CHAPTER 75

1K 80 20
                                        

Chapter 75:
White and Red


Zaya’s POV

The past few days were terrible.

Hindi ako makalma. Lagi akong galit at halos awayin na ang lahat sa bahay. Ilang beses din akong nakbasag ng gamit sa bahay. I can’t calm that’s why they gave a shot on me.

Bakit ginawa ‘yon ni Gray? Alam niya naman ang lahat tungkol sa akin. Nakita niya naman sigurong para akong nababaliw minsan. Nakita at alam niya naman siguro ang naranasan ko kay Paris. Alam niya rin naman siguro ang naramdaman ko noong mga panahon na ‘yon.

Pero bakit? Bakit kailangan niya pang dagdagan? Bakit kailangan niya pa ulit akong saktan kahit alam niya na ilang beses ko na iyong naranasan?

Mayroon sa parte ko na nagsasabing walang kwenta ang ginawa nilang bet. Gino will make Hilda fall so that Gray will help him to get Ailee. Kaya naman ni Gino na gawing mag-isa ‘yon. Babaero si Gino. Nakukuha niya ang kung sino-sinong babae pero si Ailee ay hindi niya makuha. At papaibigin ako ni Gray para saan? Para sa tanginang kotse?! Ganoon lang ba ang halaga ko sa kaniya?

Pero alam ko sa sarili ko na hindi ako doon nagagalit. Hindi ako nagagalit sa bet na iyon. Ang ikinagagalit ko?

Kasi peke rin si Gray. Peke lahat ng pinakita niya. Peke lahat ng ginawa niya. Wala lang pala ang lahat ng iyon.

Bakit pa ako umasa na totoo rin siya?

Nang maging maayos ay pumasok na ulit ako sa school. Pero ano naman ito? Gustong-gusto kong magtanong kay Gray.

Kulang pa ba, Gray? How much more do I need to suffer so that you can be contented?

Hindi ko matanggal ang tingin ko sa isang puting damit na may dugo. Biglang bumigat ang ulo ko. Bigla akong nahilo. Different images flashed on my mind. Those are the memories from the past but they’re so vivid.

“Zaya!” Hindi ko na alam kung sino ang nagsalita at kung saan iyon galing. Natuon ang atensiyon ko sa isang away.

I can see my dad’s rage. Alam kong hindi niya magagawang saktan o sigawan man lang si Mommy pero ngayon ay nagawa niya.

“Totoo ba, Sunny? Hindi ko anak si Carter?” Paulit-ulit ang naging tanong ni Dad pero luha lang ang naging tugon ni Mommy sa kaniya.

“P-Please, Dan. Please, let me explain… Please?” My mom pleaded. Hindi ko alam kung saan nagsimula. Ang narinig ko lang ay hindi anak ni daddy si Kuya Carter? Paanong nangyari ‘yon? My brother and I are siblings!

“Sino ang ama ni Carter, Sun?! Bakit mo inilihim sakin ‘to?”

“H-Highschool graduation… We were celebrating and I got so drunk. I… I thought you’re the one who’s kissing me. I just let him because I thought it was you! I-I’m sorry, Dan. Hindi ko alam. Hindi ko alam na… s-si Carlos ‘yon…” My Mom cried again. Hindi ko masyadong naiintindihan ang pinag-uuspan nila. Alam kong hindi dapat ako nandito. Hindi pwedeng makisali sa usapan ng matatanda. I was just sixteen after all. Hindi pa pwede. And it was rude if I meddle in their conversation.

“C-Carlos? Bakit siya pa? He’s my best friend, Sun! Best friend ko si Carlos!” My dad’s voice thundered. Nakita ko ang papalapit na si Kuya Carter sa amin.

“I-I’m sorry. Alam kong mali ‘yon. Hindi ko alam. I swear, wala akong alam na siya ang kasama ko that night. Patawarin mo ‘ko. I’m sorry.”

Namutawi ang katahimikan. Nilapitan ko si Mommy para yakapin siya. Si Kuya Carter naman ay lumapit kay Daddy.

“Dad, anong nangyayari?” He asked. Lumingon naman si Daddy sa kaniya.

That Nerd Is A BratTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon