CHAPTER 91

651 53 12
                                    

Chapter 91:
Best Friend

Zaya’s POV

Forgiveness… Hindi ko alam kung kaya kong ibigay ‘yon kahit kanino. God can forgive but not me. I’m evil. Wala na nga yata akong puso. Sobrang manhid na kasi no’n sa lahat ng sakit.

He explained again. Hindi ko alam kung dapat ba akong maniwala. Sinasabi ng isip ko na huwag daw maniwala pero mas malaki ang parte sa loob ko na gustong paniwalaan ang sinabi ni Gray. Ito rin ang unang beses na nakita ko siyang umiyak.

Sana hindi ko na lang talaga siya nakilala. All he did is to give me pain. But what he’s feeling is different from mine. He’s happy to met me. Wala naman akong natatandaang ginawang mabuti sa kaniya. Lagi ko lang siyang sinusungitan pero masaya pa rin siya na makilala niya ako. Hindi ko alam kung bakit may kung ano rin sa puso ko natuwa dahil sa sinabi niya.

Lumipas ang tatlong araw at hindi nga ako nilapitan ni Runa pero nakikita ko pa rin sa kaniya na gusto niya akong kausapin. Tatlong araw na rin ang nakalipas mula noong mag-usap kami ni Gray. Minsan ay kinakausap niya ako. Tumatango lang naman ako. Hindi ko parin kayang ibalik kung ano man iyong relasyon namin at kung paano kami mag-usap noon.

Breaktime na kaya pumunta kami sa cafeteria ni Hilda. Siya na ang nag-order para sa akin habang ako ay naghihintay lang. Ilang saglit lang rin ay bumalik rin siya.

“Ito na oh.” Ani Hilda sabay lapag ng pagkain ko sa table namin na hindi kalayuan sa dating pinupwestuhan nila Gray… dating pinupwestuhan namin.

“You can go there.” Sabi ko pagkatapos humigop sa aking frappe.

“Huh?”

“Pumunta ka na doon sa kanila kung gusto mo. Hindi mo naman kailangang sumama sa akin lagi.” Ayos lang naman sa akin ang mag-isa dahil nasanay na rin ako noon. Ako lang ang mag-isa lagi at walang kaibigan. Ngayon ko lang napagtanto na malungkot rin pala ang mag-isa.

“Hindi pwede. Sinabihan kasi ako ni Sir Carter na huwag kang hayaan na mag-isa.” Napairap na lang ako at mabilis na tinignan ang table nila Gray. Kumpleto sila doon. At siyempre, kasama na ang bagong dating na si Alexis. Nitong mga nakalipas na araw ay napansin ko kung gaano talaga sila kalapit sa isa’t isa. Mag best friends nga talaga.

“Kailan pa dumating si Alexis?” Natanong ko, nakatingin lang sa pagkain ko at hindi ginagalaw ‘yon.

“Hindi ako sigurado eh. Pero dumating siya ilang araw bago ang semestral break.”

Matagal-tagal na rin pala kung ganoon. Lagi silang magkasama ni Gray. Ako dati ang katabi niya pero si Alexis na ngayon. Nakaramdam ako ng pait dahil sa naisip. Mali lang siguro ang narinig ko mula kay Gray. Hindi niya naman siguro sinabi na… na mahal niya ako.

Habang kumakain kami ni Hilda ay biglang lumapit si Gino. May inilipag itong isang box ng mamahaling chocolate sa tapat ko kaya nag-angat ako sa kaniya ng tingin.

“Pinapabigay ‘yan ni Boss Gray.” Ani Gino at tipid pa akong nginitian.

“Thanks…” Sa mahinang boses kong usal at saka ibinalik ang tingin ko sa frappe ko.

“Huh? Ano ulit ang sinabi mo?”

“Don’t make me say it twice. Naiirita ako.”

“Did you just say thanks? Totoo ba ‘yon?” Masama kong tinignan si Gino na parang hindi talaga makapaniwala na nag-thank you ako. Bakit gano’n ang reaksiyon niya? Hindi naman ito ang unang beses na nagpasalamat ako. Siguro ay unang beses niyang marinig. Pero kasi… kung titignan mo ang mukha niya, parang hindi talaga makapiniwala. Inirapan ko siya.

That Nerd Is A BratTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon