Chapter 67:
Reveal
Gray’s POVNakatingin kaming lahat habang kinukuha ni Zaya ang kutsara. Natapos na kasi ang pagluluto nila Hilda. Nahawakan niya na ang kutsara at nakaangat na ang kutsara pero pabagsak niya itong binitawan na tumama naman sa plato kaya lumikha ito ng matinis na ingay.
“Why are you staring at me like that?” Mataray na tanong nito. Hindi kami sumagot kaya napairap siya. Nagsimula siyang kumain at sila naman ay nagkwentuhan. Ako naman ay tinignan lang si Zaya.
Naawa ako sa nakita ko kanina. She’s like a child throwing tantrums. She can’t calm. Nasasaktan rin akong makita siya na gano’n lalo na nang tinurukan siya. Kung wala iyon ay baka nagwawala pa rin siya.
She keeps on chanting that same line. Na sasaktan daw siya ng kung sino. Naisip ko na may kinalaman ito sa kwinento niya sa akin. Sinaktan siya ng lola niya at gumanti naman siya. Parang lahat yata ng problema ay nasa kaniya.
Naisip ko na hindi dapat na hayaan siyang masaktan. And I promise that to myself. Hinding-hindi ko siya sasaktan katulad ng ginawa ng mag-ama lalo na ni Paris sa kaniya.
Nang mag gabi ay dumating na rin si Carter at kami naman ay umuwi na. Napansin kong naging tahimik si Gino pagkatapos nilang magluto pero hindi ko na lang muna pinansin.
Pagkauwi sa bahay ay nagpaiwan si Gino at si Ares naman ay hinatid si Runa.
“Anong nangyari sayo?” Naitanong ko. Bigla kasi siyang tumahimik.
“Damn it, bro! Pakiramdam ko, tama si Ares. Anong gagawin ko?” Nangunot ang noo ko dahil sa pinagsasabi niya.
“Explain first.” Mukha ngang namomroblema talaga siya. Hindi kaya… alam niya na ang tungkol sa kapatid niya at kay Jun?
“Si Hilda kasi…” Para akong nabunutan ng tinik. Mabuti naman at hindi tungkol sa secret relationship ni Jun at Gab. “Parang… crush ko na yata si Hilda.” Halos maubo ako dahil sa sarili kong laway.
“The heck, Gino?! Alam mo ba ‘yang sinasabi mo? You’re courting Ailee!”
“I know, right? Hindi ko lang kasi maintindihan. Ayaw kong magalit sakin si Hilda. Ayaw kong may lumalapit sa kaniyang ibang lalaki. Ayaw ko siyang umiyak at ayaw kong umiwas siya sakin. Gusto ko siyang makita lagi. Kahit isang linggo pa lang namang hindi siya pumasok, na-miss ko na agad ang boses niya. Nagagandahan ako sa kaniya. Ang cute niya kapag nagba-blush at natutuwa ako kapag ako ang dahilan no’n.” Nakatanga lang ako sa sinabi ni Gino. Parang ako ang nahirapang mag-absorb ng lahat ng sinabi niya. “What do you think? Crush ko na ba siya?”
“I-describe mo nga si Ailee.” Nasabi ko na lang. Titignan ko kung ano ang mga masasabi niya.
“Ah… Maganda si Ailee. Mayaman rin ang pamilya niya. Mabait at masipag mag-aral.”
“Yon lang?”
“Oo. Meron pa bang iba?”
“You got it bad, Gino. I’m afraid that Hilda is not just your crush. You’re attracted to her. You like her!” Nakita ko ang pagkabigla sa mukha niya. Kahit naman ako ay gano’n din. “O di naman kaya ay umiiral lang ang pagkababaero mo.” Agad naman itong umiling.
“Pagsabay-sabayin ko na ang ibang babae, wag lang si Ailee at Hilda.”
“Ano naman ang gagawin mo? Titigil kay Ailee at magsisimula kay Hilda?” Makahulugan kong sabi. “Hindi mo sila kayang pagsabayin kasi isa lang ang gusto mo. At si Hilda ang babaeng ‘yon.”
![](https://img.wattpad.com/cover/255262892-288-k307414.jpg)
BINABASA MO ANG
That Nerd Is A Brat
Novela JuvenilSi Zaya Denise Olegarco ay isang spoiled brat at may napakasamang ugali. Napakaikli ng kanyang pasensya kaya kahit sa maliit na bagay ay nakikitaan niya ng problema kaya ang ending ay nakakagawa siya ng kung ano-ano. Suki na rin siya sa disciplinary...