CHAPTER 17

1.4K 103 17
                                    

Chapter 17:
Fight for Paris

Zaya's POV

Sobrang natuwa ako nang dumating si Paris. Pinagalitan ako ni Dad kagabi pero ngayon ko na lang ulit makakasama si Paris kaya sumama ako sa kaniya at nag-date kami sa isang mall malapit lang sa school.

"May sakit ka ba? Ang putla mo." Aniya habang nasa loob kami ng isang sinehan. Inilapat niya ang kamay niya sa noo ko. "You shouldn't get sick. You can't even take meds." The sound of him nagging.

"I'm already fine. Don't worry." I assured him.

"Why did you get sick?"

"Hmm... Naulanan lang ng kaunti." Baka magalit siya kapag sinabi kong parang naligo na ako sa ulan.

"Take care of yourself always." Sabi niya saka ako inakbayan.

We both enjoyed watching the movie. Though I really want to be with him more, I can't stay. Mapapagalitan na naman ako. Dagdag pa nang malaman niya na pinapahanap ko sa mga kasambahay namin ang kwintas ni Mommy. Hanggang ngayon ay hindi ko pa rin 'yon nakikita.

Paglabas ng sinehan ay may napansin akong nakasunod samin kaya napatingin ako sa likod ko. Napansin ko ang isang lalaking nakasuot ng cap.

Si Gray? I'm not that sure but I think it's him. Naglalakad na siya papalayo hanggang sa nawala na siya sa paningin ko.

"Anong tinitignan mo?" Ani Paris. Siguro ay napansin niya akong tingin ng tingin sa likod namin.

"Ah, wala."

Napahinto kami sa paglalakad dahil may tumawag sa cellphone ni Paris. Tinignan niya lang ito at hindi sinagot ang tawag.

"Bakit hindi mo sinagot?"

"It's not that important." Anas niya kaya nagpatuloy ulit kami sa paglalakad. Pero huminto ulit siya at nagpaalam. "Babe, restroom lang. Wait here, okay?" Then he kissed my cheek. Ngumiti ako sa kaniya.

Is it really him? The one that I saw a while ago? Until now I can't still get over about what happened earlier. He looked annoyed by what I said. I feel guilty, too. Para naman kasing may ginawa akong napakalaking kasalanan sa kaniya.

Ang hindi ko kasi maintindihan ay kung bakit nag-aalala siya. Araw-araw kaming nagkakasagutan sa klase hanggang sa cafeteria. And it doesn't make any sense. Hindi ba dapat ay naiinis siya sakin kasi ganon din yung nararamdaman ko? I should act nerdy. You know, innocent? Hindi dapat ako madaldal. Hindi ko dapat siya pinapansin katulad na lang ng ginagawa ni Hilda. Nagagaya na rin nga ako sa kaniya kakayuko. Tss.

I should act nerdy but the real me is showing when I'm with him. Mabilis talaga akong mainis. At kapag may sinasabi siya, naasar at naiinis ako. Pero ayaw ko siyang patahimikin. Hindi ko na maintindihan ang sarili ko.

Kaysa mag-isip ng kung ano-ano ay tumingin na lang ako sa paligid. Sakto at nasa tapat pala ako ng isang shop. At mula dito sa labas ay naagaw ang atensyon ko ng isang dark blue cap na nakadisplay doon. Naalala ko na naman ang nakita ko kanina. Para kasing siya. Pero kahit na hindi siya 'yon, naisip ko na bilhin na lang 'yon para sa kanya.

That Nerd Is A BratTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon