Chapter 36:
FocusHilda's POV
Hindi muna makakapasok si Zaya dahil sa kondisyon niya. Kasama kong magbantay si Manang sa kaniya.
Hanggang ngayon ay naiisip ko pa rin kung bakit gano'n si Gino sakin. Nitong nakaraan lang naman talaga kami naging close pero matagal na akong humahanga sa kanya. Lalo na at madalas siyang mangulit sa akin at kapag pakokopyahin ko daw siya.
"Hilda, bakit ngumingiti ka d'yan?" Tanong ni Manang na nagpabalik sa akin sa realidad.
"Hindi naman po."
"Naku, alam ko 'yang nga ngiti na 'yan. May nagugustuhan ka na ba?" Aniya na may halong pang-aasar.
"Wala po. Hindi naman po importante." Sabi ko sabay napayuko.
"Anong hindi importante? Kanina ay nakangiti ka lang tapos ngayon ay malungkot ka na. Importante iyang kung ano man ang nararamdaman mo dahil naaapektuhan ka." Ngumiti lang ako sa kaniya. "Wag mong pigilan 'yan. Mahirap kapag tinatago mo ang damdamin mo para sa isang tao."
Kinabukasan ay kasama ko si Sir Carter papasok sa school. Bawat may madadaanan kamkng kababaihan ay napapatingin sila sa kapatid ni Zaya. Hindi naman kasi maipagkakaila ang hitsura nito. Mukhang masungit ngunit bumabagay naman sa kaniya.
Kasama siya dahil kailangan ng parent o guardian dahil sa nangyari kahapon. Napansin ko ang patuloy na pagsunod niya sa akin.
"Sir, doon po ang office—" Pinutol niya ang dapat na sasabihin ko.
"Do you know Gray Zander Castriel?"
"Opo. Kaklase po namin siya." Bahagya akong nagtaka nang mapansin ko ang pagdilim ng mukha nito. Tumingin siya sa relos niya at ibinalik ang tingin sa akin.
"That's nice. Dalhin mo 'ko sa kaniya. Maaga pa naman."
Tumango lang ako at nagsimula na kaming maglakad. Hindi rin naman nagtagal ay nakarating din naman kami. Maaga pa nga at wala pa ang teacher namin kaya nakapasok si Sir Carter.
"Carter, bakit nandito ka? Bakit magkasama kayo ni Hilda?" Tanong ni Gino kaya napatingin ako sa kaniya. "Pinopormahan mo siya?" Hindi naman sumagot si Sir Carter. Ako naman ay nagtataka sa pinagsasabi niya lalo na nang tumayo siya mula sa upuan niya at bigla akong hinila saka itinago sa likod niya.
BINABASA MO ANG
That Nerd Is A Brat
Fiksi RemajaSi Zaya Denise Olegarco ay isang spoiled brat at may napakasamang ugali. Napakaikli ng kanyang pasensya kaya kahit sa maliit na bagay ay nakikitaan niya ng problema kaya ang ending ay nakakagawa siya ng kung ano-ano. Suki na rin siya sa disciplinary...