CHAPTER 41

1.2K 95 12
                                        

Chapter 41:
Obstacle

Gabrielle’s POV

Hindi ko pa rin nakakausap si Jun. Gusto ko kasi ay makapag-sorry muna ako kay Rica. Kaya iyon ang ginawa ko. Ilang araw bago ang birthday ni Kuya ay pinuntahan ko si Rica sa room nila.

“Rica, pwede ba tayong mag-usap?” Tanong ko sa kaniya. Kitang-kita ko ang pag-aalangan sa mukha niya pero kahit na gano’n ay lumabas pa rin siya at nakipag-usap sa akin.

“Anong pag-uusapan natin?” Huminga muna ako ng malalim bago magsalita.

“I just wanted to say sorry for everything that I did to you. I’m sorry, Rica…” I sincerely said. “It’s just that, I feel betrayed. I really see you as a friend and I just can’t accept that Jun is attracted to you. I’m sorry. Inaway pa kita.” Tipid namang ngumiti sa akin si Rica.

“I’m sorry because I’m at fault too. Alam ko naman na may gusto ko sa kaniya pero pumayag pa rin ako na magpaligaw sa kaniya. Totoo yung mga sinabi mo sa akin nang mag-away tayo. Na malandi ako.” May ngiti sa kaniyang labi pero hindi iyon umabot sa mga mata niya.

“No! Nasabi ko lang ‘yon kasi galit ako. Pero hindi ‘yon totoo, Rica. I swear. I didn’t mean to say those words to you.” Sabi ko noon ay hinding-hindi ako magsisisi dahil sa mga ginawa ko sa kaniya. Pero na-realized ko na ako talaga yung mali.

Hindi naman ako girlfriend ni Jun para magalit…

“I’m sorry.”

“Sorry din.” She said and we ended up embracing each other.

“Friends na ulit tayo?” Tanong ko nang maghiwalay kami mula sa pagkakayakap.

“Oo naman.” Para akong nabunutan ng tinik sa lalamunan. Napangiti ako. “Bakit ba kasi ayaw mo pang umamin sa kaniya na gusto mo siya?”

“I can’t. Si Kuya kasi eh. Pinagbabawalan niya ako. Kahit na minsan ay loko-loko ‘yon, sinusunod ko pa rin naman siya.” Napatango-tango siya. Ilang saglit lang ay tumunog na ang bell, indikasyon na magsisimula na ang klase. “Sige na, Rica. Pumasok ka na. Thank you.”

“Okay. See you around, Gab.” Aniya at saka umalis.

At ngayong birthday ni Kuya Gino, plano ko namang kausapin si Jun. Hindi nga lang ako makalapit dahil nakikipag-kwentuhan pa siya sa mga kaibigan nila.

Maya-maya ay napaiktad ako dahil sa gulat nang biglang tumingin siya sa direksiyon ko. Napakagat ako sa pang-ibabang labi ko. Sigurado akong nahuli niya akong nakatingin sa kaniya kaya hindi ako mapakali kung saan ako lilingon o kung saan ako pupunta.

Palakad-lakad ako sa pwesto ko nang mapahinto ako dahil sa pagkakabangga sa isang… tao.

Si Jun!

Paano siya napunta d’yan? Mas lalo akong hindi napakali.

“I saw you, Rielle. You keep on staring at me.” Napapikit ako. Kanina niya pa pala ako napapansin.

“H-Hindi kaya! Iba yung tinitignan ko.” Dahilan ko na lang at napayuko. Pero agad din naman akong napatingin sa maamo at gwapo niyang mukha dahil inangat niya ang baba ko gamit ang hintuturo niya.

“Now, tell me kung sino ang tinitignan mo.” Aniya na ikanatigil ko.

“I-Ikaw…” His eyes are compelling that it really made me say the truth.

“See? Ako yung tinitignan mo.” Aniya at bahagya pang nakangisi. Maya-maya ay hinawakan niya ang palapulsuhan ko kaya napatingin ako sa kanya. “Let’s go. I want to talk to you.” At saka ako hinila papalayo sa maingay na tugtog at maraming tao.

“I saw you with Rica the other day. May problema na naman ba kayo?” Panimula niya.

“Wala. Nag-usap kaming dalawa tsaka nag-sorry ako sa kaniya.” Napapatango-tango naman siya, pagkatapos ay napangiti.

“Good girl.” Aniya pa at ginulo ang buhok ko. “Akala ko hindi ka na talaga magso-sorry.”

“Kahit na sinabi kong ayaw kong gawin, nagsisi naman ako eh.”

“Ano ba kasing pinag-awayan niyong dalawa?” Tanong niya na hindi ko agad nasagot.

Ikaw…

“It’s a girl thing.” Sagot ko na lang. Inisang hakbang niya ang pagitan naming at niyakap ako. Ito naman ay agad na nagpabilis ng tibok ng puso ko.

“Wag ka nang makikipag-away ulit.” Tumango lang naman ako. Hindi ko kinakaya ang lapit naming dalawa.

“K-Kayo na ba ni Rica?” Nahihiya akong itanong pero gusting-gusto ko talagang malaman.

“Hindi.” Napabitaw ako sa pagkakayakap sa kaniya dahil sa pagkabigla.

Hindi ko alam kung dapat ba akong matuwa dahil wala silang relasyon ni Rica. Bakit? May gusto rin siya kay Jun pero nagpaubaya siya para sa akin.

Hindi? Sino pala yung ka-date mo noong isang linggo?” Noong nagre-review ako ay nagpaalam na siya dahil may date daw siyang pupuntahan.

“Wala akong ka-date. Sinabi ko lang ‘yon kasi…” Sa kalagitnaan ay huminto siya.

“Kasi?”

Nagre-review ka. Ayaw mo nang istorbo, di ba?” Napatango-tango ako. Oo nga pala. Pero sinabi ko lang naman ‘yon dahil baka hindi ako maka-review ng maayos dahil ba siya ang mapag-aralan ko kaysa mga notes ko.

Rielle, I want to say something to you.” Bigla akong kinabahan. Hindi ko naman masabi kung masama o mabuti ang sasabihin niya. Ang seryoso din kasi ng pagkakasabi niya.

“Ano ‘yon?”

“I-“

“What are you two doing here?” Sabay kaming napatingin ni Jun sa bagong dating na walang iba kun’di si Kuya Gino. “Doon na tayo sa pool.” Tumango naman kami ni Jun at saka na umalis si Kuya.

“Let’s go, Rielle.” Wala sa sariling napangiti ako. Na-miss ko ang pagtawag niya sa akin sa pangalang ‘yon.

“Saglit. Ano ulit yung sasabihin mo?” Hindi niya kasi naituloy dahil kay Kuya Gino.

“Wala. Hindi naman importante.” I just nodded and started walking.

***

Jun’s POV

Argh! Gino!

Isang linggo ko yatang iniwasan at hindi pinansin si Rielle. Hindi lang naman ‘yon dahil sa nangyari sa kanila ni Rica. Umiiwas at lumalayo din ako dahil nagbabaka –sakali ako na lumayo na din yung loob ko sa kaniya. Pero parang kabaliktaran yata ang nangyari.

Every passing day, all I think about is her.

Na baka mamaya ay may pumuporma na sa kaniya.

Sinabi ko sa sarili ko na nagawa ko siyang tiisin ng isang linggo kaya magagawa ko pa rin ‘yon sa mga susunod na araw. Pero hindi talaga…

That’s why I wanted to talk to her. I know that Gino is just protecting his sister but I can’t help it anymore.

I want to confess to her…

Gustong-gusto ko nang sabihin sa kaniya ang nararamdaman ko pero paano ko gagawin ‘yon kung patuloy na haharang si Gino?

Parang nase-sense niya lagi kung kailan magkasama kami ni Rielle. Katulad na lang ngayon. Napigilan na naman ni Gino. Hindi ko alam kung nananadya ba talaga siya o nagagawa niya lang ‘yon unintentionally.

Kahit minsan ay puro kalokohan si Gino, protective siya kay Rielle. Ano na ang dapat kong gawin?

Ipapakita ko na iba ako sa mga lalaki. Alam kong babaero si Gino pero sa tingin ko ay nagbabago na rin siya. Pero ako? Hindi naman ako katulad niya eh. I’m stick to one and that’s to Rielle.

Gino is an obstacle that I need to pass through…

That Nerd Is A BratTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon