CHAPTER 70

1.1K 94 25
                                        

Chapter 70:
Talk for Closure


Zaya's POV

Pakiramdam ko, sobrang lupit ng Diyos sa akin. Hindi naman kasi ako naniniwala sa Kaniya, na merong Diyos.

Where is He when we need help? Where is He when I beg for a million times to wake my mom again? None! Wala siya.

Parang nawalan ulit ako ng sigla dahil sa mga nalaman ko. Paris' dad killed my mom. Paris' feelings are fake and he just used me. And Lea, didn't help us when we need her.

It's so unfair, right?

Tinatanong ko sa sarili ko kung karma ko na ba 'to. And yeah, napatunayan ko na 'Karma is a real bitch'. It hurts like hell. Sobra na siguro ang pagiging masama ko. Bayad na rin siguro 'to sa muntik ko nang pagpatay sa Lola ko. Sana ito na lahat. Sana wala nang dagdag.

Dahil sa pag-iisip ay hindi ako makatulog kaya naman lumabas muna ako ng kwarto ko at pumunta sa kusina. Naabutan ko naman si Hilda na nakatulala.

"Earth to Hilda." Sabi ko at napaigtad naman siya at halos mabitawan ang baso. "What the hell are you thinking that you didn't even notice me?"

"W-Wala..." Aniya at saka binuksan ang faucet para linisin ang basong hawak niya kanina.

"Sasabihin mo o sisisantihin kita?" Pananakot ko. Nautal na naman siya kaya alam kong may problema. Hindi na naman siya nagsasalita.

"Nalaman ko kasi na sila na ni Ailee." Tugon niya at bigyang napayuko. Sinasabi ko na nga ba at may problema talaga.

"So? Akala ko ba wala kang gusto kay Gino?"

"M-Meron. Hindi ko lang kayang sabihin. Nakakahiya kasi lalo na at alam na nila na kasambahay niyo ako."

Madali lang magsabi ng nararamdaman pero mas nagpapahirap ang sitwasyon kung nasaan ang isang tao. Hilda is a maid while Ailee is from rich family. Sigurado akong hindi talaga magsasabi 'yan si Hilda.

Kinuha ko ang cellphone ko at tinawagan si Gino. Gabi na kaya akala ko ay hindi niya sasagutin pero agad kong ni-loud speaker ang cell phone. Naririnig na rin ni Hilda ang sasabihin ni Gino.

"Hello, wassup?"

"Nakakaistorbo ba 'ko?"

"Oo naman. Naglalaro kami nila Gray eh. Bakit ba? Hindi ko pa nga nakakalimutan ang ginawa mong pagsipa sakin. Paano kung magka-amnesia ako tapos mawala ang memories ko with Hilda?" Mabilis nitong sabi at napangiti ako dahil sa binanggit niyang pangalan. "With Hilda... and all of you." Dugtong nito.

"Isang tanong, isang sagot. Kayo na ba ni Ailee?" Tanong ko habang nakatingin kay Hilda. She looks tensed. Mukhang kinakabahan si Hilda sa magiging sagot ni Gino.

"Hindi pa."

"Good. Okay, good night!" Sabi ko na lang at tinapos ang tawag. "Narinig mo naman siguro ang sagot niya. Masyado pang maaga para maging malungkot." Tipid itong ngumiti. Nag-usap pa kami ng kaunti at saka na ako bumalik sa kwarto.


***


Gray's POV

Umaga na pero hindi pa rin ako makatulog. Tumawag si Zaya ng hating gabi kay Gino para itanong kung sinagot na ba siya ni Ailee. At bakit naman itatanong 'yon ni Zaya kay Gino? Don't tell me... may gusto si Zaya sa kaibigan ko! No way!

Kaya para matahimik ang utak ko, pagpasok pa lang sa room at pagkakita ko sa kaniya ay tinanong ko agad siya. Pabagsak kong itinukod ang dalawa kong kamay sa magkabilang dulo ng table niya at tumingin sa kaniya.

That Nerd Is A BratTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon