A/N: Thank you po sa support youcancallmeMay465
___________________________________
Chapter 37:
ConnectedGray's POV
I really don't know if I should act like this. I've been ignoring her since I saw her with her boyfriend. Umaakto ako na parang ako yung boyfriend at nakita ko ang girlfriend ko na may kahalikang iba.
I want to curse myself to the depths of hell! I even drink hoping to forget what I saw.
At sa mga sumunod na araw, gusto ko na talaga siyang kausapin. Para kasing nainggit ako sa pagiging close ni Gino at Hilda. Pero nang narinig ko ang pag-uusap nila ni Ares ay mas lalo lang nadagdagan ang inis ko.
Alam kong wala akong karapatan magselos pero may karapatan pa rin naman akong makaramdam.
Pagkatapos ng klase nang araw na iyon ay pinuntahan ko agad si Ares at walang pagdadalawang-isip na sinuntok siya. Lahat yata ng inis at galit ko ay naibuhos ko sa kaniya. At mula sa suntok kong iyon ay nagdugo ang gilid ng labi niya at napatumba siya. Nilapitan ko siya agad, itinayo at hinawakan sa kwelyo.
"Ano na naman bang problema—" hindi ko siya pinatapos sa pagsasalita at sinuntok ulit siya.
"Ikaw ang problema ko! Lahat na lang ba ng gusto ko ay gusto mo din?!"
"So, you knew?"
"Yeah, so fuck off! She's mine!" Nangangati na naman ang kamay ko para sa isang suntok pero pinigilan ko. Kapatid ko pa rin naman siya.
"You know she can't be yours. Someone owns her already." Natamaan ako sa sinabi niya. Totoo naman kasi. Alam rin pala niya na may boyfriend si Zaya. Binitawan ko ang pagkakahawak sa kaniya at kumalma.
"Paano ka nagkagusto sa kaniya?" Natanong ko na lang. Hindi naman kasi kami gano'n kalapit sa isa't isa
"She's pretty and cool. And I met her multiple times two years ago." Hindi ako makapaniwala sa naging sagot niya. "We even had a dinner."
"What?!" He met her already?
"It's your fault. Hindi ka kasi sumasama sa amin ni papa sa mga dinner." Napabuntong-hininga ako. Naalala ko ang mga panahong iyon. Wala naman kasi akong alam tungkol sa mga negosyo. Sumama ako sa isang beses at wala rin naman akong ginawa kun'di tumunganga
"Tss. Whatever. She's still mine."
"What are you going to do? Steal her?" Aniya na parang nagbibiro lang ako.
"Yeah." Tugon ko at bago ako umalis ay sinabihan ko muna siyang layuan si Zaya.
She's going to be mine...
![](https://img.wattpad.com/cover/255262892-288-k307414.jpg)
BINABASA MO ANG
That Nerd Is A Brat
Teen FictionSi Zaya Denise Olegarco ay isang spoiled brat at may napakasamang ugali. Napakaikli ng kanyang pasensya kaya kahit sa maliit na bagay ay nakikitaan niya ng problema kaya ang ending ay nakakagawa siya ng kung ano-ano. Suki na rin siya sa disciplinary...