Chapter 88:
The Brat Is Back
Zaya’s POV
Natapos na ang semestral at undas break kaya balik pasukan na naman. Ilang beses pa akong nag-isip kung papasok na ba ako o hindi pa. Natatakot ako at kinakabahan. Paano kung mangyari na naman lahat? Paano kung makasakit na naman ako ng iba?
“It’s okay, princess. Sasapakin ko lahat ng aaway sayo.” Carter smiled at me while he’s driving. Ako naman ay tipid na ngumiti at kabado pa rin.
“But what if-”
“Stop with your what ifs. Pinapahirapan mo lang ang sarili mo. Napag-usapan na natin ‘to, di ba?” Bahagya akong tumango. Oo, sinabi ko nga na magmo-move on na ako pero ang hirap naman kasi no’n! Hindi ko maiwasang hindi magtanong sa sarili ko. Maraming gumugulo sa isip ko kaya mas nahihirapan ako. “We’re here.” Anunsiyo niya. Mas lalo lang lumakas ang kabog ng dibdib ko. Nauna siyang bumaba at sumunod naman si Hilda. Umikot siya papunta sa shotgun seat at binuksan ang pinto no’n.
“Ayaw ko pang pumasok.” Hindi ko pa kayang harapin ang sasabihin nila. Parang wala rin akong mukhang ihaharap kay Runa.
“Don’t make me drag you out of there myself, Zaya. I thought you are not scared of anything? Duwag ka pala eh.” I know he’s provoking me. Nagsisimula na naman ang pang-iinis niya. Sinusubukan niya na naman ang pasensiya ko. “Duwag.”
“No, I’m not.” Mariin kong sabi sa kaniya.
“Really? Then prove it!” Huminga muna ako ng malalim ng ilang beses at sinubukang pakalmahin ang nagwawala kong puso dahil sa kaba. Unti-unti ay inalis ko ang pagkakakabit ng seatbelt ko at lumabas na ng kotse. “Very good.” Aniya pa at bahagyang ginulo ang buhok ko.
Sa bawat hakbang ko ay kitang-kita ko kung paano nila ako tignan. Kahit hindi sila nagsasalita, nakikita ko sa mga tingin nila ang panghuhusga. Hindi naman ako nagmamalinis. Guilty rin ako sa nangyari kay Runa.
Habang naglalakad papunta sa classroom namin ay huminto si Carter kung saan maraming estudyante ang nasa labas ng kani-kanilang room at halatang ako ang pinag-uusapan.
“Kapag may gumalaw sa babae ko, lagot kayo sa ‘king lahat!” Malakas ang boses ni Carter habang pinagbabantaan ang mga estudyanteng nakatingin sa akin. They look intimidated by Carter. Mahina ko siyang siniko nang mapansin ko ang sinabi niya.
“Babae ko? Ang cheap naman pakinggan.” Reklamo ko pa. Para namang napulot lang ako ni Carter kung saan kung makagamit siya ng salitang ‘babae ko’. Baka isipin pa nila na kalandian ko si Carter. Ang kikitid pa naman ng mga utak ng mga tao dito.
“Inuulit ko, kung may magtangkang manakit sa ‘mahal’ ko, hinding-hindi na kayo sisinagan ulit ng araw.” Mas naging nakakatakot ang boses niya ngayon. Ang ilang estudyante ay nagmadali at nagpapaunahan pa para makapasok lang sa room nila. Nilingon ako ni Carter pagkatapos niya akong akbayan. “Ayos na ba ‘yon, ‘mahal’ kong prinsesa?” Mahina akong napatawa dahil sa kaniya. Minsan ay baliw rin talaga siya. Sigurado akong mas pag-uusapan ako dahil sa sinabi at ginawa niya.
“Did you just laugh?” Tanong nito. Hindi naman naalis ang ngiti ko. “Oh! You’re really smiling.”
“Am I now forbidden to smile? You talk like, me smiling is a very impossible thing to see.”
“Nakakapanibago lang. Mabuti ‘yan. Keep smiling like we are really in a relationship. Tignan mo ‘yong babae, oh. Para akong gagahasain.” Agad ko siyang siniko sa tagiliran dahil tinuro niya pa talaga ang isang babae na wagas kung makatingin sa kaniya. Tinignan ko rin ito at inirapan.
BINABASA MO ANG
That Nerd Is A Brat
Подростковая литератураSi Zaya Denise Olegarco ay isang spoiled brat at may napakasamang ugali. Napakaikli ng kanyang pasensya kaya kahit sa maliit na bagay ay nakikitaan niya ng problema kaya ang ending ay nakakagawa siya ng kung ano-ano. Suki na rin siya sa disciplinary...
