CHAPTER 13

1.8K 110 26
                                        

Chapter 13:
Catch


Hilda's POV

Inutusan ako ni Zaya na hanapin ang nawawala niyang kwintas. Sa tingin ko ay mahihirapan kami dahil hindi niya maalala kung saan yon nawala. Masyado rin yong maliit at maraming lugar kung saan yon pwedeng mawala.

Habang naghahanap sa halamanan at narinign ko ang pamilyar na boses ng isang lalaki. Pinilit ko ang sarili kong huwag lumingon at magpatuloy lang sa ginagawa kong paghahanap.

"Anong hinahanap niyo? Tell me para matulungan ko kayo."

"My necklace." Sagot naman ng amo kong si Zaya.

"Okay, copy that." Pagkatapos ay lumapit siya sa pwesto ko at dito rin naghanap sa mga halaman. "Hi, Hilda."

"Gino..."

Natutuwa ako na nagkaroon ako ng kaibigan at si Runa yon. Natutuwa rin naman ako dahil kinakausap ni Gino ang isang babaeng katulad ko. Narinig ko kasi mula kay Runa na mga campus heartthrobs daw sila Gino at ang mga kaibigan nito. Hindi naman maipagkakaila yon dahil sa mga itsura nila. Pero ang ipinagtataka ko lang... Bakit naman ako kakausapin ni Gino? Alam kong magkaklase kami pero ayos lang ba na lapitan niya ko sa tuwing makikita niya 'ko?

"Ang tahimik mo na naman ah. May sakit ka ba?" Tanong niya at biglang inilapat ang palad niya sa noo ko. Huli na bago pa ako makaiwas. Napatitig ako sa mukha niya. Napakaperpekto nito. At maraming babae sa school na nahuhumiling sa kaniya. "Hilda?"

"B-Bakit?"

"Tinatanong ko kung ayos ka lang."

"Oo naman." Sabi ko at umatras ng kaunti para maalis ang kamay niya sa noo ko. Nandito ako para maghanap at sundin ang utos ni Zaya at hindi para makipag-usap.

Bumalik ulit kaming dalawa sa paghahanap at ganoon rin naman si Zaya. Importante para sa kaniya ang kwintas na yon kaya kailangan yong mahanap.

Hinawi ko ang ilang mga halaman para makita kung nandoon ba ang hinahanap namin. Pero nagsisi agad ako sa nagawa ko.

"Ah!" May nahawakan akong halaman na may mga tinik at meron ding bumaon sa balat ko. May dugong lumabas mula rito. Mabilis na pumunta si Gino sa pwesto ko at kinuha ang kamay ko. Hindi ko alam pero nakikita ko sa mukha niya ang pag-aalala.

"You hurt yourself. Tara, gagamutin natin 'to." Sabi niya at bigla akong hinila sa kung saan. Hindi 'to pwede. Mapapagalitan ako ni Zaya.

"Hilda, where are you going?" Narinig kong may inis sa boses ni Zaya pero hindi ko na nagawang sumagot dahil nakalayo na kami.

"Gino, saglit." Mabuti naman at nakinig siya at huminto rin kami. "Saan tayo pupunta?"

"Sa clinic. Gagamutin nga natin 'yang kamay mo." Sa clinic? Para namang ang laki ng sugat ko.

That Nerd Is A BratTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon