Chapter 56:
Weird
Hilda’s POV
Natapos na ang palabas na pinanood namin kaya nagpasiya kami na gumala muna sa mall. Kanina pa ako lumalayo sa grupo dahil buo na ang desisyon ko na umiwas kay Gino. Wala naman kasi akong mapapala sa kaniya.
“Hilda, wait up!” Nauna na ako kay Gino dahil kahit na nasa loob kami ay panay ang salita nito. Naka-focus naman ako sa panonood kaya pinipilit ko ang sarli ko na hindi siya pansinin na nagawa ko naman. Pero heto na naman siya sa tabi ko. “Bakit ka ba nang-iiwan?”
“Kung iniwan kita, sana wala na ako dito.” May halong sarkasmo sa boses ko.
“Nagbabago na si Hilda ah. Tama ‘yan. Matuto kang magsungit. Pero wag sakin.” Aniya at bigla akong inakbayan.
“Gino, alisin mo nga ‘yan.” Sabi ko at pilit na inaalis ang braso niya sa balikat ko pero mas lalo niya naman akong nilalapit sa kaniya.
“Bakit naman? Tignan mo nga sila Ares. Kanina pa nga ‘yan naglalandian sa tabi natin.” Sabi niya at itinuro pa ang direksiyon nila Ares at Runa.
“Tama lang na gawin nila ‘yon dahil magkasintahan sila. Hindi naman tayo magkasintahan.” Sabi ko at tuluyang inalis ang braso niya at saka sumunod kila Zaya. Pero hindi pa ako nakakalayo ay naririnig ko na naman ang mga yabag niya sa likod ko.
“Bakit ba ang sungit mo ngayon? May dalaw ka, ‘no?” Agad akong napatingin sa kaniya nang may salubong na kilay. Umiwas din naman ako agad dahil naramdaman ko ang pag-init ng mukha ko.
“A-Ano bang pinagsasasabi mo, Gino?”
“Bakit hindi ba?”
“Hindi. Wala.” Hinayaan ko na lang si Gino na magsalita hanggang sa naalala ko ang naging date nila ni Ailee kahapon. “Kamusta pala ang date mo?”
“Hmm… Ayos naman.” Naghintay pa ako ng idudugtong niya pero hanggang doon na lang pala iyon. Kung anong daldal niya kanina, ngayon naman ay ang tipid niyang magsalita.
“Talaga? Magde-date pa ulit kayo?”
“Oo naman. Nililigawan ko na si Ailee. Ibig sabihin, magiging girlfriend ko na rin siya.” Bigla akong nagsisi dahil sa pagtatanong ko. Nililigawan niya na pala si Ailee at sigurado akong magiging sila na rin agad dahil nakikita ko naman kung paano ngumiti si Gino sa tuwing kaharap niya si Ailee. “Oh, bakit natahimik ka? Parang naging malungkot ka. May gusto ka sakin, no?” Ani Gino at mahinang tumawa. Hindi agad ako nakasagot.
“W-Wala akong gusto sayo. May iba na akong nagugustuhan.” Pagakasabi ko nito ay narinig ko ang pagtawag sa akin ni Zaya at Runa kaya agad akong tumakbo papunta roon at iniwan si Gino.
***
Gino’s POV
Mabuti at naitanong ni Hilda kung may date pa ulit kami ni Ailee. Nabanggit ko rin na nililigawan ko na ito at nakita ko agad ang lungkot sa mukha niya. Naisip ko agad ang sinabi ni Ailee na gumana ang lahat ng ginawa ko kay Hilda pero nagkamali ako dahil sa sinabi niya.
Wala siyang gusto sakin…
That’s nice, Wala akong magiging problema kay Ailee.
Pero may iba na siyang gusto?!
At sino naman ang maswerteng lalaking ‘yon? Kailangan kong malaman kung sino ‘yon para malaman ko kung karapat-dapat ba siya sa kabaitan ni Hilda.
BINABASA MO ANG
That Nerd Is A Brat
Teen FictionSi Zaya Denise Olegarco ay isang spoiled brat at may napakasamang ugali. Napakaikli ng kanyang pasensya kaya kahit sa maliit na bagay ay nakikitaan niya ng problema kaya ang ending ay nakakagawa siya ng kung ano-ano. Suki na rin siya sa disciplinary...
