Chapter 64:
Unfair
Gray’s POV
Pinipilit kong hindi sugurin si Paris habang nagpapaliwanag siya kay Zaya. Alam kong gano’n din si Zaya at alam kong nagpipigil rin siya para marinig niya ang lahat.
Isang malaking gago! ‘Yan si Paris. How dare he deceived my love! Niloko niya si Zaya para pagtakpan ang ama niyang isa ring gago. Siya pala ang may kasalanan sa pagkamatay ng mommy ni Zaya.
I just can’t imagine Zaya’s life before I met her. Siguradong marami ang naging paghihirap niya nang mawala ang mommy niya.
Pinagsusuntok ni Zaya si Paris. Ang akala ko ay pupuruhan niya ito katulad ng nakita ko dati pero nagkamali ako. Tumakbo siya palayo.
“Zaya!” Tawag ko pa sa pangalan niya pero hindi siya lumingon. Hinayaan ko muna siya at galit na tumingin kay Paris. Nakikita ko ang luha sa mukha niya pero hindi ko ‘yon pinaniwalaan. Baka mamaya ay nagda-drama lang ‘yan sa harap ni Zaya.
Agad kong kwinelyohan si Paris at akmang susuntukin siya pero may tumulak sa akin at sa isang iglap, nakita ko na lang si Paris sa sahig.
Si Carter…
Agad niyang kinubabawan si Paris at pinagsusuntok ang mukha nito.
“Tangina mong gago ka! You hurt her!” Gigil na gigil ang bawat suntok na pinapakawalan ni Carter kay Paris. Naiintindihan ko ang galit niya. Kung ako lang ay baka ma-dead on the spot na rin si Paris. Pero hindi ‘yon tama.
Nakita ko ang papalapit na sila Gino at ang iba na papunta sa direksiyon namin.
“Guys, bilisan niyo!” Malakas na sabi ko pa sa kanila. Galit ako kay Paris pero baka mapatay na siya ni Carter. “Ilayo natin si Carter sa kaniya.”
“Fvck! Anong meron?” Tanong pa ni Gino.
“Mamaya ka na magtanong. Bilis na!”
Lumapit kami kila Carter at sinusubukang patayuin ito pero masyado siyang malakas. Lumapit na rin si Ares sa amin pero tinulak niya lang ito.
“Tama na! Papatayin mo ba siya?!” Sabi ko habang nakahawak sa braso ni Carter pero lagi ko iyong nabibitawan dahil patuloy pa rin siya sa pagsuntok. Kitang-kitang ko ang rekasiyon ni Mitch sa nakikita niya.
“P-Please… Itigil mo na! T-Tama na!” She cried. Lumuhod siya at pilit na tinulak si Carter palayo kay Paris. Sakto naman at narinig namin ang tunog ng whistle mula sa papalapit na mga school guards na siyang humawak kay Carter para hindi na makalapit pa kay Paris.
“Tangina mo! Hindi pa ako tapos!” Galit na galit na anas ni Paris. Namumula rin ang mukha nito dahil sa galit.
“Tama na, Carter.” Sabi ko pa at tinulungang makatayo si Paris. Kahit naman mali ang ginawa niya at nang ama niya, kailangan pa rin siyang tulungan.
Dinala si Paris sa clinic at kami naman ay pinaalis sa school. Kumalma na rin si Carter kaya nakakausap na siya ng matino. Narito kami ngayon sa isang coffee shop.
BINABASA MO ANG
That Nerd Is A Brat
Teen FictionSi Zaya Denise Olegarco ay isang spoiled brat at may napakasamang ugali. Napakaikli ng kanyang pasensya kaya kahit sa maliit na bagay ay nakikitaan niya ng problema kaya ang ending ay nakakagawa siya ng kung ano-ano. Suki na rin siya sa disciplinary...
