Chapter 48:
Brats Don’t Cry
Gray’s POV“What the heck is this, Gray?! Ni hindi ka umabot sa kalahati!” Bumuntong-hininga lang ako habang walang buhay na nakaupo sa sofa habang pinagsasabihan ni Papa. “Ano bang ginagawa mo sa buhay mo?” Hindi na ako sumagot at nanatili lang na tahimik.
“Hon, tama na ‘yan. May next time pa naman.” Si Mama habang pinapatigil si papa sa kakatalak.
I don’t get it. Sobrang galit na siya dahil sa nakuha ko. Hindi ko naman ‘yon gusto. Sadyang may iniisip lang ako habang nagsasagot at hindi nag-review. Si Zaya… Si Zaya lang ang laman ng isip ko nang mga panahong ‘yon. Pero alam kong kasalanan ko rin naman.
I’m trying my best to improve.
“Isa kang kahihiyan sa pamilya natin.” Nag-angat ako ng tingin sa pagkakataong ito. Mahina lang pagkakasabi pero parang naka-megaphone siya nang sabihin niya ‘yon. Pagkatapos ay umalis siya at naiwan naman kami ni mama sa living room.
“Gray, anak, wag mo nang pansinin ang papa mo. Pagod lang ‘yon sa trabaho.” Tumango lang ako at lumapit sa kaniya at humalik. Nagpaalam ako na pupunta sa kwarto ko.
Damn this life! Dahil ba mababa ang grade ay kahihiyan na agad? Kung sabagay… my parents both graduated as magnacumlaude. At si Ares? Iyon ang susunod sa yapak nila. At ako? Wala. Isang kahihiyan.
Hindi ko alam kung ilang beses na akong nagpakawala ng malalim na hininga. Hindi ko maiwasang ikumpara ang sarili ko kay Ares. He’s two years older than me but we’re on the same year level. Dalawang taon rin kasi siyang nahinto dahil nagkasakit siya. Simula no’n ay parang wala nang Gray na anak rin nila. Puro Ares na lang.
Natigil na lang ako sa pag-iisip ng tumunog ang cellphone ko. Kinuha ko naman iyon na nasa tabi lang ng hinihigaan kong kama.
Si Zaya…
From: Nerdy
Hey…Pinalitan ko ang pangalan niya sa contacts ko. Noong akala ko na nerd siya, lagi ko talaga siyang pinagtitripan. Kitang-kita ko sa mukha niya kung gaano siya nagpipigil.
Hindi ako nagreply at agad na tinawagan siya. Naka-ilang ring pa muna bago niya ito sinagot.
“Himala yata at nag-text ka.” Panimula ko.
“It’s not the first time that I texted you.” Kung nakikita ko lang ang mukha niya, sa tingin ko ay nagtataray na naman ito.
“Yeah, I know. Ikaw lang yung una ngayon. By the way, anong meron?”
“Wala naman. Gusto ko lang tanongin kung ayos ka lang.” Habang nasa cafeteria kami ay kanina ko pa siya nakikita na nakatingin sa akin. Parang may gusto siyang sabihin pero pinipigilan niya lang ang sarili niya.
“I’m perfectly fine.”
“Talaga? Hindi ka pinagalitan?” Patanong na aniya. Straightforward talaga.
“Pinagalitan. Kahihiyan daw ako eh.” At peke akong tumawa. Tawa na parang ayos lang sa akin ang narinig ko mula kay papa.
BINABASA MO ANG
That Nerd Is A Brat
Teen FictionSi Zaya Denise Olegarco ay isang spoiled brat at may napakasamang ugali. Napakaikli ng kanyang pasensya kaya kahit sa maliit na bagay ay nakikitaan niya ng problema kaya ang ending ay nakakagawa siya ng kung ano-ano. Suki na rin siya sa disciplinary...