CHAPTER 93

655 57 16
                                    

Chapter 93:
Clues

Gray’s POV

Ang sarap sa pakiramdam na makita ko siyang nakangiti. Naabutan kong magkayakap sila ni Runa at kitang-kita ng dalawang mga mata ko kung gaano siya kasaya. Para rin akong nabunutan ng tinik. I felt relieve right now.

Pero nang sumagi sa isip ko ang mga sinabi ni Carter kanina ay nawala ang ngiti ko. Umuwi raw si Zaya nang umiiyak. At ano daw iyon? Ako ang may kasalanan? Wala naman akong ginawa kay Zaya para pagbantaan ako ni Carter ng ganoon. Naalala ko tuloy iyong nangyari kahapon sa park.

Niyaya ako ni Alexis sa park na madalas naming tambayan noon. Hindi naman ako tumanggi dahil na-miss ko rin naman na pumunta roon kasama siya. We just talk and laugh while looking back to our past together. Ni hindi ko namalayan na nasa malapit lang pala si Zaya. Naningkit pa ang mga mata ko para suriin kung siya nga talaga iyon. Nakaharap siya sa direksiyon namin ni Alexis.

Nang makita siya ay hindi ako nagdalawang isip na lapitan siya at iwan pansamantala sa bench na inuupuan namin si Alexis. Gano’n na lamang ang gulat ko nang makita ko ang namumula niyang mata. Umiiyak siya. Hindi ko alam kung anong dahilan. Gusto kong magtanong pero umalis na siya.

“Classmate natin ‘yon, di ba? What is she doing here?” Tanong ni Alexis na hindi ko namalayan na nakalapit na pala sa akin.

“Let’s go.” Hindi ko sinagot ang tanong niya at inaya na lang na bumalik doon sa bench.

Hindi ako nakatulog kagabi kakaisip kung anong dahilan ng pag-iyak niya. Pero base sa sinabi ni Carter, parang ako yata ang dahilan no’n. But why would she cry, anyways? May problema na naman ba?

Days passed by and it all went well. Nakikita kong nakikipag-usap na ulit si Zaya kay Runa. Nakakatuwa dahil bumabalik na ang lahat sa dati. Eh kami? Hindi ko alam kung maaayos pa.

Bigla akong napatayo nang lumapit sa table namin si Zaya kasama si Hilda.

“I can still sit here, right?” Tanong niya na agad namang pinayagan ng iba.

“Oo naman. Para ka namang others, ate Zaya.” Tugon ni Gab at nginitian pa si Zaya.

“Kaya nga. Na-miss kaya kita.” Anas naman ni Runa. “Ay kami pala. Lalo na ng isa d’yan. Araw-araw ka niyang hinahanap. It’s like you are his air to keep him alive. Without you, he’ll die.” Napaiwas agad ako nang tingin kay Zaya at bumalik na sa pagkakaupo.

“Sino naman ang naghahanap sa akin?” Tanong naman ni Zaya at saka umupo na rin.

“Gusto mo ng clue?” Runa asked and even spare a glance at me.

“Sure.” Agad na nanlaki ang mata ko. Bakit gusto niyang malaman? Kung noon naman ay hindi siya pumapayag at hindi niya gusto ang mga ganito. Why now?

“First clue is his first name starts with G. His first name is a color. Another clue is he is sitting near you. Another is... his brother is my boyfriend. He has an ear pierce and a silver earring. And the last thing is… he bought you an expensive chocolates just a few days ago with an attachment of a sticky note.” Runa answered with a full smile on her lips. Minsan ay hindi ko alam kung maiinis ako o matutuwa sa kaniya. Ako dapat ang bumabanat dito eh.

“Sana sinabi mo na lang ang pangalan ko, di ba?” Sabi ko pa at hinintay ang reaksiyon ni Zaya. Hindi ako sigurado pero dahil malapit ako sa kaniya ay napansin ko ang pagsilay ng ngiti sa labi niya. Sana kiligin ka. Ako na talaga ang babanat. “Ang dami mo pang sinabi. Pwede namang, ‘hinahanap ka ni Gray araw-araw’.” Narinig ko ang hiyawan sa table namin. Kinalampag pa ni Gino, Jun at Ares ang table. Napatingin tuloy sa amin ang karamihan sa mga estudyante.

That Nerd Is A BratTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon