CHAPTER 21

1.5K 93 16
                                        

Chapter 21:
Cutting Classes

Zaya's POV

"Zaya, dali na. Saglit lang naman eh." Ewan ko ba kung anong meron kay Runa ngayon. Kanina pa siya namimilit na samahan daw namin siya sa labas.

"I said I don't want to. Just bring Hilda." Boring kong sabi.

"Gusto ko nga magkasama tayong tatlo." Napabuntong-hininga na lang ako at napakamot sa ulo.

"Fine, whatever. Make sure it's worth my time." Ngiting-ngiti naman siyang tumango. "Where are we going?"

Malapit na magsimula ang klase kay Ma'am Aguila. The one who made me stuck in the detention room. May long quiz daw kami sa boring niyang history class.

Pinalapit kaming dalawa ni Runa sa kaniya.

"Narinig ko kasi sila Ares na magka-cut daw sila ng class." Aniya sa mahinang boses.

"So?" Ano naman ngayon kung nag-cut sila ng class? Wala na akong pakialam sa kanila.

"I'm just worried. Paano kapag nalamang nag-cut nga sila? Baka pagalitan siya... I mean sila."

"May gusto ka kay Ares?" Biglang tanong ni Hilda. Bigla namang namula ang mga pisngi ni Runa.

"Oo. Kaya wag niyo siyang aagawin, ah? Sakin si Ares." Tsk. Sabi ko na nga ba eh. Kapag nagla-lunch kami kasama yung tatlo, lagi niyang hinahanap si Ares.

"Thirty minutes left before the class will start. Make sure that we will not get caught." Well, mukhang matagal-tagal pa naman ang thirty minutes.

"Okay." Iniwan namin ang mga bags namin at saka lumabas. Kung nag-cut nga sila, siguradong nasa labas na sila ngayon. But unfortunately, the school gate is already close.

"Let's go back." Masyado daw terror itong si Ma'am Aguila. Baka kapag sumunod kami sa mga 'yon ay makulong na naman ako sa detention room. 'Tsaka importante rin ang grades ko sakin.

"Wait, I know another way out." Halos kaladkarin niya na kaming dalawa ni Hilda dahil sa bilis nito.

"Dahan-dahan naman, Runa!" Reklamo ko. Ang bilis naman kasi tumakbo. Halos wala na rin palang estudyante sa labas. Maya-maya ay nakarating kami sa likod ng isang building ng school.

"Don't tell me, we're going to climb that wall." Nasa likod kami ng building at nakaharap mismo kami sa pader na nagsisilbing harang na din ng buong school kaya iyon agad ang unang pumasok sa isip ko. Hindi naman kataasan ang pader.

"Almost. But to correct you... We are going to climb that tree." Aniya sabay turo sa isang puno na malapit lang sa pader. The tree is not also that tall. Pwedeng-pwede nga akyatin. And its trunk is slightly leaned against the wall.

"Have you ever cut class before?" Natanong ko. May alam kasing alternative na daan. Alam na alam kung paano makakatakas. Ako kasi ay naranasan ko na. Lagi nga eh. Lalo na kapag hindi ko gusto ang lecturer. This will be a piece of cake for me.

"No. This is my first time doing this. Sigurado kayo din, di ba? Pero new experience na rin satin 'to." Parang natutuwa pa si Runa na mag-cut kami.

"You first." Sabi ko sa kaniya. Madali lang akyatin ang puno dahil hindi naman ito masanga. Nakahilig ito sa pader kaya parang naging hagdan na rin ito. Pero kung tatalon naman para makalabas, medyo mahihirapan kami. Mga dalawang tao ang length ng pader.

That Nerd Is A BratTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon