Chapter 71:
Move On
Zaya’s POV
Parang bumalik ang lahat ng sakit ng makita ang mukha ni Paris. Ang lahat ng ginawa nila ng ama niya ay sobra sobra para sa akin. Hindi ko kaya. At kahit ilang beses ko pa yatang iiyak at kahit maubusan pa siguro ako ng luha na iiiyak, hinding-hindi mawawala ang sakit na idinulot nila sakin.
My feelings were true and genuine but his were all fake. I don’t know if I can forgive him.
“I’m sorry…” Panimula niya pero nanatili lang akong nakatingin sa ibang direksiyon, hindi tumitingin sa kaniya. “Alam kong hindi matutumbasan ng kahit anong sorry ang nagawa ni dad at nagawa ko sayo but I’m still saying sorry. I’m not asking you to forgive me this soon—” I cutted his words.
“I will never forgive you soon or even forever, Paris! Hinding-hindi kita mapapatawad lalo na ang daddy mo. Alam mo na dapat kung anong mali, hindi ba? Bakit ginawa mo pa rin? Ginago mo ‘ko!” Hindi ko maiwasang magtaas ng boses. “Wala kaming ginawang masama ni Mommy sa inyo. You’re selfish! Me and my dad are unhappy. Inisip niyo lang ang makabubuti sa inyo! You have no conscience!”
“I’m sorry…”
“Tanginang sorry ‘yan! Do you think your fucking sorry will mend all the wounds you gave me, huh? Tiwalang-tiwala pa ako sayo noon kasi akala ko totoo ka. I was happy back then when someone neared me and that’s you. Halos lahat ayaw sa ‘kin dahil masama daw ang ugali ko. Hindi pa kita pinapansin noon dahil sa pagkawala ni mommy. Pero pinagtiyagaan mo ‘ko. Akala ko, may gusto ka talaga sakin. Akala ko mananatili ka sa tabi ko at tutulungan akong makabangon ulit. Akala ko ikaw na talaga. But all of it were fake! Nakabangon ako ulit pero pinatumba mo ulit ako. You’re heartless, Paris! I hate you! I fucking hate you!” Sabi ko at pinagsusuntok siya sa dibdib niya. Wala akong pakialam kung may bali man siya sa isang braso niya at kung may mga sugat at pasa siya sa mukha niya. Kung tutuusin ay kulang na kulang pa ang pisikal na sakit na ibinibigay ko sa kaniya.
“I’m sorry, Zaya. I really am sorry…” Kumuyom ang mga palad ko at iniwas ang tingin sa kaniya.
“Get the hell out of my sight! Huwag na huwag ka nang magpapakita sa akin kahit kailan!” Galit kong sigaw. May nakita pa akong ilang estranghero na dumaan at napatingin sa amin pero wala akong pakialam.
Tumayo si Paris at agad naman siyang nilapitan ni Mitch para alalayan.
“I’m sorry too, Zaya. Sa lahat ng mga away natin at nagkasakitan rin tayo physically. I say sorry for that.” Aniya at saka sila umalis. Sakto naman iyon ng pagbagsak ng luha ko.
If there’s just a special award of being the most broken person right now, I must received that award because I’m so broke right at this moment.
Kung pwede nga lang diktahan ang puso na huwag masaktan, gagawin ko ang lahat para lang mangyari ‘yon. Sana nga napagsasabihan ang puso.
Naramdaman ko na may tumabi sa akin. Kahit naman ako tumingin ay kilala ko na at wala talaga akong balak tumingin sa kaniya. Hindi ko gusto na makita ako ni Gray na ganito. Nakita niya na akong umiyak ng isang beses at hindi ko hahayaan na maulit ‘yon.
I don’t want people to see me weak. Being weak is not in vocabolary.
“Gusto mong frappe?” Tanong nito kaya agad kong pinunasan ang mga luha na kumalat sa mukha ko.
“At iyan pa talaga ang naisip mong sabihin?”
“I thought frappe can calm you down. But I know another thing that might be helpful.”
“Ano?” Tumayo siya at inilahad ang kamay sa akin. Inabot ko naman iyon agad at marahan niya akong hinila patayo. Iniharap niya ako sa kaniya at ibinuka ang dalawang braso ko. Pagtapos ay lumapit siya sa akin, kinuha ang dalawang kamay ko at ipinulupot sa baywang niya. Nakasubsob ang mukha ko sa dibdib niya.
“Isipin mo na lang na isang akong teddy bear. Isipin mo na hindi ako si Gray kasi alam ko namang hindi ka magpapayakap sakin eh.” Napapailing na lang ako sa sinabi niya. “Umiyak ka lang hanggang gusto mo. Hanggang nand’yan pa ang sakit, iiyak mo lang. Crying can help to cleanse your hurting heart. At nandito ako para magsilbing panyo sa luha mo.”
Napahigpit ang yakap ko sa kaniya nang magsimula na naman akong maiyak. Parang wala na akong itatago kay Gray. Alam niya na na may sakit ako. Naikwento ko rin na muntik nang mawalan ng buhay ang lola ko dahil sa akin na hindi ko naikwento kahit kay Daddy o maging kay Carter.
Chocolate frappe can calm me, but being with Gray in his arms? I feel calm and safe with him. Na parang mapoprotektahan niya ako sa lahat ng sakit na pwede kong maramdaman.
“I loved him, Gray. I loved him so much…” Iyak ko habang nakayakap pa rin sa kaniya. Naramdaman ko naman ang paghagod niya sa likod ko.
“Gago naman yung minahal mo eh.”
“Hindi ko naman alam. Naloko ako, Gray.”
Na-realize ko na meron pala talagang mga taong pagkakatiwalaan at mamahalin mo ng husto. Pero kahit gaano mo pa katagal inalagaan ang tiwala at pagmamahal na ‘yon, masisira at masisira pa rin. Ang masakit pa ay hinding-hindi na iyon maibabalik pa.
“Kaya nga nauso yung salitang move on, Zaya.”
Move on? That’s easier said than done.
Nanatili akong nakayakap sa kaniya kahit na medyo kumalma na ako. I just like to be in his arms. I feel safe and secured.
“Sa tingin mo, mapagbibigyan mo kaya ang ikalawa at ikatlong wish ko?” Tanong ni Gray sa mahinang boses kaya napabitaw ako sa pagkakayakap sa kaniya. Sinapo niya ang pisngi ko at pinunasan ang luha doon gamit ang daliri niya.
“Wish?”
“Yes, alam kong wrong timing na naman ako pero dapat mapagbigyan mo na agad ang wish ko.”
“Ano ‘yon?” Inangat ni Gray ang baba ko at pinakatitigan ako. I can’t help but to stare at his eyes. Nakikita ko ang awa at lungkot sa mga mata niya.
“My second wish… Let me help you move on. Third, let me help you forget that bastard. Puro sakit na lang ang binigay sayo ng lalaking ‘yon, Zaya. Kalimutan mo na siya. He doesn’t deserve your love and trust. Magsimula ka ulit, tutulungan kita.”
Ang mga wish ni Gray ay hindi para sa sarili niya, kun’di para sa akin. Pero tama ba na pagkatiwalaan ko rin siya? Ngayong school year ko pa lang siya nakilala at ni hindi pa ‘yon umabot ng isang taon.
“Gray…” Banggit ko sa pangalan niya, nangungusap naman siyang tumingin sa akin. “Help me move on…”
Madali lang sabihin na ‘magmo-move on’ ka na o di naman kaya ay ‘naka-move on’ ka na pero sobrang hirap no’n gawin, lalo na kung minahal at pinagkatiwalaan mo talaga ang taong iyon.
Pero kahit mahirap, kailangan. Kailangang kalimutan ang nakaraan. Bakit? Kasi patuloy lang tayong masasaktan kung paulit-ulit nating babalikan ang nakaraan.
And from this day on, I’ll make sure to step forward. I’ll make sure to forget and move on…
____________________________________
Thanks po kila...
JeanMapisa
NicoTineSantos
eshanabora
BrazenettePearlElped
Hainly15
LeishKie
BINABASA MO ANG
That Nerd Is A Brat
Teen FictionSi Zaya Denise Olegarco ay isang spoiled brat at may napakasamang ugali. Napakaikli ng kanyang pasensya kaya kahit sa maliit na bagay ay nakikitaan niya ng problema kaya ang ending ay nakakagawa siya ng kung ano-ano. Suki na rin siya sa disciplinary...
