Chapter 81:
Fifteen Minutes
Zaya’s POV
Bad memories from the past keeps on hunting me. Lalo na at nasa loob ako ng hospital. Pakiramdam ko ay nasa nakaraan pa rin ako. Kritikal at pilit na umaasa na nasa hospital lang rin si Mommy na nagpapagaling katulad ko. Pero sino ang niloko ko? It’s all in the past now. She will never come back.
Pero tama ba na ipaalala sa akin iyon ulit? Dalawang taon na ang nakalipas pero nand’yan pa rin ang alaala na ‘yon.
Dinig ko ang malakas na sigaw ni Dad mula sa baba. Gusto ko siyang puntahan pero hindi ko pa gustong lumapit sa kahit kanino. Pakiramdam ko ay may mananakit sa akin. Pakiramdam ko ay makakasakit na naman ako ng iba katulad ng ginawa ko kay Runa.
I wonder how she is right now. Sana maayos na siya. Sana walang nangyaring masama sa kaniya dahil sa akin. Hindi ko alam kung tatanggapin niya pa rin akong kaibigan pagkatapos ng ginawa ko sa kaniya.
Ilang saglit lang ay narinig ko ang pagbukas ng pinto. Bigla na naman akong dinaluyan ng kaba. Ayaw kong may lalapit sa akin dahil baka makasakit na naman ako. Hindi ko na kakayanin kung magagawa ko ulit ‘yon sa iba.
“I’ll give you fifteen minutes, Castriel. Do something funny and I will kill you myself.” Narinig ko ang boses ni Carter na may halong pagbabanta. Pero ang nakaagaw ng pansin ko ay ang binanggit niyang apelyido. “I think she’s asleep. Bahala ka na sa buhay mo. Tandaan mo ang sinabi ni Tito.”
“Oo, alam ko. Salamat.” Narinig ko ang boses ni Gray. Bakit siya nandito? Sinabi ko naman kila daddy na ayaw kong makipag-usap sa kahit kanino. Lalo naman kay Gray. Damn it!
“Bwiset ka! Humanda ka talaga paglabas mo dito. Bubugbugin kita hanggang sa magtanda ka.”
“Oo na. Tatanggapin ko ‘yan lahat. Pero mamaya na. Kakausapin ko muna si Zaya.”
“Kung makausap mo.” Huling sabi ni Carter at saka ko narinig ang ilang yabag papalayo at ang pagsara ng pinto.
Ibig bang sabihin ay naiwan si Gray dito sa loob kasama ko? Sana hindi siya lumapit kasi hindi ko na alam ang gagawin ko kung makasakit pa ako ng iba. Galit ako kay Gray ngayon pero hindi ko pa rin naman gustong saktan siya.
“Fifteen minutes, Gray. Fifteen minutes.” Dinig kong sabi nito at saka ko narinig ang ilang yabag. Bumuhos ang kaba sa akin nang maramdaman ko ang pag-uga ng kama. Umupo siya. Ako naman ay hindi gumalaw at nagkunwaring tulog. “Mukhang tama nga si Carter at tulog ka. Pero hindi ko sasayangin ang fifteen minutes na ‘to para hindi makapag-sorry sayo. After this fifteen minutes, hindi na ako magpapakita sayo. Hindi na kita sasaktan.”
Nanatili ako sa posisyon ko at palihim na ikinuyom ang mga kamay. Hindi ko talaga inakala na ipagpapalit ako sa isang tanginang kotse.
“I wish you’re awake but I’m still thankful that you’re not. Why? Because I know you’re mad at me. Hindi ka titingin sa akin. Hindi mo ako kakausapin. Hindi mo ako papakinggan. I’m here to say sorry. Hindi ko hinihingi na patawarin mo ‘ko pero sana pakinggan mo ako. Sana nga gising ka na lang.” At saka siya mahinang tumawa. Pero ang tawa na ‘yon… alam kong peke. “Ang gulo ko ba?”
“That bet… It was suggested by Gino. But I take the blame, too. Ikaw para sa kotse… Mula pa kasi noon gago na ako kaya siguro lagi akong kinukumpara kay Ares. Bulakbol ako samantalang si Ares ay hindi. Bad boy ako, ika nila. Kahit ang Papa namin ay hindi ako gusto. Naikwento ko sayo ‘yon, di ba? Wala raw kasi akong kwenta. Hindi katulad ni Ares na masunuring anak. ‘Yong matalino. Yong mabait. Yong paboritong anak. That’s what anger me the most. No one notice me even inside our house. Kahit gusto akong kampihan ni Mama, hindi niya rin magawa kasi alam niyang magagalit si Papa. Kaya ayon, wala akong kakampi.”
BINABASA MO ANG
That Nerd Is A Brat
Teen FictionSi Zaya Denise Olegarco ay isang spoiled brat at may napakasamang ugali. Napakaikli ng kanyang pasensya kaya kahit sa maliit na bagay ay nakikitaan niya ng problema kaya ang ending ay nakakagawa siya ng kung ano-ano. Suki na rin siya sa disciplinary...
