Chapter 65:
Maid
Gino’s POV
It has been a week since that shocking revelation about Zaya’s family. Magulo pala at komplikado ang pamilya niya. Laman na rin ng balita ang pagkakulong ni Franco Tiamson, ang ama ni Paris.
‘After two years of investigation, Franco Tiamson, suspect of hit and run in Olegarco’s case is now over. He will serve 15 years behind bars and another 5 years for being guilty in obstruction of business.’
That would be 20 years in total. Justice serves them right. Kung ako ang nasa sitwasyon ni Zaya, hindi ko na alam kung anong gagawin ko.
“Nami-miss ko na sila.” Dinig kong mahinang sabi ni Runa. “Kailan kaya sila papasok ulit?”
“Hindi pa ‘yon papasok agad. Siguradong may aasikasuhin at aayusin pa sila. They will be back for sure so don’t worry.” Ares assured her.
Pero ang ipinagtataka ko, si Zaya lang at ang pamilya niya ang may problema. Bakit wala pa rin si Hilda? Alam kong magkaibigan sila at kailangan ng karamay ni Zaya pero dapat ba na kapag absent siya ay absent rin si Hilda?
“Puntahan na lang kaya natin siya? Sabado naman bukas eh. Please?” Ani Runa.
“Sige. Alam ko ang bahay nila.” Pagsang-ayon naman ni Gray.
Kinabukasan ay pumunta nga kami sa bahay nila Zaya. Hindi raw makakasama si Jun dahil may kailangan itong gawin. Napansin ko rin lately na ilag samin si Jun. Lagi na lang may gagawin at may pupuntahan. Kung tatanungin ko naman ay hindi niya sinasagot kung saan siya pupunta. Gano’n rin si Gab. Laging may ka-text o di naman kaya ay katawagan. Tatanungin ko na lang si Jun tungkol do’n. Baka mamaya ay nagbo-boyfriend na si Gab nang di ko alam.
Nasa iisang kotse lang kami nila Gray, ako, Ares at Runa. Habang nagda-drive si Gray ay hindi ko maiwasang tumingin sa bintana.
“Sure ka bang dito ang bahay nila Zaya?” Tanong ko. Para kasing pamilyar ang daan na ‘to. Parang napuntahan ko na.
“Oo naman. Nakapunta na ako sa bahay nila Zaya. Nakapag-merienda na nga ako doon.” Sagot niya na parang proud pa.
“Tuwang-tuwa ka siguro, ‘no? Single na si Zaya.” Pang-aasar ko pero matalim ang mga matang tumingin siya sakin.
“Hindi gano’n ‘yon. Yes, I do like her pero hindi ko naman gusto na maranasan niya ‘to. T’saka hindi ako masaya na nahihirapan siya.” Patagal nang patagal ay nagiging cheesy si Gray. Gusto niya talaga si Zaya.
“May gusto ka kay Zaya, Gray?” Gulat namang tanong ni Runa. Ngumisi lang naman si Gray. “Oh my gosh! Totoo?”
“Oo kaya may pag-asa na ang kaibigan natin.” Ako na mismo ang sumagot para kay Gray. Maya-maya ay huminto ang kotse sa isang malaking bahay.
Nangunguna sa paglabas si Runa na mukhang excited at parang isang taon niyang hindi nakita si Zaya kahit isang linggo palang naman. Hindi ko siya masisi. Noon ay sila Betty ang kasa-kasama niya. Pero mabuti ngayon ay nakahanap na siya ng tunay niyang kaibigan.
Paglabas ko ay agad kong tinanong si Gray.
“Sigurado ka bang dito? Bahay ‘to nila Hilda eh!” Dalawang beses ko na siyang hinatid sa bahay na ‘to. Hindi ako pwedeng magkamali.
“I’m sure. Bahay ‘to nila Zaya. Pinakain pa nga nila ‘ko eh.”
“Hindi nga dito. This is Hilda’s house. Dalawang beses na ako dito.”
BINABASA MO ANG
That Nerd Is A Brat
Teen FictionSi Zaya Denise Olegarco ay isang spoiled brat at may napakasamang ugali. Napakaikli ng kanyang pasensya kaya kahit sa maliit na bagay ay nakikitaan niya ng problema kaya ang ending ay nakakagawa siya ng kung ano-ano. Suki na rin siya sa disciplinary...
