Chapter 97:
Lawsuit
Zaya’s POV
May pagtataka sa mukha ni Gray. Parang hindi siya makapaniwala sa sinabi ko na pinapatawad ko na siya.
“Wait. Did I hear that right? You’re forgiving me?” Bahagyang nanlaki ang mga mata niya at kunot ang noo, halatang hindi makapaniwala sa sinabi ko.
“Yes, I’m forgiving you.” I made it clearer this time to him.
“But… I’m not forcing you to forgive me this soon. I mean, I want you to forgive me because your heart says so. Hindi kita pinipilit at hindi ako nagpapaawa.” Tinignan ko siya at tipid na nginitian.
“Bakit ganiyan ang tingin mo sa akin? Kahit naman ganito kasama ang ugali ko… kaya ko pa rin namang magpatawad. I just realized that what my brother said is true. Na pinapahirapan ko lang ang sarili ko. I can’t move forward because I hold grudges and hatred towards other people.”
Ngayon na nasabi ko nang pinapatawad ko na siya, pakiramdam ko ay may natanggal na sobrang laking tinik sa puso ko. Mas nakahinga na ako ng maluwag ngayon. Kahit ano naman kasi ang gawin ko ay hinding-hindi na maibabalik ang nakaraan. Na sana hindi niya ‘yon ginawa… Na sana hindi niya ako sinaktan. Ang lahat ay natapos na at kabilang na iyon sa mga memorya ng nakaraan.
“I’m forgiving you because my heart wants to, Gray.” I saw a tear in the sides of his eyes.
“C-Can I hug you?” Aniya sa mahinang boses. Tumango naman ako kaya lumapit siya sa akin at hinagkan ako. Niyakap ko naman siya pabalik. “Thank you, Zaya. Akala ko talaga hindi mo ‘ko mapapatawad dahil sobra-sobra ang ginawa ko sayo. But I swear to God and to the angels in heaven, that I regret everything that I did. I’m really sorry, Zaya.”
“Apology accepted.” Napangiti ako habang magkayakap kaming dalawa ni Gray. Hindi ko alam na ganito pala kaginhawa ang pakiramdam kapag nagpatawad ka. Sobrang sarap sa pakiramdam na inalis mo na ang galit sa puso mo.
Nagtagal pa kami ni Gray sa ganoong posisyon ngunit naputol rin agad nang biglang kumalabog ang pinto. Napabitaw ako kay Gray at napatayo. Lumingon ako sa pinto at nakita roon ang dire-diretsong pagpasok ng isang lalaki.
“Papa!” Dinig ko ang malakas na boses ni Ares mula sa labas at tila natataranta ito. Pero hindi ako doon lumingon. Malalaki ang hakbang ng lalaki na kakarating palang at papunta iyon sa direksiyon ni Gray.
“Gray!” Napatili ako dahil sa sobrang bigla. Sobrang bilis ng pangyayari. Nakita ko na lang si Gray na nakahandusay sa sahig. “Oh my gosh…” Napanganga ako dahil sa naiisip ko.
Did that man just punched Gray?!
“What on earth is this, Gray?! Hindi ka talaga nag-iisip!” Nakikita ko ang ugat sa leeg ng lalaki dahil sa pagsigaw nito. Nakaupo na ngayon si Gray at pinupunasan ang gilid ng labi nito na pumutok na naman dahil sa ginawang pagsuntok ng lalaki. Ares called him Papa so I assume that it’s their father.
“Papa, tama na ‘yan.” Mas mukhang kalmado ngayon ang mukha ni Ares kanina. Nilapitan niya ang papa nila at sinusubukang ilayo kay Gray. Si Gray naman ay tinulungan ang sarili niyang makatayo. Muntik pa siyang matumba ulit. Mabuti na lang at nakahawak siya agad sa upuan para suportahan ang sarili niya.
“Nasaan ang utak mo, Gray? Bakit hindi ka nag-iisip? Pinapahiya mo ang pamilya natin!” Halos mapapikit ako dahil sa lakas ng boses na nangingibabaw dito sa buong kwarto. Namamawis na ang noo at nag-iigting ang panga ng ama nila. Namumula na rin ang mukha nito dahil sa galit.
BINABASA MO ANG
That Nerd Is A Brat
Teen FictionSi Zaya Denise Olegarco ay isang spoiled brat at may napakasamang ugali. Napakaikli ng kanyang pasensya kaya kahit sa maliit na bagay ay nakikitaan niya ng problema kaya ang ending ay nakakagawa siya ng kung ano-ano. Suki na rin siya sa disciplinary...
