CHAPTER 74

1K 78 17
                                        

Chapter 74:
Prank Gone Wrong


Gray’s POV

Kailanman ay hindi ako sinipag na pumasok sa school. Ngayon lang yata. Siyempre, nandiyan ang inspirasyon ko.

Pagpasok sa classroom ay dumiretso agad ako sa upuan ko. Medyo nanlumo ako dahil wala pa rin pala si Zaya, ganoon na rin si Hilda. I’ve waited and waited until the bell rang. Hindi sila papasok?

“Gray! Gray!” Patakbong lumapit sa akin si Gino na parang may emergency kaya nag-angat agad ako ng tingin sa kaniya.

“Oh?”

“Nasaan sila? Hindi pumasok?” Tanong nito. Napabuntong-hininga ako.

“Wala akong katabi. Wala ka ring katabi. Hindi ba obvious na wala sila?” I said with a hint of sarcasm.

“Bakit hindi sila pumasok?”

Napaisip agad ako. Hinintay ko talaga si Zaya buong araw pero uwian na ay wala ni anino ng isa sa kanila. Bigla akong nakaramdam ng kaba. Baka mamaya ay may sakit si Zaya. Hindi rin naman kasi papasok si Hilda kapag wala si Zaya.

O baka may problema na naman?

Kung ano-anong tanong na ang gumugulo sa isip ko.

“I-text mo si Zaya, Gray.” Utos ni Gino.

“Mag-text ka rin kay Hilda.”

“Sana kanina ko pa ginawa, di ba? Wala kasi siyang cellphone.” Tugon niya at bumuga ng isang malalim na hininga.

To: Zaya
Bakit hindi ka pumasok? Ayos ka lang ba? Miss na kita.

Then I sent the message. Naghintay ako ng reply niya at ganoon rin si Gino na tinitignan din ang cell phone ko pero wala.

“Bukas na lang natin ulit sila hintayin.” Sabi ko na lang dahil hapon na at sigurado naman akong hindi na pupunta sa school sila Zaya. Lumingon ako kay Gino nang may mapansin. “Bakit nga pala hinihintay at hinahanap mo si Hilda? May Ailee ka na, di ba?”

“Anong ini-issue mo? Na may gusto ako kay Hilda, ganoon ba?”

“Bakit, hindi ba?” Pabalik kong tanong. Ilang beses ko na rin kasing napansin si Gino. Kahit ang katabi at kausap niya ay si Ailee, nagkakaroon pa rin siya ng kahit ilang segundo para sulyapan lang si Hilda na lagi namang tahimik sa grupo namin.

“So what if I have a crush on her?” Mahinang aniya pero rinig na rinig ko pa rin.

“What?! The hell, man!” Pabiro ko siyang sinuntok sa braso. Pabiro pero sinadya ko talagang lakasan, nagbabakasakaling matauhan siya. “What the hell are you thinking? Nababaliw ka na ba?”

“Yes, bro! I’m crazy! Hindi ‘yon pwede, di ba?”

“Malamang! Magpapa-reserve na ba ako sa mental facility?” Biro ko pa kahit kitang-kita ang frustration sa mukha niya. Sinamaan niya ako ng tingin.

“Crush ko na yata si Hilda. Pero paano si Ailee?”

Kung noon ay hindi naman namomroblema si Gino sa kaliwa’t kanang babae, ngayon ay namomroblema na! I was a playboy, too, back then. But when love strikes you… everything about you will change. This is the first time I want to change myself. I want to be a better person. For me and of course, for Zaya.

Zaya will see and realize how better I am compared to his ex. I’m better than Paris. Why? Kasi hindi katulad ng ex niya, hinding-hindi ko sasaktan si Zaya.

That Nerd Is A BratTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon