Chapter 99:
By Your SideZaya’s POV
It’s already been two weeks since that incident happen. Kumalat sa buong school ang nangyari kay Gray. Naging usap-usapan rin si Paris at ako. Parang apoy ang balita sa bilis nitong kumalat. Halos lahat siguro ay nakapanood ng video na ‘yon. Nabura na ang video pero mainit pa rin ang usap-usapan.
“I heard Gray is still in jail. Kawawa naman siya.” Dinig kong sabi ng isa kong kaklaseng babae.
“Kaya nga eh. Nag-away daw dahil kay Zaya.” Tugon naman ng kaharap nito.
“Baka inutusan lang ni Zaya ang boyfriend niya. Magkaaway si Zaya at Gray, di ba?” Napairap ako at napabuntong-hininga. Magtsitsismis na nga lang, mali-mali pa. Bakit ko naman uutusan si Paris na ipakulong si Gray? At isa pa, hindi ko naman na siya boyfriend.
“Stop with your bullshits. Kung wala kayong sasabihing maganda, mas mabuting manahimik na lang kayo.” Pagtataray ko sa dalawang iyon.
Hindi lang si Gray ang naging usap-usapan. Sa bawat hakbang ko yata ay may nakatingin sa akin habang nasa mga mata nila ang panghuhusga. Tatapunan ako ng saglit na tingin at saka haharap sa kung sino mang kausap nila at bubulong rito. Gusto kong pagsabihan sila at sabihin kung ano ang totoong nangyari pero pinili ko na lang na maging tikom. Baka mas lalo pang lumala ang kung magsasalita ako tungkol sa issue.
“Pabayaan mo na sila, Zaya. Fake naman ang sinasabi nila.” Anang katabi ko na si Runa.
“Hindi ko lang mapigilan, Runa. Mas pinapalaki pa nila ‘yong issue. Ang masama pa niyan, iba-iba naman ang sinasabi nila.”
I heard lots of comments from them. Kesyo inutusan ko nga daw si Paris na bugbugin si Gray o di naman kaya ay kabaliktaran noon. Mayroon pa akong narinig na nag-aagawan silang dalawa sa akin. Mayroon pang boyfriend ko na daw si Gray at nahuli akong nakikipaglandian sa ex ko kaya binugbog ni Gray. Wala na akong magagawa kung ganoon ang iniisip nila. Paniwalaan nila ang sarili nila.
“Pupunta ka ulit kila Gray?”
“Oo naman. Ako muna ang tutor niya habang nasa bahay siya.”
Hindi ko alam na nakaalis na pala si Gray doon sa police station at pinauwi na. Ni hindi niya ako tinawagan. Naiintindihan ko naman na siguro ay nag-iisip siya at ayaw niya ng kausap pero sabi niya kasi, ako ang unang makakaalam kung laya na siya. Nakaramdam ako ng kaunting pagtatampo doon.
Napansin ko rin ang kaunting pagbabago kay Gray sa halos dalawang linggo kong pagpapabalik-balik sa dating bahay nila. Mang-aasar kasi ‘yon sa akin lagi pero kapag pumupunta ako sa kaniya ay tahimik siya. Tinatanong ko siya lagi kung ayos lang ba siya o masama ang pakiramdam niya pero ngiti lang ang isasagot niya sa akin. Ngingitian ko rin siya pabalik pero ramdam ko ang pait sa ngiti niyang ‘yon. Iba ‘yon sa Gray na nakasanayan kong kasama.
“Ayos na ba kayo ni Ares?” Pag-iiba ko. Isa rin ito sa napansin ko sa mga nagdaang araw. Tahimik na si Ares noon pa man pero may kakaiba sa kaniya ngayon. Minsan ay natutulala na lang. Hindi na rin siya ganoon kaaktibo sa school kaya minsan ay nagrereklamo ang mga lecturers namin. Wala rin siyang imik kapag naman magkakasama kami.
“Hindi pa nga eh. I always ask him the problem but he would just respond that it’s all fine. It’s his problem to deal with. I’m worried about him. What do you think happened to them?” Napabuntong-hininga ulit ako. Kahit ako ay hindi ko alam ang sagot. Siguro ay tungkol ito sa pamilya nila.
“Pabayaan muna natin. Maayos rin ang lahat at babalik tayo sa dati.”
Sa mga sumunod na araw ay mas lalo akong nakaramdam ng guilt. Pakiramdam ko ay ako ang may kasalanan ng lahat. Pakiramdam ko ay ako ang may kasalanan kung bakit may kaso ngayon si Gray at may posibilidad na makulong talaga siya. Hindi pa nagkakaroon ng malay si Paris mula sa operasyon niya. Hinihintay ko rin ang paggising niya. Nag-aalala rin naman ako kahit na marami siyang kasalanan at nagawang mali sa akin. Gusto ko siyang makausap. Sana payagan niya ako sa hihilingin ko sa kaniya.
BINABASA MO ANG
That Nerd Is A Brat
Teen FictionSi Zaya Denise Olegarco ay isang spoiled brat at may napakasamang ugali. Napakaikli ng kanyang pasensya kaya kahit sa maliit na bagay ay nakikitaan niya ng problema kaya ang ending ay nakakagawa siya ng kung ano-ano. Suki na rin siya sa disciplinary...