Chapter 95:
Convict
Zaya’s POV
Bago ako lumabas ng bahay ay hinanap ko pa ang bag ko. Nawala sa isip ko na nasa kay Gray pala iyon. Dumiretso agad ako sa room at tinignan agad ang upuan niya pero wala siya doon. Agad akong nagtaka dahil nandito na ang kapatid niyang si Ares at ang mga kaibigan niyang sila Jun at Gino pero wala pa rin siya. Nilapitan ko ang upuan ni Gino at nagtanong.
“Nasaan si Gray?”
“Uy, hinahanap niya si Gray.” Mapang-asar na tugon ni Gino kaya napairap ako. “Wala pa nga siya eh. Pero baka parating na rin ‘yon. Na-miss mo na ba agad ‘yong kaibigan ko?”
“Shut up, Gino.” Wala akong mapapala dito kay Gino kaya bumalik na lang ulit ako sa upuan ko. Napansin kong wala rin si Alexis. Baka sinundo pa ni Gray? Hindi ko alam pero hindi ko gusto ang naiisip kong iyon.
Nagsimula ang klase hanggang sa mag break pero ni walang anino ni Gray at Alexis. Sa mga oras rin na ‘yon ay wala akong ginawa kun’di makinig dahil hindi naman ako makakapag-notes kasi hindi naman pumasok si Gray.
“Nasaan na kaya ‘yon?” Tanong ni Jun.
“Tinawagan niyo na ba?” Tanong ko naman sa kanila. Tinext ko na rin kanina si Gray at ilang beses ko na ring tinanong doon kung nasaan siya pero walang napala ang paghihintay ko sa reply niya.
“Nakapatay kanina pa ‘yong phone niya. I’ll try calling him again.” Ani Ares at tumayo muna para subukang tawagan si Gray.
“Wala rin si Alexis, ah? Magkasama sila kahapon, di ba?”
“Baka nagtanan na.” Tugon ni Jun sa tanong ni Runa kaya agad ko siyang tinapunan ng masamang tingin. “Joke lang.”
Lahat kami ay nag-aalala hindi lang kay Gray pati na rin sa best friend niyang si Alexis. Mas lalo akong nag-alala dahil hindi raw umuwi siya umuwi kagabi ayon kay Ares.
“What about Alexis? Did you try calling her?”
“Yes, I did already but her phone just keeps on ringing.”
There’s something inside of me that is very worried about Gray. I don’t know the exact reason but I’m worried. I feel like something bad happen to him or to them.
I took my phone out and started to compose a message.
To: Gray Zander the Jerk
Where are you? Is everything alright?
Lahat kami ay may mga hawak ng cellphone. Kaniya-kaniyang tawag at text pero wala talaga. Ano ba kasing nangyari?
“Oh no!” Napatingin kami kay Runa nang halos mapasigaw siya. “Guys, you need to see this.” We gather around and looked at her phone. Mayroon doong isang video. Nakikita ko sa background ang mga damit na pambabae. Nasa isang boutique iyon.
Sa mga unang part ng video ay nagsasalita at ipinapakita ang parang isang vlog ng fangirl ni Gray.
“Oh my gosh! I never imagined that I could be this close to Gray Castriel. He looks handsome even in this view.” Anang babae na base sa soot na uniform ay ka-schoolmate namin. Pinapakita niya ang mukha niya kapag nagsasalita siya at saka ililipat sa direksiyon ni Gray. Pero ang nakaagaw ng atensiyon ko ay ang lalaking nakaharap kay Gray.
“Isn’t that your boyfriend, Zaya?” Tanong ni Ares at itinuro pa ang lalaki sa screen na walang iba kun’di si Paris.
“Ex.” I corrected him. “What is this?”
BINABASA MO ANG
That Nerd Is A Brat
Teen FictionSi Zaya Denise Olegarco ay isang spoiled brat at may napakasamang ugali. Napakaikli ng kanyang pasensya kaya kahit sa maliit na bagay ay nakikitaan niya ng problema kaya ang ending ay nakakagawa siya ng kung ano-ano. Suki na rin siya sa disciplinary...
