CHAPTER 85

786 64 30
                                    

Chapter 85:
Stay


Gray’s POV

“Alexis, is that really you?” Tanong ko at hindi pa rin makapaniwala. Ilang beses ko na itong naitanong sa kaniya ngayong araw pero gusto ko pa ring makasigurado.

“Oo nga. It’s really me. You’re best friend.” Alexis smiled at me.

“May best friend palang bigla na lang nang-iiwan?” Ito na naman ang pagiging bitter ko. Puro chocolate frappe naman ang ininom ko pero parang ampalaya smoothie ang lumalabas sa bibig ko.

“Mahabang istorya, Zi. Kailangan talaga naming umalis.”

Tss. Ano ba talagang meron sa araw na ‘to? Bigla ko tuloy naalala na aalis rin pala sila Zaya. Hindi ko na siya makikita. Mabuti pa si Hilda. Araw-araw niyang makikita si Zaya hanggang sa umalis na sila papunta sa ibang bansa.

“Sorry na. Hindi ko rin naman gustong umalis pero kailangan.” Umangkla ang braso ni Alexis sa akin. Sanay na ako na lagi siyang ganoon kaya hinayaan ko na lang. Na-miss ko rin naman ang best friend ko. “Did you miss me?”

“Oo naman. I just got mad at you a little when you leave without even saying goodbye. Pumunta pa ako sa bahay niyo noon para itanong kung nasaan ka. Sabi ng kasambahay niyo ay nasa airport daw kayo at aalis na.”

“I missed you too, Zi. Sorry kung bigla na lang akong umalis.”

“Ayos lang. bumalik ka naman na.”

Alexis is my very first best friend. Hindi ko pa yata nagiging ka-close noon sila Jun at Gino ay nand’yan na siya. She’s a typical nerd back then. Laman lagi ng tukso at bullying. Naaawa ako sa kaniya noon dahil wala yatang araw na hindi siya umiiyak. Nilapitan ko siya at tinulungan. Lagi na akong sumasama sa kaniya kaya ang mga laging nambu-bully sa kaniya ay hindi na lumalapit pa ulit. After that, we became really close. Natandaan ko pang mas pinipili ko siyang samahan kaysa kila Gino noon. She means a lot to me.

“Hindi ka namin nakilala, Alexis. You’ve changed a lot.” Ani Gino na hindi rin agad nakilala si Alexis.

“Bakit naman? Ako pa rin naman ‘to.”

“Hindi kaya. Dati ang pangit pa ng suot mo tapos parang walang suklay sa bahay. Akala mo pinabayaan ng gobyerno, eh mayaman naman pala.” Mahina akong tumawa dahil sa sinabi ni Gino. Habang si Alexis naman ay napanguso.

Totoo naman ang sinab ni Gino. Kaya rin siya laging nabu-bully dahil parang noong kapanahunan pa ang sinusuot niya. She acts like a nobody but she actually have the gold spoon in her mouth. Isa rin ‘yon sa nagustuhan ko sa kaniya. Inaasar siyang mahirap noon pero kailanman ay hindi niya sinabi na mayaman siya. Anak pala ng isang politician.

“Kaya nga eh. Minsan, inasar ko pa si Alexis. Sorry doon.” Si Runa na nag-peace sign pa.

“Ayos lang, Runa. Kaya nga nag-ayos na ako para maging maganda.”

“You’re already beautiful back then. Bakit nagpapaganda ka pa?” Sabi ko na ikinapula ng pisngi niya. Hanggang ngayon pa rin pala ay may ganoon akong epekto sa kaniya.

“Hindi naman ako maganda.” I pinched Alexis nose. Naiisip niya siguro na hindi siya maganda kasi lagi siyang inaasar noon.

“You’re pretty.”

“Oy, kanina lang parang gusto mong magbigti ah. Buti dumating si Alexis.” Si Jun na mukhang nang-aasar na naman.

“Yeah, I agree. My brother is so bitter.” Gatong naman ni Ares na mukhang inis pa rin sa akin dahil sa sinabi ko sa kanila ni Runa na maghihiwalay rin sila. Hindi ko naman sinasadya. Wala kasi ‘yong forever ko kaya siguro ganoon ako kaninang umaga.

That Nerd Is A BratTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon