Chapter 78:
Blind
Hilda’s POV
Mahigit isang linggo na rin nang ma-confine si Zaya sa ospital. Kailangan pa daw siyang obserbahan ng mga doktor. Hindi pa rin kasi siya makausap hanggang ngayon. Ni hindi rin umiimik. Ni hindi makasagot ng oo o hindi kapag tinanong. Madalas rin siyang tulala.
Namroblema si Sir Dan at Sir Carter sa kondisyon ni Zaya. Sobrang nag-aalala sila para rito lalo na at hindi ito makausap.
“I should’ve transferred in the province instead.” Nanlaki ang mga mata ko dahil sa sinabi ni Sir Dan. “After she recovers, she’s going there.”
“Po? Sa probinsiya po?”
“Yes, Hilda. Ikaw ang bahala kung gusto mo pa ring magtrabaho sa bahay o sasamahan mo pa rin ang anak ko sa Lola niya.”
Ito na nga ba ang sinasabi ko. Hindi siya pwede roon. Ang kaso, hindi ko naman gustong makialam sa desisyon ni Sir Dan para sa anak niya. Pero kung ano ang mas makabubuti, iyon ang gagawin ko.
“Pero, sir. May hindi po magandang alaala at karanasan si Zaya sa bahay ng Lola niya. Sana po ay magbago ang isip niyo. Huwag po sa probinsiya.” Nilakasan ko ang loob ko para masabi ang sarili kong opinyon. Hindi kasi alam nila alam iyon nila Sir Carter.
“May dapat ba akong malaman, Hilda?” Alam kong ayaw ni Zaya ipaalam sa iba pero ito ang tama. Dapat lang na malaman ni Sir ang nangyari.
“Opo. Hindi ko po masabi dahil ayaw ni Zaya.” Humingi ako ng paumanhin dahil hindi ko agad sinabi. “Nang pumunta po si Zaya doon sa bahay ng Lola niya sa probinsiya, wala pong araw na hindi siya sinisi ng Lola niya dahil sa nangyari kay Ma’am. Dapat daw po… si Zaya na lang ang namatay.”
Tandang-tanda ko pa ang araw na iyon. Naging malupit ang Lola niya sa kaniya. Nagawa pa itong saktan at pinagpapalo pa ng tungkod nito.
“What?!” Gulat na aniya. Nakikita ko na hindi siya makapaniwala sa ikwinento ko.
“O-Opo. Galit na galit po ang Lola kay Zaya. Wala rin pong araw na sinaktan siya nito. Lagi rin pong pinapalo ng tungkod.”
“No… Bakit hindi man lang nagsabi sa akin si Zaya?”
“Ayaw niya pong ipaalam. Siguro po dahil… M-Muntik na po kasing m-mamatay ang Lola dahil sa atake sa puso.” Pagpapatuloy ko. Naalala ko na naman kung gaano ako natakot noon kay Zaya. Parang handa siyang manakit ng kahit sino. Kahit pa ang lola niya.
“Anong nangyari? Anong hindi ko alam?”
“Nagalit rin po kasi si Zaya dahil sa mga sinasabi at ginagawa sa kaniya. S-Sinugod po siya ni Zaya at tinulak. Muntik na pong atakihin sa puso ang lola.” Nasapo ni Sir Dan ang kaniyang noo.
“Hindi ko alam na ganoon pala ang naranasan ng anak ko pero gusto ko pa ulit siyang ibalik doon? Ang sama ko talagang ama.”
“Huwag niyo pong sabihin ‘yan. Hindi niyo naman alam ang nangyari.”
“I just couldn’t believe that she did that to her own granddaughter. Salamat, Hilda. Salamat dahil sa sinabi mo.”
Mabuti at nasabi ko na ang lahat kay Sir Dan. Hindi niya na pababalikin doon si Zaya. Para akong nabunutan ng tinik. Kahit naman minsan ay nagiging malupit din sa akin si Zaya ay may pakialam ako sa kaniya. Naiintindihan ko ang pinagdadaanan nya. Hanga rin ako dahil malakas ang loob niya at nananatili siyang matatag kahit na sunod-sunod ang paghihirap na dumating sa kaniya. Kung sa akin siguro nangyari ang lahat ng ‘yan, baka piliin ko na lang na sumuko. Pero si Zaya ay si Zaya. Palaban siya at alam kong kaya niyang harapin ang mga pagsubok na darating sa kaniya.
BINABASA MO ANG
That Nerd Is A Brat
Teen FictionSi Zaya Denise Olegarco ay isang spoiled brat at may napakasamang ugali. Napakaikli ng kanyang pasensya kaya kahit sa maliit na bagay ay nakikitaan niya ng problema kaya ang ending ay nakakagawa siya ng kung ano-ano. Suki na rin siya sa disciplinary...
