Chapter 42:
Coincidence
Runa’s POVMatinding kaba ang naramdaman ko nang makita ko ang lalaki na kakilala ni Zaya sa office. Nalaman ko na kapatid niya pala ito. Nakakahiya dahil ang alam niya ay magkaibigan kami ni Zaya pero ano ang ginawa ko? Ako ang may kasalanan kung bakit nasa ospital siya nang ilang araw at hindi makapasok.
Gusto ko sanang mag-sorry sa kaniya ngayon na birthday ni Gino. Alam ko kasing pupunta siya rito kasama si Hilda kaya kailangan ko siyang hintayin.
Habang nakaupo sa isang upuan hindi kalayauan sa pool ng bahay nila Gino ay bahagya akong nagulat nang may magsalita sa likod.
“Anong ginagawa ng isang binibini rito at nag-iisa?” Patanong nitong sabi. Hindi ko pa nililingon ay pamilyar na sa akin ang boses. Maya-maya lang ay umupo ito sa katabing upuan ng sakin. Dumaloy na naman ang kaba sa dibdib ko. Alam kong galit siya dahil sa ginawa ko sa kapatid niya.
At kung nandito na siya, ibig sabihin ay nandito na rin si Zaya.
“Uhm… Sorry pala sa nangyari kay Zaya. Hindi ko sinasadya.” Anas ko at bahagyang napayuko .
Sobrang pinagsisisihan ko ang nangyari. Hindi ko naman talaga gustong mangyari ang lahat ng ‘yon.
“I’m upset about what happened but you should go to her and tell her that you’re sorry. Maiintindahan niya naman.”
Sana nga. Kahit nakita ko na ang bad and bitchy side niya, Sigurado akong may kabutihan pa rin naman siyang taglay.
I smiled at him.
“By the way, what’s your name again?” Tanong niya na agad ko namang sinagot.
“Runa.” Tumango naman siya at naglahad ng kamay.
“I’m Carter. Zaya’s half brother.” Medyo nabigla pa ako dahil sa sinabi niya pero inabot ko rin naman ang kamay niya.
“Half brother? Walang nakukwento si Zaya.”
“Hindi naman talaga siya palakwento. And being his half brother is a long story.”
Pero kahit na ganoon ay parang buo niyang kapatid si Zaya. Bigla akong naiinggit. Wala kasi akong kapatid. Si Gray at Ares, si Gino at Gab, si Zaya at Carter, lahat sila ay may kapatid.
That’s why I got so much excited when I heard that there are transferees. I made friends with them but because of me, I feel like our friendship will be ruined.
Natahimik ako at tumingin-tingin sa paligid. Maya-maya lang ay nahagip ko na ang kanina ko pang hinahanap. Si Zaya, na ngayon ay kausap si Gray.
“Excuse me muna, Carter. Pupuntahan ko lang si Zaya.” Tumango lang ito at ngumiti at saka na ako nagpaalam at pumunta kay Zaya.
***
Zaya’s POVThe party is nice and the music is groovy. Marami ring tao katulad ng inaasahan. Marami pala talaga ang kaibigan ni Gino.
Pagdating sa poolside ay hinanap agad ng mga mata ko si Gray. Hindi ko na nga kailangang umalis sa pwesto ko dahil nakita ko na siyang papalapit sa akin. Topless at may hawak na bote ng beer sa kanan niyang kamay.

BINABASA MO ANG
That Nerd Is A Brat
Novela JuvenilSi Zaya Denise Olegarco ay isang spoiled brat at may napakasamang ugali. Napakaikli ng kanyang pasensya kaya kahit sa maliit na bagay ay nakikitaan niya ng problema kaya ang ending ay nakakagawa siya ng kung ano-ano. Suki na rin siya sa disciplinary...