CHAPTER 79

977 79 39
                                        

Chapter 79:
Choose


Gino’s POV

It’s all my fault!

Kung hindi sana umiral ang kagaguhan ko noon, hindi na ‘to mangyayari. Ano bang iniisip ko noon at nagawa ko pang makipagpustahan kay Gray?

Ah! Yeah, right! It was because of Ailee. Patay na patay ako kay Ailee. Sobrang desperado pa ako na maging girlfriend siya kaya gusto ko ng tulong mula kay Gray. The two of them are close after all.

But I realized… I shouldn’t have done that fucking bet. May gusto naman pala sa akin si Ailee. Ni hindi na nga naulit ang pagiging grounded ni Gray. Hindi niya nagamit ang kotse ko. Walang kwenta ang lahat!

I’m full of regrets right now. I saw rage in Hilda’s eyes. Mahinhin siya at mabait. Hindi ko inasahan na magagawa niya akong sampalin. Kaya kong tanggapin ang sakit mula sa sampal na ‘yon. Hindi ko lang matanggap sa sarili ko na nagawa ko siyang paglaruan at paiyakin dahil lang sa pagiging desperado kong makuha si Ailee.

They already knew about that bet. Kaya pala iniiwasan nila kami. Naisip ko agad si Gray. In love na ‘yon kay Zaya eh. Tapos siya pa pala ang naglagay ng shirt doon sa bag.

What about me? Ano ba talaga ang nararamdaman ko kay Hilda? Yes, I admit. She’s my crush. And I hate myself for making her cry.

“Gray!” Sigaw ko para kunin ang atensyon niya. Kanina ko pa siya hinahanap para sabihin sa kaniya ang mga nalaman ko mula kay Hilda. Nandito lang pala siya sa rooftop ng school. “Gray!” Pagkalapit ko ay hindi niya ako nilingon. Tulala lang siyang nakatingin sa kawalan.

“Tangina, Gray! Mamaya ka na magmukmok diyan. May problema tayo!” Niyugyog ko pa ang balikat niya para lang tumingin lang siya sa akin.

“Problema na naman? Ano ba ‘yon?”

“I know now the reason why they’re avoiding us.”

“Ano daw?” Aniya na parang walang pakialam. Napabuga ako ng malalim na hininga dahil sa sobrang frustration.

“They already knew about the fucking bet.” Nanlaki ang mga mata ni Gray sa gulat.

“Paano nila nalaman? Kinalimutan na natin ‘yon, di ba? Ano na naman ‘to?” Napayuko ako agad. Kasalanan ko na naman.

“Sabi ni Hilda, nalaman daw nila mula kay Ailee at Betty. Pero may sinabi pa siya eh. May ipinarinig daw na recording.” Maiintindihan ko pa kung nagmula kay Ailee dahil nadulas akong sabihin ‘yon sa kaniya. Pero may recording? Saan o kanino galing? Kay Betty?

“Recording?”

“Yeah, that’s what I heard.”

“What should I do now? Sigurado akong galit na sa akin si Zaya. Mas lalo siyang magagalit kapag nalaman niyang ako ang naglagay ng t-shirt na ‘yon sa bag niya. I’m so fucked up right now!” Hindi ako sigurado pero nakita ko ang isang butil ng luha na tumulo mula sa mata niya. Agad rin siyang umiwas ng tingin sa akin kaya hindi ako sigurado.

This is the first time I saw him frustrated. He must be really in love with Zaya.

“I’m sorry, bro. Ako ang may kasalanan dito eh. Dahil sa kagaguhan ko at sa tanginang bet na ‘yon, hindi sana ‘to mangyayari. Sorry, bro.”

“Hindi, Gino. May kasalanan rin naman ako dito. Sana tinulungan na lang kita kay Ailee ng walang kapalit. Hindi ko naman nagamit ang kotse mo dahil tumino na ako.”

“But still…”

“May isa pa tayong problema. Paano natin maayos ang lahat ng kagaguhan natin?”

That Nerd Is A BratTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon