CHAPTER 18

1.6K 93 19
                                        

Chapter 18:
Whatever It Takes

Gabrielle's POV

"Ngiting-ngiti ka na naman, Gab. Anong meron?" Tanong ng kaibigan at kaklase kong si Alice.

"Syempre, kasabay ko ulit yung crush ko kumain." Nakangiti ko pa rin sagot. Wala eh, masaya talaga ako. Lalo na kapag si Jun yung kasama ko. Pero mas mabuti sana kung kaming dalawa lang talaga. Kaso kasama namin sila Kuya Gray tsaka yung mga kaibigan ni Ate Runa.

Pinadaan ko ulit ang tingin ko sa mga librong nasa shelf. May kailangan kaming hanaping libro sa history pero hindi ko makita.

Nasaan ka na ba kasi?

"What are you finding?" Tanong ng isang sobrang pamilyar na boses mula sa likod ko. Inayos ko muna ang mukha at uniform ko bago ako humarap sa kaniya. Katatapos pa lang namin mag-lunch tapos nandito na naman siya sa harap ko. Namiss siguro ako ng bebe Jun ko.

"Just a book in history."

"Tell me the title. Hahanapin ko." Sinabi ko sa kaniya ang libro at seryoso naman siyang naghahanap. Nakasandal pa rin ako sa bookshelf at nasa harap ko pa rin siya. Malapit lang kami sa isa't isa. Ako na yata ang pinakamaswerteng babae sa mga oras na ito. "There, I found it. Move, Rielle."

"Makukuha mo naman yung libro kahit hindi ako umalis." I uttered mischievously. Medyo naniningkit ang mga mata niyang tumingin sa akin. Maya-maya ay bumuntong-hininga siya at napailing.

He took a step closer to me. Making my heart skips a beat. Then slowly, he leaned forward to me. Nasa harap na ng mukha ko ang dibdib niya. I can even smell his scent.

"Here's the book, Rielle." Sabay abot niya sa akin ng makapal na libro. Kukunin ko na sana sa kamay niya pero binawi niya ito ulit.

"Bakit?" Pinantayan niya ang tingin ko at tumingin sa mukha ko.

"My Rielle's cheeks are blushing." My eyes get widened when I heard him say that. Napahawak agad ako sa mga pisngi kong nag-iinit na.

Kasalanan mo kasi 'to, Jun! You always make my heart flutter.

"And what is this?" Halos mahigit ko ang hininga ko nang hawakan niya ang labi ko gamit ang hinlalaki niya. Unti-unti ay dumulas ito sa gilid ng labi ko. "Halatang kakakain mo lang. May mantika pa sa labi mo."

Shit! Nakakahiya! Pinunasan ko agad ng kamay ko ang labi ko. Tss. Baka sabihin ni Jun na para akong bata at dugyot kumain.

"See you, Rielle." Parang nabunutan ako ng tinik nang makaalis siya. Naging maayos na yung daloy ng hangin sa lungs ko.

"Oh my gosh, Gab! Nakakakilig kayong dalawa!" Mabilis kong nilapitan si Alice para sawayin siya sa pag-iingay. Nasa loob pa naman kami ng library.

That Nerd Is A BratTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon