CHAPTER 76

993 73 26
                                        

Chapter 76:
Triggered


Zaya’s POV

No way! Hindi ako pwedeng maging ganito. Bumabalik na naman ang lahat na parang kanina o kahapon lang iyon nangyari. Hindi pwede! I need to calm down.

Pero kahit paulit-ulit ko pa yatang kumibinsihin ang sarili ko na kakalma ako, wala pa rin… Walang nangyari…

Halos mapatalon ako sa kinauupuan nang may humawak sa braso ko. Lumingon ako agad rito.

Kitang-kita ko ang mukha ng aking Lola. Lola ko na nagbigay at nagdagdag pa sa sakit at lungkot na nararamdaman ko nang mawala ang isa sa pinakaimportanteng tao sa buhay ko.

She’s saying something but I can’t seem to understand what it is. Galit akong nakatingin sa kaniya.

Totoong magkasama nga kami ni Mommy sa kotse noong mga panahong iyon. At oo. Alam ko sa sarili ko na ako rin naman ang may kasalanan. Kung hindi ko siya pinilit… Kung hindi ako nangulit sa kaniya na bumalik… Hindi sana nangyari iyon. Baka naiwasan pa ni mommy ang kotse ng ama ni Paris.

I looked at my grandmother in front of me. Patuloy pa rin ito sa pagsasalita pero titig na titig pa rin ang galit kong mga mata sa kaniya. Hindi ko na magawang pakinggan ang sinasabi niya kasi alam ko naman na ako ang sinisisi niya. Na sana ay ako na lang ang nawala kaysa kay Mommy.

She hurt me, too. Isang bagay na hindi ko natanggap. Isang bagay na naging dahilan rin kung bakit ako naging ganito ngayon.

“I never killed my mom, Lola! I can’t do that! I will never do that!” I shouted at her. Alam kong mali pero wala na akong pakialam. She hurt me once, I will never let her do that again to me for the second time.

Hinawakan niya ulit ako pero sa kamay ko naman. I suddenly felt nervous. I suddenly felt scared. It feels like my body trembled just because of her simple touch.

Pero hindi ko hahayaang saktan niya ako ulit. Inunahan ko siya. Agad kong hinawakan ang leeg niya at itinulak siya papalapit sa isang pader.

“Wag na wag mo ‘kong gagalitin!” Sabi ko pa. Kitang-kita ko na nahirapan siya sa paghinga. I don’t know why I suddenly feel slightly delighted.

May humawak sa kamay ko, siguro ay para ilayo ako kay Lola pero matigas ako. Hindi ko hinayaan na mawala ang hawak ko sa leeg niya.

“Tulungan niyo ‘ko! Pigilan niyo si Zaya.” Dinig kong sabi ni Hilda. Bigla namang may humawak sa braso ko at pilit na inaalis ‘yon sa pagkakahawak. “Pigilan natin siya!”

“No! Please, stop this!” Now I heard Ares' voice.

Bigla akong natauhan. Paanong mapupunta si Ares sa bahay ng Lola ko sa probinsiya?

“She’s not your grandmother, Zaya! Stop this!” Now it’s Gray. Pero pakiramdam ko yata ay walang makakapagpatigil sa akin. Pero mas lalo akong naguluhan sa sitwasyon.

Nasaan nga ba ako?

“It’s Runa!”

Agad akong napabitaw nang marinig ulit ang boses ni Gray. The situation slowly sink in to me. Humakbang ako paatras nang makita na bumagsak si Runa. Agad naman siyang dinaluhan ni Ares.

Pinakatitigan ko ang mukha ni Runa. Namumula na ngayon ang mukha niya. Umatras ako ulit. Hindi nga siya ang Lola ko. Sinaktan ko ang kaibigan ko. Si Runa!

“You’re crazy, Zaya! Tignan mo ang ginawa mo kay Runa!” Malakas na sabi ni Betty. Para namang may tumarak na punyal sa dibdib ko. Masakit ang sinabi ni Betty kasi alam kong tama. “You almost killed Mitch before tapos si Runa naman ngayon? Sino ang isusunod mo? Sila Gray? Shouldn’t you be admitted in the hospital by now? ‘Yong espesyal na ospital para sayo. What do you call that again? Aha! Mental hospital! Doon ka bagay!”

Nanigas ako sa kinatatayuan habang pinapakinggan ang mga sinasabi ni Betty. Nararamdaman ko na rin ang pagbabara ng aking lalamunan at ang paghapdi ng mata ko.

“Tapos dapat itali ang mga kamay at paa mo para hindi ka makatakas doon. You’re a crazy bitch! Mabulok ka sana sa mental!”

“Shut the fuck up, Betty!” Gray’s voice roared in our classroom.

Tama si Betty. Wala nga dapat ako dito. Baka may madamay pa. Kaya tumakbo ako palayo. Hindi ako tumingin sa likod kahit may narinig akong tumawag sa pangalan ko.

I hate myself! Paano ko nagawang saktan si Runa? I almost killed her!

Walang tigil na bumuhos ang luha ko. Medyo nanlalabo ang paningin ko dahil sa luha pero nagawa ko pa ring tawagan ang driver namin. Kita ko ang gulat sa mukha niya nang abutan akong umiiyak. Pumasok na lang ako sa loob ng kotse.

“House, now!” I ordered, then he immediately obeyed.

Napatingin ako sa mga kamay ko habang nasa kotse pa rin. Nanginginig ang mga ito. Hindi ako mapakali sa kinauupuan ko. Pabalik-balik ang tingin ko sa kung saan-saan at hindi ko alam ang gagawin.

“M-Ma’am, ayos lang ho ba kayo?” Halos mapatalon ako nang biglang magsalita ang driver.  Tinignan ko ang layo niya sa akin. Kahit naman may malaking pagitan sa amin ay hindi pa rin ako mapakali. Natatakot ako. Nininerbyos. Hindi ko alam ang gagawin.

Agad akong bumaba ng kotse at patakbong pumasok sa kwarto ko. Agad kong ni-lock ang pinto at sinarado ang mga bintana. Nanginginig pa ako habang ginagawa iyon. Umupo ako sa kama at niyakap ang tuhod ko. Tingin pa rin ako ng tingin sa paligid.

Narinig ko na naman sa isip ko ang mga sinabi ni Betty sa akin. Nababaliw na nga yata talaga ako. Sigurado akong hindi lang sila Betty ang nakakita ng ginawa ko. Siguro ay lahat ng kaklase ko at ang iba na malapit lang sa classroom namin ay nakita kung paano ko sakalin si Runa.

I really thought it was my grandmother. Si Runa pala. Sobrang sama ko. Hindi ko mapapatawad ang sarili ko kung may mangyari sa kaniyang masama.

Those dark memories from my past keeps on hunting me even up until now. Hindi ko matanggap ang nangyari sa pamilya namin. Nasira iyon ng ganoon kadali. Hindi ko matanggap na wala na ngayon si Mommy. She promised to fix our problems but I’m the one who stopped it. Sana pala ay nanahimik na lang ako sa loob ng kotse. Hindi na sana ako naging makulit at namilit pa na bumalik kay Daddy.

Hindi ko matanggap na ako ang sinisisi ng Lola ko sa nangyari. Hindi ko na matanggap sa sarili ko na ako ang may kasalanan pero dinagdagan niya pa iyon. She scarred me. The wound she gave me is still there, waiting to mend and heal.

Hindi ko matanggap na muntik na rin siyang mamatay ng dahil sa akin. I almost also killed Mitch before. Tama si Betty. Kahit si Runa ay nagawa kong saktan.

Alam kong may kasalanan ako. But it wouldn’t have happen if that freaking white shirt with blood didn’t show up!

Is it Betty? Siya ba ang may pakana ng t-shirt na ‘yon? Pero wala namang nakakaalam no’n bukod sa akin, kay Hilda, kay Daddy at Carter. I’ve never been open to anyone when it comes to my past.

But just who did it?!

Wala naman akong ibang kaaway sa school na ito. Malakas ang kutob ko na si Betty dahil siya lang naman ang galit na galit sa akin. Pwede rin si Ailee. Pero hindi pa rin ako sigurado.

Just who put that shirt inside my bag?! It triggered my memories. It triggered my evil side…

______________________________________________

Thanks to...
CasiopheaHaron
toshibana
kng_kndrck

Sorry po mabagal ud. Mas lalo na siguro sa mga next days kasi po may f2f classes na kami (wala lng skl 🤣)

That Nerd Is A BratTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon