Chapter 66:
Swayed
Gino’s POVBuong akala ko ay dito ang bahay Hilda. Nakipagmatigasan at pinilit ko pa kay Gray na dito nga ang bahay nila. But it turned out that she’s living here because she’s a maid. I never thought of that. Kaya pala laging nakabuntot si Hilda kay Zaya. Kung wala si Zaya ay wala rin siya.
“Kawawa naman si Zaya.” Ani Runa habang nakatingin sa nakahigang si Zaya sa sofa. “Magiging ayos rin naman siya, right?”
“Oo, magiging ayos rin siya. Kailangan niya lang munang magpahinga.”
“So… matagal ka na ba sa kanila?” Agad kong sinamaan ng tingin si Runa. Baka magalit pa si Hilda dahil sa tanong niya.
“Magti-three years na akong nagtatrabaho sa kanila.”
“Really? Close na ba kayo dati pa?”
Sa totoo lang ay gusto ko ring magtanong pero hinayaan ko na ang bunganga at kuryosidad ni Runa na gumawa no’n. Nakinig na lang ako sa usapan nila.
“Hindi, masungit kasi talaga si Zaya noon. Nang magtransfer siya ay doon lang kami naging close.”
Araw-araw kaya siyang sinusungitan ni Zaya? Pinapatulan niya kaya? Imposible siguro. Mabait si Hilda eh.
“Pwedeng magkwento ka? Wala kasi kaming alam sa inyo eh. Kahit yung tungkol sayo lang, please?” Narinig ko ang pagbuntong-hininga ni Hilda pero pagkuwan ay tumango rin. Gusto kong malaman, baka mamaya ay pinapahirapan pala siya dito. Nahinto ako sa pag-iisip.
Ano naman ngayon kung pahirapan nga siya?
“Seventeen lang ako nang magtrabaho ako dito. Si Zaya naman ay sixteen noon.” Panimula nito.
“Seventeen? Hindi ba dapat ay nag-aaral ka lang? Huwag ka nang magtrabaho. Kaya ka nangangayayat eh. Pinapahirapan mo ang sarili mo!” Mabilis kong sabi kaya nakatanggap naman ako ng nagtatakang tanong sa kanila. Kahit si Gray na kanina pang nakatitig kay Zaya ay nagawa akong lingunin. Napaiwas naman ako ng tingin. “Go on. Tss.”
“Ah, ibig sabihin pala ay halos magkasing age lang kayo ni Ares.”
Mas matanda pala sa akin si Hilda ng one year. Ayos lang ‘yan. Isang taon lang naman eh.
Dang it! So what?
“Paano ka napunta dito? Nasaan ang family mo?” Tanong ulit ni Runa.
“Nasa probinsiya ang pamilya ko. Ako lang kasi ang aasahan sa amin kaya lumuwas ako ng Maynila.”
“What about your parents? Hindi ba dapat ay sila ang nagtatrabaho para sa pamilya niyo? Hindi ka dapat tinanggap magtrabaho dito. You’re just seventeen back then— a minor, and it can still be considered as child labor!” Hindi ko makapaniwalang sabi. Kami nga ay hinahayaan lang ng magulang namin. Ang parents ko ay nasa ibang bansa at nagtatrabaho. Pero kila Hilda, siya pa mismo ang pinaalis at pinagtrabaho pa.
Sa ikalawang pagkakataon ay tinignan naman nila ako. Si Gray ay napapailing, si Ares naman ay bahagyang nakaangat ang sulok ng labi, at si Runa naman ay salubong ang kilay.
“What? Continue with your talk.” Nasabi ko na lang.
“If your parents are there, then do you also have a boyfriend there?” I can sense excitement in Runa’s voice.
“Wala! Wala siyang boyfriend. Kailangan niya pang magtrabaho, di ba? Dapat mag-focus rin siya sa pag-aaral niya. Hindi iyong nagbo-boyfriend. Ano na lang ang sasabihin ng parents niya? Na hindi siya nagtatrabaho at inuuna niya ang boyfriend niya? The answer is no. Wala siyang boyfriend. Doon man sa probinsiya nila o dito.” Litanya ko. Mas naging masama naman ang tingin ni Runa.
BINABASA MO ANG
That Nerd Is A Brat
Teen FictionSi Zaya Denise Olegarco ay isang spoiled brat at may napakasamang ugali. Napakaikli ng kanyang pasensya kaya kahit sa maliit na bagay ay nakikitaan niya ng problema kaya ang ending ay nakakagawa siya ng kung ano-ano. Suki na rin siya sa disciplinary...