Chapter 82:
Angel
Gino’s POV
I chose Hilda over Ailee. Hindi ko lang siguro matanggap sa sarili ko kaya lagi kong dine-deny. But I’ve decided. I like Hilda more than anyone.
Dalawang araw na ang nakalipas nang pinili ko siya. Kailangan ko nang kumilos ngayon. Sana mapatawad niya na ako at bumalik kami sa dati.
Bago pumasok sa school ay dumaan muna ako sa isang flower shop. Binati agad ako ng saleslady doon.
“Yong pinakamagandang boquet po. I don’t care about the price.” Naghintay ako ng ilang sandali pagkatapos ay ibinigay na sa akin ang boquet. Sana magustuhan ni Hilda.
Pagpasok sa school ay kitang-kita ko kung paano ako tignan ng ilang estudyante at sabay babaling sa kung sino mang kausap nila. I don’t care if they talk ill of me. Sigurado akong tungkol ‘yon sa sigawan namin ni Ailee noong isang araw.
Dumiretso ako sa room namin at hindi na pinansin ang kung ano mang bulungan nila. Hinanap ko agad si Hilda sa upuan niya. Agad akong napangiti nang makitang nandito siya. Wala nga lang si Zaya kaya tulala si Gray.
“Hi, Hilda!” Masayang bati ko sa kaniya. Nag-angat siya ng tingin sa akin pero agad din namang umiwas. Pakiramdam ko ay napahiya ako. Pero wala na akong pakialam sa kahihiyan ko. Kailangan ko siyang makausap para makapag-sorry na ako sa kaniya. “Uhm… Free ka ba mamaya? May gusto lang akong sabihin sayo.” Hindi ko alam pero parang pinagpapawisan ako ng malamig. Marami na akong niyayang babae na makipag-date pero ngayon lang ako kinabahan. Ni hindi ko nga siya yayain mag-date eh. Sa susunod na ‘yon. Gusto ko talagang mag-sorry sa kaniya.
“H-Hindi ako pwede. May kailangan pa akong gawin.”
“Uh… What about lunch break?”
“Hindi pwede.”
“Eh di tutulungan na lang kita sa gagawin mo. Please, I want to talk to you.” Alam kong ang kapal na ng mukha ko. May kasalanan akong ginawa sa kaniya pero umaasta ako na parang wala lang.
“Ayaw kong mag-usap tayo.” Tanggi niya. Hindi ko naman siya gustong pilitin pero kailangan talaga. Bigla kong naisip ang ginawa noon ni Arwin. Binastos ni Arwin si Hilda noong araw ng birthday ko pero pinatawad niya agad.
Lumuhod ako sa harap niya at bahagyang itinaas ang boquet na binili ko para sa kaniya.
“A-Ano bang ginagawa mo?” Aniya na medyo naguguluhan dahil sa ginawa ko.
“Hindi ako tatayo dito hangga’t hindi ka pumapayag na mag-usap tayo. Please, Hilda? Mag-uusap lang naman tayo eh. May sasabihin lang ako.” Halos magmakaawa na ako sa kaniya. Tiningnan ako ni Hilda. Ako naman ay naghahantay sa sagot niya.
“Oo na. Tumayo ka na d’yan.”
“Yes!” Agad akong tumayo dahil sa kasiyahan. Lumapit pa ako sa kaniya at umamba ng yakap pero pinigilan ko ang sarili. Inabot ko na lang ang boquet sa kaniya. “That’s for you.”
“Hindi ko ‘to matatanggap.”
“Bakit naman? Binili ko talaga ‘yan para sayo.”
“Hindi mo naman ako kailangang bilhan.”
Most girls will accept it right away. Pero iba si Hilda. Ayaw niya talagang tanggapin. Nagtalo pa kami ng kaunti pero tinanggap niya rin naman dahil sa pagpupumilit ko. I’m pressuring her, I know. Bakit ba kasi ayaw niyang tanggapin? Wala namang mawawala sa kaniya kapag tinanggap niya ‘yon.
BINABASA MO ANG
That Nerd Is A Brat
Teen FictionSi Zaya Denise Olegarco ay isang spoiled brat at may napakasamang ugali. Napakaikli ng kanyang pasensya kaya kahit sa maliit na bagay ay nakikitaan niya ng problema kaya ang ending ay nakakagawa siya ng kung ano-ano. Suki na rin siya sa disciplinary...
