CHAPTER 54

1.2K 86 11
                                        

Chapter 54:
Hope

Jun's POV

Bigla akong nainggit dahil sa nakikita ko. Parang pinagplanuhan yata para inggitin ako. Para akong third wheel... No, scratch that. Para akong seventh wheel!

Ares and Runa are now in a relationship. Gray and Zaya seems to be close too. And also, Gray likes Zaya even knowing the fact that the girl she likes already have a boyfriend. And lastly, Gino and Hilda. They're walking alone quite apart from us.

May kasama naman ako kaya walo kaming lahat na magkakasama sa mall. Si Piper na partner ko para sa project namin. She's not talkative pero magaling naman sa klase. Medyo naawa ako dahil wala na siyang ibang ka-partener at gano'n din naman ako kaya sabi ng lecturer ay kami na lang daw na dalawa.

"By the way, pare-pareho lang ba tayo ng movie na panonoorin?" Tanong ni Runa sa kalagitnaan ng paglalakad namin. Naka-angkla ang braso nito sa braso ni Ares.

"Yeah, I think so, Runa. Nakita ko yung movie ticket niyo kanina." Tugon naman ni Zaya.

"What? Bakit pareho? Gaya-gaya kayo. Sa iba na lang kayo." Singit naman ni Gray. Napangisi ako. Sigurado akong ayaw niyang magsama-sama kaming lahat para masolo niya si Zaya. Pero sorry na lang sa kaniya dahil pare-pareho kaming lahat ng panonoorin.

"Bakit naman? Walang problema do'n, Gray. Anong seat number niyo?" Ang sumagot ulit sa tanong ay si Zaya na sinundan naman nila Gino. Nakita ko agad ang inis sa mukha ni Gray.

"What the... Tabi-tabi pa tayo?" Gulat at medyo inis na sabi ni Gray.

"What's the problem, bro? Gusto mo lang yata solohin si Zaya eh." Biro ko naman kaya natahimik si Gray.

Nagpatuloy kami sa paglalakad hanggang sa makarating kami sa cinema. Bumili muna sila ng popcorn at drinks.

"Kuya!" Pipila na rin sana ako para rin bumili nang marinig ko ang pamilyar na boses sa likod namin.

"Ako na lang ang pipila." Anas ni Piper at pumila.

"Kuya, bakit hindi mo 'ko hinintay?"

"Rielle..." Napalingon sa akin si Rielle at nginitian ako. Akala ko ay hindi niya na ako papansinin pagkatapos ng pag-uusap namin sa library noong isang araw.

"Ang bagal mo kasing kumilos kaya nauna na ako. Akala ko hindi ka na sasama." Sagot ni Gino sa kapatid niya.

"Hindi mo ako sinabihan na aalis na." May pagrereklamo sa tono ni Rielle pero hindi na ito pinansin ni Gino.

"Let's get in." Sumunod na ang iba naming kasama kay Gray gano'n na din si Piper.

"Want popcorn and drinks?" Tanong ko pagkalapit kay Rielle. Nakangiti naman itong tumango sa akin. Pagkatapos ay pumasok na rin kami. Akala ko ay malas ako ngayong araw pero kung sinuswerte ka nga naman. Silang lahat ay magkakatabi sa isang linya ng upuan at kami naman ni Rielle ay nasa likod nila.

Nagsimula ang movie kaya natahimik na rin ang lahat. It's a romance movie.

"Rielle, bakit nandito ka? Wala kang gagawin?" Bulong ko sa tabi ko. Malaya akong kausapin si Rielle dahil malayo si Gino sa amin at hinihinaan ko rin ang boses ko kaya imposibleng marinig niya kami.

"Wala. Tinapos ko na lahat ng gagawin ko t'saka ako sumunod sa inyo."

Sinubukan kong ituon ang atensyon ko sa panonood. Kailangan ko 'yon dahil sa project namin at nakakahiya naman sa ka-partner kong si Piper kung siya lang ang manonood at magsasagot. Pero kahit anong pilit ko ay mas gusto ko pang tignan si Rielle. Gustong-gusto ko nang aminin sa kaniya ang nararamdaman ko kaya ilang beses muna akong huminga ng malalim at kinalma ang sarili ko.

"Rielle?"

"Hmm?" Medyo lumapit ako sa kaniya para marinig niyang mabuti ang sasabihin ko.

"I like you too..."

***

Gabrielle's POV

Agad na napaawang ang labi ko dahil sa sinabi ni Jun. Agad akong napalingon sa kaniya dahil baka mamaya ay nag-iilusyon lang pala ako at mali ang narinig ko.

"Tama ba 'yong narinig ko? You like me too?" Tanong ko. Sana nga ay tama dahil mahirap umasa. Baka mamaya ay mali lang talaga ako o hindi naman kaya ay nagbibiro lang si Jun.

"Oo, Rielle. Tama ang narinig mo. Gusto kita noon pa."

I can't believe this! Gusto kong magsisigaw at magtatalon sa tuwa pero hindi ko iyon magagawa dahil nasa loob kami ng sinehan. Pero saglit nga...

"Pero sabi mo 'R' ang initial ng babaeng gusto mo, di ba?"

"Yeah, but I just said that para hindi makahalata si Gino. At isa pa, ako lang naman ang tumatawag sayong Rielle."

So, totoo nga? Totoo nga na may gusto din sakin si Jun? I'm so happy! Pero sabi nga, mabilis ang oras kapag masaya ka. Walang permanente sa mundo. Katulad ng kasiyahan, hindi rin ito permanente.

"Si kuya..." May pangamba kong sabi.

Pinagbabawalan ako ni Kuya na magpaligaw sa mga lalaki lalo na kung hindi niya kilala. Nasa ibang bansa kasi ang mga magulang namin at kaming dalawa lang ni Kuya ang nasa bahay. Mas protective pa siya kaysa sa parents namin. That's a good thing, I know. Alam ko na iniisip niya lang ako kaya pinoprotektahan niya ako.

Pero tama ba na itago niya ako sa mga nakakapagpasaya sa akin?

"What are you thinking, Rielle?" Tanong ni Jun nang saglit na matahimik ako.

"My brother won't allow this. He won't allow us." Kinuha ni Jun ang kamay ko at bahagya itong pinisil.

"I know. But let me court you first."

"Wag na." Anas ko kaya lumingon siya sa akin na may nagtatanong na tingin. "I know you well than my brother."

"So... tayo na?" Hindi na ako nagdalawang-isip pa at tumango na bilang tugon. "I really want to hug you right now." Bulong ni Jun. Hindi ko naman maiwasan na kiligin at ngumiti.

Nag-usap pa kami ng kaunti at saka bumalik na sa panonood. Project daw pala nila ang tungkol dito. Hindi ko naman alam dahil ang akala ko ay lumabas lang talaga silang magbabarkada. Mabuti na lang talaga at sumama ako dito.

Noon ay pinoproblema ko kung may relasyon ba talaga sila ni Rica o wala. Ngayon naman ay si Kuya Gino. I think Gino and I will hide this relationship of ours. But I'll try asking my brother. Hindi pwedeng magtago kami sa kaniya. Hindi nga lang ako sigurado kung papayag siya sa amin. Si Jun naman ang boyfriend ko, hindi lang basta kakilala dahil kaibigan at kababata niya pa. Kilala niya si Jun.

I just hope that he'll accept us. Siguro naman ay tatanggapin niya kami, ano? It's my happiness and I'm sure that my brother won't take that away from me.

That Nerd Is A BratTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon