Chapter 4:
Careful with that Jerk
Zaya's POV
What an annoying jerk! He's blind indeed! Kapal ng mukha niyang sabihan ako ng ugly eh tignan niya muna yung mukha niya. Parang... No way! Mas gwapo pa si Paris.
So ibig bang sabihin ay gwapo rin siya... pero mas gwapo lang si Paris para sakin. Ganon ba yon? No freaking way.
It's Monday today. Means unang araw ko sa bago kong school. Sana pala ay nag-isip muna ako ng paraan kung paano kontrolin ang sarili ko. Ayokong mapalayo kay Paris. Siya ang nag-iisang kakampi ko.
Nakabihis na ako ngayon. The uniform is not that bad. White long sleeved blouse with maroon ribbon, maroon blazer, skirt and another maroon long sleeved top. I was about to put my make up on when something popped up to my mind.
Marami akong nakakaaway kapag umiiral ang pagiging spoiled brat at devilish side ko. Lahat ng bagay ay ayaw ko. A simple gaze to me makes my blood boil. So... Let me think of a new character.
Something different from what I used to be.
"Hilda!" Sigaw ko para papuntahin siya sa kwarto ko. Hindi naman nagtagal at dumating din siya. Nakasuot na rin siya ng uniform. Kaya tinignan ko siya mula ulo hanggang paa.
Ayos naman sa kaniya ang uniform. Makinis naman pala ang balat niya pero puro jeans ang sinusuot niya. She look like a nerd with her glasses on. Wait a minute...
Nerd...
Yeah, a nerd!
Nasa pinakahuli ng listahan ko ang kawawain ang mga nerds. They are nothing to me. Dinadaan-daanan ko lang sila kahit sa mga dati kong school. They don't interact with others. So less interact, less chance na mapaaway ako.
"Thank you, Hilda." Nasabi ko sa kaniya. Nagtaka naman siya pero hindi ko na ito pinansin. "So tell me, are you intimidated by me?"
"O-Opo."
"Tell me the reason."
"Kasi po... Nakakatakot po yung tingin niyo. Tapos mukhang mataray po kapag tinataasan niyo ko ng kilay." Napatango-tango ako. So I need to change that, huh?
"Zaya!" Dinig kong sigaw ni Daddy mula sa baba.
"Wait!" Male-late ako kung magme-make up pa ako. Kaya dinala ko na lang ang kit at gamit ko. Napatingin ulit ako kay Hilda. Nakasuot siya ng salamin. Oo, tama. Nerds wear glasses. I don't really know if they really had a bad eyesight o trip lang nilang magsuot ng salamin. Narinig ko ulit ang boses ni Daddy. Kaya nagmadali kong binuksan ang drawer ko at kumuha doon ng eyeglasses. Wala naman 'tong grado hindi katulad ng kay Hilda. It's just for fashion. Regalo pa sakin 'to ni Paris. Pagkatapos kunin lahat ng gamit ko ay hinila ko na si Hilda palabas ng kwarto ko.
Habang nagmamaneho si Daddy ay nagsalita ito na siyang bumasag sa aming katahimikan. "No make up on, huh? And wearing glasses?"
"Do I look okay?"
"You're still pretty without make up." Sabi ni Daddy. Syempre may pinagmanahan eh.
"I know right."
BINABASA MO ANG
That Nerd Is A Brat
Teen FictionSi Zaya Denise Olegarco ay isang spoiled brat at may napakasamang ugali. Napakaikli ng kanyang pasensya kaya kahit sa maliit na bagay ay nakikitaan niya ng problema kaya ang ending ay nakakagawa siya ng kung ano-ano. Suki na rin siya sa disciplinary...
