CHAPTER 39

1.1K 96 8
                                    

Chapter 39:
Shine

Zaya’s POV

“Ano bang regalo ang gusto ni Gino?” Tanong ko kay Gray.

“Naniwala ka naman do’n. Kahit hindi na.”

“But I want to. Nakakahiya naman kasi.” Bigla kong narinig ang sarili ko. Kailan pa ako nag-effort na magtanong sa isang tao para magregalo?

“Kahit ano na lang ang ibigay mo.” Napangiwi ako. Pagdating sa gate ay una ko agad nakita ang kotse ni Carter. Nakita niya siguro ako dahil bumukas ang pinto ng kotse at lumabas siya. Lumapit naman agad ako sa kaniya.

“How’s your day?”

“I told you, it’s fine. Anyways, can I go to Gino’s house tomorrow? I’m invited in his birthday party.” Paalam ko.

“Sure… pero kasama ako. Baka may mangyari na naman.” Nag-aalalang aniya.

“Okay, I’ll ask him that you’ll be with me.”

“No need. We’re friends.” Anito sabay ngisi. Ngayon ko lang nalaman na magkaibigan pala sila.

“Yeah, but before.” Hindi ko namalayan na nandito pa pala si Gray sa likod ko. Totoo nga na kilala nila ang isa’t isa. Pero bakit hindi na ngayon? I mean… Anong nangyari sa kanila?

“You still don’t know the reason. Away bata lang naman natin ‘yon eh. Sasabihin ko rin sayo. Let me have some fun.”

“Baka nakakalimutan mo na hindi ako ang may birthday?” May halong sarkasmo sa boses ni Gray.

“Eh di sabihin mo sa kaniya. Baka gusto mong ako ang mag-confess kay… para sayo?” Tugon ni Carter habang nakangisi. Parang habang tumatagal ang pinag-uusapan nila ay mas lalo akong naguguluhan.

“No way. Don’t you dare, Carter.”

“Yes way. You’ll be rejected anyways.”

“Shut up!”

Mas lalo akong naguluhan. Who will reject Gray? At kanino siya magco-confess?

“Ano bang pinag-uusapan niyo?” I asked out of curiosity.

“A secret feelings of a boy who can’t even confess to his love.”

“Tss… Manahimik ka na nga.” Ngumiti lang si Carter sa kaniya at saka na ako nagpaalam kay Gray.

“Carter, ano yung pinag-uusapan niyo?” Tanong ko. Umiiral kasi ang kuryosidad sa akin. Gusto kong malaman kung tungkol saan ‘yon.

“Wala lang ‘yon. Inaasar ko lang siya. Let’s stop by the mall. Baka hindi ako papasukin ng ugok na ‘yon.”

“Close ba talaga kayo?”

“Oo. Noon pang highschool. Maybe second year.” Tumango-tango ako.

“We’re in high school and there was a fight between men’s pride and ego. Planado na naming ang lahat para mapabagsak yung mga mayayabang na ‘yon pero kumampi ako sa kanila.” Bahagyang nangunot ang noo ko.

“Lumipat ka sa kaaway niyo?” They’re friends and they planned it all but… Tss. I know he has reasons.

“Yeah. Kaaway naming dati ang nakakatandang kapatid ni Paris. At nang nalaman ko na nililigawan ka pala ni Paris, lumipat ako.” Ibig sabihin pala ay ako ang dahilan kung bakit niya iniwan ang mga kaibigan niya.

That Nerd Is A BratTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon