Chapter 46:
Unknown
Zaya’s POV
I’m sinful! How can I think of Gray when I’m with Paris? I feel so sorry and guilty because of it. Bwiset naman kasi si Gray eh. Hangang ngayon ay hindi ko pa rin nakakalimutan ang ginawa niyang paghalik niya sa akin noong isang gabi sa birthday ni Gino.
“Zaya, you okay?” Nagbalik ang tingin k okay Paris nang marinig ko ito.
“Uh, yeah. Sorry.”
“It’s okay. You look tired. Gusto mo na bang umuwi? Ihahatid na kita.” Mas lalo akong na-guilty. Pakiramdam ko ay wala akong kwentang girlfriend para sa kaniya.
“Ayos lang ako. Tara na.” Sabay angkla ko sa braso niya at nagsimulang maglakad-lakad.
The place is cool and the scenery is nice. May ilang pamilya pero karamihan ay katulad naming ni Paris.
“Stay away from that Betty. Can you do that?” Anito habang naglalakad kami.
“Oo naman. Susunod na talaga ako sa mga sinasabi mo. Totoo yung mga paalala at mga sinasabi mo sakin.”
Lagi niya akong pinapaalalahanan na huwag nang makipag-away. Bukod sa sakit ko, sa tingin ko ay palaaway rin talaga ako. Madaling maubos ang pasensiya ko, lalo na at kapag umatake ang sakit ko. At naiintindahan ni Paris ang lahat ng iyon.
“Trust me, Zaya.” Nilingon ko siya dahil sobrang seryoso ng pagkakasabi niya. Nakangiti naman akong tumango sa kanya.
Nagpalipas pa kami roon ng ilang oras at saka niya ako hinatid sa bahay. Kanina lang ay masaya ako pero nang maabutan ko ang tao sa living room ay agad akong napangiwi.
Bumalik na pala siya mula sa impyerno.
“Kayo pa rin pala ng batang ‘yon.” Sabi ni Lea pagkaupo ko sa isang sofa. Ayaw ko sanang umupo kaso ay sumakit ang paa ko kaya magpapahinga muna ako saglit bago dumiretso sa kwarto ko.
“So what?”
“Wala naman. Ayaw ko lang na nagtatago ka sa dady mo.” I laughed mockingly because of what she said.
“Wow, Lea! Just wow. Kung tutuusin, ikaw ang may pinaka maraming sikreto ditto. I don’t even know you. Ni hindi ko nga alam kung saang putikan ka hinila ng daddy ko.” Mataray kong sabi. Iyon lang namang relasyon naming ni Paris ang hindi ko sinasabi kay dad dahil ayaw niya. Pero itong si Lea, she’s a mystery to solve.
“Oo, tanggap ‘kong hindi ko lebel ang buhay niyo pero kahit na gano’n ay naging kaibigan ko naman ang mommy mo.” Napatingin ako sa kaniya. Naging kaibigan pala ni mommy ‘tong si Lea? Mabait si Mommy kaya marami rin talaga ang kaibigan niya pero si Lea? Hindi ako makapaniwala.
“And yeah. Nawala lang si Mommy ay umepal ka na.” Bahagya siyang natigilan sa sinabi ko. Totoo naman kasi eh. “Alam mo namang mag-asawa si daddy at mommy. Pero bakit ginusto mo pa rin si dad? Ang asawa ng kaibigan mo?”
Hindi ko rin maintindihan si Dad. Alam kong mahal ng parents ko ang isa’t isa pero hindi ko inakala na magagawang palitan ni daddy si mommy.
“Ako ang nauna, Zaya. Si Sunny ang umepal.” Napatayo ako dahil sa inis.
“How dare you speak like that to my mom?! Are you saying that she’s the snake here? How dare you!”
“Totoo ang sinasabi ko! Magkaibigan na kami noon pa ni Dan. Inakit lang siya ni Sunny.”
“Or more like naakit siya kay mom.” Pagtatama ko sa kaniya. “Do you even think na may gusto sayo si Dad? Hindi mo ba naisip na baka ginamit ka lang ni dad dahil alam niyang kaibigan mo si mommy? So that he can get close to her?” Katwiran ko. Ngayon ay tuluyan na siyang natigilan.
“H-Hindi totoo ‘yan…” I smiled evilly.
“Go on and convince yourself. Bakit hindi mo agad ‘yon naisip? Tsk.” Huling sabi ko at inawan siya doon.
Alam ko namang masakit akong magsalita. Pero minsan, kailangan mo rin ang mga masasakit na salitang ‘yon para masampal ka at magising ka sa katotohanan.
Dumating ang dinner at umuwi na rin si daddy. Nakaupo na ako sa hapag at naghihintay na lang ng pagkain. Gano’n rin naman sila ni Lea na ngayon ay tahimik pa rin. Nag-aalalang tumingin naman sa kaniya si dad.
“Lea, are you okay? Bakit ang tahimik mo? Kanina ka pa walang kibo.” Anito at nag-angat naman ng tingin si Lea at binigyan ng hilaw na ngiti ang ama ko.
“Ayos lang ako. Kumain na lang tayo.”
Hindi ko alam kung bakit may kaunting kirot akong naramdaman nang makita ko ang mukha ni daddy habang nakatingin kay Lea. Kitang-kita sa kaniya na nag-aalala siya para ditto.
Am I wrong? Am I too harsh?
But why would I think of it? I’m born to be bad. Hindi dapat ako guilty. Pero kasi, nakikita ko ang lungkot kay dad. Alam kong stress na siya sa kompanya at dahil na rin sa naospital ako ng matagal, at ngayon ay malulungkot pa rin siya.
Nasa kwarto ako at naghahanda na para sa pagtulog. Aabutin ko pa lang sana ang cellphone ko dahil sa narinig kong beeping sound nang natigilan ako dahil sa pagpasok ni Lea sa kwarto ko. Nakaagaw pa ng pansin ko ang dala niyang baso na may lamang gatas.
“Sinong nagsabi sayo na pwede kang pumasok sa kwarto ko?” Inunahan ko siyang magsalita pero hindi naman ito sumagot at lumapit lang sa akin.
“May inaasikaso pa si Manang kaya ako muna ang nagdala nito.” Napairap ako pero tinanggap rin naman ang gatas. Habang umiinom ay may biglang sumagi sa isip ko.
“Bakit bait-baitan ka ngayon? Don’t tell me… buntis ka?” Naitanong ko. Hindi ba’t ganon naman kapag buntis? May mga mood swings. O di naman kaya ay bipolar ito. Nakita ang tipid niyang ngiti.
“Hindi.”
“Mabuti naman. Ayaw ko ng kapatid lalo na kung ikaw ang ina no’n.”
“Hindi ako magkakaanak. Nagkaroon ako ng problema sa matres.” Napaawang ang labi ko sa narinig. “Sige na. Matulog ka na.” Aniya kinuha ang baso at saka lumabas.
Hindi ko alam kung dapat ba akong matuwa. Baka kasi nagpapaawa lang si Lea. Hindi pa rin naman nagbabago ang isip ko na paalisin siya dito sa bahay.
At kung kaibigan nga siya ni Mommy, naniniwala kaya siya na aksidente ang nangyari? Pero may gusto siya kay Dad. Malaki ang posibilidad na magawa niya ‘yon kahit na kaibigan niya pa si mommy. Base sa pag-uusap naming kanina, sinabi niya na inagaw ni mommy si dad kay Lea. Hindi kaya… No…
Noong pumunta ako sa office ng detective, may pinakita siya sakin na footage. May tao doon sa gilid. Is it Lea from the footage? But the gender is still unknown. Hindi pa sila sigurado.
BINABASA MO ANG
That Nerd Is A Brat
Teen FictionSi Zaya Denise Olegarco ay isang spoiled brat at may napakasamang ugali. Napakaikli ng kanyang pasensya kaya kahit sa maliit na bagay ay nakikitaan niya ng problema kaya ang ending ay nakakagawa siya ng kung ano-ano. Suki na rin siya sa disciplinary...
