CHAPTER 22

1.4K 81 18
                                    

Chapter 22:
Undefeated Gangster


Zaya's POV

"Bring it on." Sabi ko at kinuyom ang kamay ko.

Nagsimula na nga ang rambulan namin. Sampu kila Mitch. Tatlo naman sakin.

Inuna ko si Mitch. Gamit ang paa ko ay sinipa ko siya sa tagiliran pero nakaiwas siya. Siya naman ang umatake at susuntukin sana ako pero mabilis kong itinagilid ang ulo ko. Hindi ako natamaan pero nalaglag naman ang suot kong salamin.

Hinablot ko ang buhok niya at sinuntok siya sa mukha. Hindi niya nagawang umilag dahil hawak ko ang buhok niya. Napadaing siya sa sakit ako naman ay napangisi. Pero nawala din agad 'yon nang marinig ko ang boses ni Runa.

"Get off me!" Nakasabunot sa buhok ni Runa ang kamay ni Ashley. At ito namang si Runa, wala man lang ginagawa para lumaban. Bakit kasi ang lakas pa ng loob niyang makisali, eh weak naman pala siya?

Nag-take advantage naman si Mitch nang napatingin ako kay Runa kaya nagawa niya 'kong sapakin. Naramdaman ko ang pagputok ng gilid ng ibabang labi ko. Nasuntok niya ulit ako sa pisngi. Aba, medyo masakit yon ah. Pero hindi ko ito ininda at ibinalik ang atensyon ko kay Mitch. Sinipa ko ang tuhod niya dahilan para mawalan siya ng balanse at mapaluhod sa semento.

Ginamit ko itong pagkakataon para umatake ulit. Kinuha ko ang kamay niya at buong lakas siyang itinayo. Narinig ko naman ang pagtunog ng buto niya. Hindi ko ito binitawan at mabilis na ipinaikot hanggang sa mapunta ito sa likod niya. I heard her again groaned in pain.

"I told you, hindi ka nga kasi mananalo sakin..." I even whispered to her ear to mock her.

But for the second time, my focus and attention diverted. Naririnig ko pa rin ang boses ni Runa pero mas malakas ang kay Hilda. Tumingin ako sa direksiyon niya at pinagtutulungan siya ng tatlo.

"Parang awa niyo na... Itigil niyo na 'to." She begged while crying. Tsk. Bakit ba ganito ang mga kasama ko?

Binitawan ko ang kamay ni Mitch at nagmadaling tumakbo papunta kay Hilda. Pagdating ay bumwelo ako, umikot at inilagay ang buong lakas sa paa ko para sipain ang mukha ng isang nakahawak kay Hilda.

"Ahh!" She almost cried in pain. I'm sure that it will left a bruise in her freaking ugly face.

Sinunod ko naman ang dalawa pa at pinuruhan din sila. Then I go to Runa. Kalaban niya pa rin si Ashley na parang tangang nakangiti habang kinakawawa si Runa. I have strong legs than arms so I use it kick Ashley in the ass, making her face against the floor.

Nasa gilid si Hilda at nakasandal sa pader habang hawak ang siko niya. Nakaupo naman si Runa sa sahig kaya nilapitan ko siya agad para tulungan siya.

"Zaya!" Dinig kong sigaw ni Hilda. Lilingunin ko sana ito pero malakas din akong napasigaw sa sobrang sakit.

"FVCK!" My tears fell automatically from my eyes. Hindi ako makagalaw dahil sa sakit na nararamdaman ko sa likod ko. Mula sa balat, laman hanggang sa buto, wala akong ibang maramdaman kun'di sakit na pinapanalangin kong sana ay mawala at mamanhid na.

Pinilit kong lumingon sa likod kahit na sobrang sakit ng kanang balikat at taas na bahagi ng kanang likod ko. There I saw Mitch while holding a big, thick and dirty wood block. She looked startled by what she did to me. No wonder na sinadya niya talagang hampasin ako ng kahoy na 'yon ng malakas.

That Nerd Is A BratTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon