. Patay sa akin ang Paris na ‘yan.” Natahimik kami sa loob ng kotse ko ng ilang saglit at binasag rin ito.
“Hindi ba’t sinabi mo na may girlfriend na si Paris bago pa si Zaya? Does that girl know? Na pinagsasabay sila?” Natanong ko. Para kaming nagso-solve ng napaka komplikadong puzzle na may maliliit lang na jigsaw puzzle pieces. Damn!
“Yeah, of course. Magkaklase si Zaya at ang babaeng ‘yon noon. Kung maging sweet man sila Paris at Zaya sa isa’t isa ay sigurado akong kitang kita ‘yon ng dalawang mata niya. That girl is just staying quiet.” Paliwanag ni Carter.
“That girl is stupid. Bakit naman niya hahayaan niya na nasa piling ng iba ang boyfriend niya?” Pakiramdam ko ay mas lalong gumulo ang lahat. Alam ng babae na naging magkarelasyon si Zaya at Paris. Pero ayos lang ‘yon sa kaniya? “Mukhang mahal naman ni Paris ang una niya. Bakit niligawan niya pa si Zaya kung ganon?”
“I know, right? It’s complicated. I don’t know Paris’ agenda.”
Isang malaking gago ang Paris na ‘yon! Two years? Two years niyang ginago si Zaya. Tangina! Gusto ko na lang manapak bigla.
Inalis ko na ang pag-iisip tungkol doon at nag-focus sa game.
The game continued. Mas ginanahan akong maglaro dahil kay Zaya. Hindi ko narinig ang cheer niya sa boyfriend niya. It’s me!
Lamang na lamang na kami kaya sigurado na akong mananalo kami. And that’s what happened. We won!
Dumagsa agad ang mga schoolmate namin para i-congratulate kami pero hindi ako nanatili doon. Halos hawiin ko na ang mga tao para lang makalapit ako kay Zaya. Tumakbo ako papunta sa kaniya at agad na niyakap siya.
“Nakita mo ‘yon? Nanalo kami.” Masaya kong sabi habang nakayakap pa rin sa kaniya.
“Oo naman. So, anong mga wish mo?” Kumalas ako sa pagkakayakap sa kaniya at tumingin sa kaniya.
BINABASA MO ANG
That Nerd Is A Brat
Подростковая литератураSi Zaya Denise Olegarco ay isang spoiled brat at may napakasamang ugali. Napakaikli ng kanyang pasensya kaya kahit sa maliit na bagay ay nakikitaan niya ng problema kaya ang ending ay nakakagawa siya ng kung ano-ano. Suki na rin siya sa disciplinary...
