Chapter 83:
Mistook
Hilda’s POV
Nang bigyan ako ni Gino ng bulaklak at lumuhod pa sa harap ko ay mas lalo akong naging laman ng usap-usapan. Noong una ay hindi ko pa alam kung bakit pero may ipinakita sa aking video si Runa. Nilalaman ng video na ‘yon ang sagutan nila ni Ailee at Gino tungkol sa akin.
Nakita at narinig ko kung paano ako ipaglaban ni Gino sa mga sinasabi ni Ailee tungkol sa akin. Sa totoo lang, tama naman lahat ng sinabi ni Ailee. Kasambahay lang naman talaga ako at tanggap ko ‘yon.
Galit ako kay Gino dahil sa ginawa niyang bet pero nang marinig at makita ko mula sa video na ‘yon kung paano niya ako ipagtanggol, parang sa isang iglap lang ay nawala na ang galit ko. At tuluyan pa iyong naglaho nang sa huling bahagi ng video ay pinapili ni Ailee si Gino. Si Ailee o ako?
Habang nanonood ay kinakabahan ako. Medyo natagalan rin kasi ang pagsagot ni Gino. Hindi naman ako umaasa na ako ang pipiliin niya. At isa pa, si Ailee ang nililigawan ni Gino. Pero nagulat ako nang isagot ni Gino ang pangalan ko.
He chose me? Is that for real?
Tuwang-tuwa ako nang sabihin niya ‘yon pero pinigilan ko ang sarili ko. Baka mamaya ay nanloloko na naman si Gino. Hindi ko na gustong masaktan pa ulit. At napatunayan ko na hindi nga totoo ang sinabi niya katulad doon sa video. Bakit? Kasi naabutan ko lang naman silang naghahalikan ni Ailee sa garden.
Akala ko ba ay hihintayin niya ako para makapag-usap kami? Pero iba naman pala ang hinihintay niya. Si Ailee at hindi ako.
“Ihatid mo na itong pagkain ni Zaya sa kwarto niya.” Utos ni Manang kaya agad akong kumilos.
Kumatok muna ako ng ilang beses at nagpaalam na papasok na. Naabutan ko siyang nakaupo lang sa kama niya.
“Ito na ang pagkain mo.” Sabi ko at inilapag ang tray sa ibabaw ng kaniyang kama.
Unti-unti ay umaayos na rin ang kondisyon ni Zaya. Noong una ay ayaw pa rin niyang magpa-therapy pero sa huli ay pumayag na rin siya dahil sa pamimilit ng kaniyang kapatid at ama. Isa o dalawang linggo na lang ang itatagal ng therapy niya kaya malapit na rin siyang umalis.
“Leave.” Mariing anas ni Zaya kaya umalis na rin ako doon. Hindi ko gusto na mapagalitan na naman. Pakiramdam ko ay bumalik siya sa dati. Masungit at mataray. Katulad na lang noong una.
Hindi pa rin makakapasok ngayon si Zaya kaya mag-isa ako ngayon. Papunta ako sa room namin at hindi ko maiwasang hindi pansinin kung paano ako tignan ng ilang estudyante. Puno iyon ng panghuhusga.
“Our Gino chose her over Ailee?” Dinig ko pang sabi ng isa na parang puno ng panghihinayang. Hindi ko na lang iyon pinansin at nagpatuloy na sa paglalakad. Ngunit napahinto rin ako nang huminto si Ailee sa harap ko. Matalim ang tingin na ipinupukol niya sa akin. Nakikita ko ang galit sa mga mata niya.
“Can we talk?” Tanong nito kaya tumango na lang ako. Pero hindi ko naman inakala na dito kami mismo sa hallway mag-uusap. “Anong ginawa mo kay Gino para ikaw ang piliin niya?”
“Wala akong ginawa kay Gino, Ailee. Mali ang iniisip mo. Hindi naman ako ang pipiliin niya dahil ikaw ang gusto niya.” Hindi ko alam kung ano ang ginawa ko kay Ailee para maging ganito ang tungo niya sa akin. Noon naman ay parang magkaibigan lang kami. Kahit nga nakita niya na magkasama kami isang beses ni Gino ay wala siyang ginawa. Nginingitian niya pa ako.
“Liar! Alam mo bang mas pinili niya ang isang katulad mong galing sa putik kaysa sakin na parang isang prinsesa? You’re just a freaking servant!” Nagtaas ng boses si Ailee kaya naman ang mga estudyante na kanina lang ay nasa room nila ay lumabas na para makiusyoso sa amin.
“Oo. Tama naman ang lahat ng sinabi mo. Wala naman akong laban sayo kaya bakit ka pa nagagalit sa akin?”
“Huwag kang magmaang-maangan diyan! You whore! Ang sabihin mo, wala akong laban sa kalandian mo. Ang galing mo ring pumili eh. Si Gino pa talaga. You’re a whore!” Galit na asik niya at dinuro pa ako. Nabigla ako nang lumapit si Ailee sa akin at biglang hinila ang buhok ko. Napasigaw agad ako dahil sa sakit. “Landiin mo na ang lahat, huwag lang si Gino. Why? Because he’s mine!”
“Ailee, itigil mo ‘to! Bitawan mo ako!” Halos maluha na ako sa sakit dahil sa pagsabunot niya sa buhok ko. Gigil na gigil siya sa bawat paghila niya. Pakiramdam ko ay mahihiwalay ang buhok ko sa anit ko.
Naririnig ko ang ilang boses ng mga estudyante na nanonood sa away namin ni Ailee. Imbis na tulungan nila ako o di naman kaya ay awatin si Ailee ay hindi nila ginawa. They are even cheering to Ailee.
“Tandaan mo ‘to, Hilda. Gino is mine and mine only!”
“Hilda!” Bigla akong nabuhayan at nagkaroon ng pag-asa na makawala sa pagkakasabunot sa akin ni Ailee nang marinig ko ang boses ni Gino na papalapit sa amin. “Hilda!”
“Fuck, Ailee! Let go of her!” Naramdaman ko ang kamay ni Gino na sinusubukang alisin ang kamay ni Ailee. Agad akong lumayo nang mapaghiwalay kami.
“No! Hindi pa ako tapos sayo! Malandi ka!” Dinuro pa ulit ako ni Ailee at akmang susugod pa pero nilapitan na ako ni Gino. Itinago ako ni Gino sa likod niya na parang pinoprotektahan niya ako mula kay Ailee.
“Huwag na huwag mo nang lalapitan si Hilda, Ailee. Sa susunod na makita pa ulit kita na inaaway mo siya, ako na ang makakalaban mo.” Mariing sabi ni Gino na may halo pang pagbabanta. Nag-angat ako ng tingin sa likod niya. His back looks so serious. Paano pa kaya ang mukha nito.
“Bakit ba pinili mo pa siya Gino? Ako naman ‘yong mahal mo, di ba? Ako lang! Ginayuma ka ba ng babaeng ‘yan, huh?”
“No. she didn’t do anything, Ailee.”
“Then, what’s this? Why are you eager to protect her? Sabi mo kaibigan mo lang siya, di ba?” Ngayon ay umiiyak na si Ailee. Hindi niya dapat ito nararanasan. Hindi ko alam kung ano ang nasa isip ni Gino. Maraming tanong ang gumugulo sa isip ko. Pinaglalaruan lang ba ako ni Gino? Baka mamaya ay kung ano na naman ‘to. Hindi ko na alam kung makakaya ko pa ang sakit na ibibigay niya.
“She’s very important to me that I can’t bear to see her hurting. Yes, maybe I hurt her before because of the bet that I, myself made. But I realized that she doesn’t deserve that. Pinaglaruan ko pa siya para lang pala sa isang katulad mo.” Hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko. Ang alam ko lang, sobrang bilis ng tibok ng puso ko. “And why am I protecting her? Because I love her…”
Nag-angat ako ng tingin kay Gino. Gusto kong tignan ang mukha niya… Ang mga mata niya dahil gusto kong makita kung totoo ang sinabi niya.
“Y-You love her? Impossible! Ako lang ang mahal mo!” Marahas na pinalis ni Ailee ang luha niya at yumakap kay Gino. “Ako lang, di ba?” Inalis ni Gino ang pagkakayakap nito sa kaniya at hinarap ito.
“I’m sorry, Ailee. I mistook my crush on you as love. Hindi ko naman talaga alam ang salitang ‘yon. Hilda just taught me how. I chose her because I love her.”
BINABASA MO ANG
That Nerd Is A Brat
Teen FictionSi Zaya Denise Olegarco ay isang spoiled brat at may napakasamang ugali. Napakaikli ng kanyang pasensya kaya kahit sa maliit na bagay ay nakikitaan niya ng problema kaya ang ending ay nakakagawa siya ng kung ano-ano. Suki na rin siya sa disciplinary...
