Epilogue
Zaya’s POV
Napahinto ako sa paglalakad nang biglang may yumakap mula sa likod ko.
“I’m sorry, Zaya. I’m sorry.” Ang braso ni Gray na nakapulupot sa baywang ko ay humigpit. Mula sa boses niya ay mahahalata mong umiiyak rin siya. “I’m just worried about you. Natatakot ako na kapag nakita mo si Paris ay maospital ka ulit. Hindi ko ‘yon kaya. Hindi ko gustong madamay ka sa problemang ginawa ko. Ako dapat ang mag-aayos. Ako dapat ang magmakaawa sa kanila at hindi ikaw.”
“Nakakainis ka! Bitawan mo ‘ko!” Nagpumiglas ako pero mas humigpit lang ang yakap niya sa akin.
“I’m sorry, Zaya. I love you…” Natigilan ako sa ginagawa ko at natahimik. Mas bumilis ang tibok ng puso ko dahil sa narinig. Parang hindi ako makapaniwala kahit narinig ko naman na noon. “Mahal kita, Zaya. Mahal na mahal. Please, huwag kang magalit sa akin. Nag-aalala lang ako sayo dahil kapag nakita mo si Paris, bumalik na naman ‘yong sakit mo. Baka ilayo ka na talaga sa akin kapag naospital ka ulit. Baka pumunta ka na talaga sa ibang bansa. Baka-”
“Gray.” Pigil ko sa kaniya. Inalis ko ang braso niya sa baywang ko at hinarap siya. “Hindi ako aalis. Sinabi ko sayo, diba? Pinangako ko na hinding-hindi ako aalis sa tabi mo.” Inabot ko ang pisngi niya at pinalis ang luha na tumulo doon.
“Kahit na. Masyadong maraming what ifs sa utak ko. Pero alam mo kung anong mas gumugulo sa isip ko?”
“Ano?”
“Ito…” Aniya at saka mabilis na inilapit ang mukha sa akin. Hinawakan niya ang magkabilang balikat ko at inilapat ang labi niya sa labi ko. Sa sobrang gulat ay nanlaki ang mga mata ko. Hayan na naman ang tila tambol na tunog ng puso ko.
Hinalikan niya ulit ang labi ko ng ilang beses. At imbis na manlaki ang mata dahil sa ginagawa niyang paghalik sa akin ay napapikit pa ako. Nang lumayo siya sa akin ay para akong estatwa. Hindi ko alam ang gagawin ko. Sasampalin ko ba? Susuntokin? O aalis ako bigla? Hindi ko alam. Wala na yatang pumapasok sa isip ko.
“Zaya…” Nabalik ako wisyo nang marinig ko ang boses ni Gray. “I love you…”
Sobrang bilis nga naman talaga ng panahon. Parang kahapon lang nang tuluyan nang iatras ang kaso kay Gray. It’s been weeks and Christmas Day is coming. We had our Christmas Party in our school just three days ago. Sobrang saya namin. Halos kaming magkakaibigan ang todo ingay sa party.
I felt so happy as I look at my friends’ smiling faces. Halata ang saya sa mga mata nila. Parang wala kaming pinagdaanang paghihirap sa mga nakalipas na buwan.
“Bakit ba kasi tayo nandito?” Tanong ko kay Gray nang magpumilit siyang pumunta kami sa park bago pa matapos ang party namin. Ibig sabihin ay tumakas kaming dalawa.
“Dito ko ibibigay ang gift ko sayo.” Aniya pa kaya napairap ako. Magpapalitan rin naman kami ng regalo mamaya pero dinala niya pa ako dito. “Pero bago ‘yan, may gagawin muna ako.” Bigla akong pinagpawisan sa sinabi ni Gray. Baka kung ano na namang gawin niya.
“A-Ano?”
“Chill, Zaya. Hindi naman kita hahalikan ulit.” Nakangisi pa nitong tugon pero hindi pa rin nawala ang kaba ko. “Sabi kasi ni Jun, haranahin daw kita ngayon. Kaso hindi naman maganda ang boses ko at hindi rin naman ako marunong maggitara kaya tutulaan na lang kita.”
“A poem?”
“Yeah.” Aniya at napakamot sa batok. “Ito lang kaya kong gawin. Matino naman ‘to kaya huwag kang mag-alala.” Pinaupo ako ni Gray sa bench na lagi naming inuupuan at siya naman ay nanatiling nakatayo sa harap ko. Huminga siya ng malalim bago nagsimula.

BINABASA MO ANG
That Nerd Is A Brat
Teen FictionSi Zaya Denise Olegarco ay isang spoiled brat at may napakasamang ugali. Napakaikli ng kanyang pasensya kaya kahit sa maliit na bagay ay nakikitaan niya ng problema kaya ang ending ay nakakagawa siya ng kung ano-ano. Suki na rin siya sa disciplinary...