CHAPTER 35

1.3K 87 13
                                        

Chapter 35:
Trauma

Hilda's POV

Hindi ko na pipigilan ang nararamdaman ko...

Iyan ang nasabi ko paglabas palang sa kotse nila Zaya. Oo na at inaamin kong gusto ko nga si Gino. Sino ba naman ang hindi, di ba? Gwapo siya at malakas ang dating. Mabait rin siya at gentleman. Wala nang hahanapin pa.

Pero ganoon na lamang ang pagkadismaya ko nang hindi ako pansinin ni Gino nang batiin ko siya ng magandang umaga. Tinapunan niya lang ako ng tingin at bumalik na sa pagkalikot sa cellphone niya

Kung kailan naman gusto ko na siyang kausapin at pansinin lagi, ngayon naman ay siya ang may ayaw

Bakit naman kaya?

"Gino, may sakit ka ba?" Tanong ko nang magkaroon ng pagkakataon habang nagkaklase kami. Yung madaldal na Gino ay naging tahimik na.

"Wala." Tipid niyang sagot na hindi man lang ako nagawang tignan. Nakaramdam ako ng kirot sa dibdib ko.

"Ah, okay." Nasabi ko na lang at nakinig sa klase.

Ang lamig ng pakikitungo ni Gino sa akin. Noong isang araw lang naman ay magkausap pa kami. Nilibre niya pa nga ako ng pagkain sa cafeteria. Pero ngayon ay hindi na.

Dumaan ang mga oras at nag-uwian na. Nagmamadaling tumakbo si Zaya palabas at hindi niya na naayos ang mga gamit niya. Aayusin ko na lang mamaya. Kakausapin ko muna si Gino. Hindi kasi ako sanay na ganito siya na walang imik. Kaya bago pa siya makalabas ng silid ay hinawakan ko na ang braso niya para pigilan siya. Pagkalingon niya sakin ay binitawan ko naman agad siya.

"What?" Bungad nito.

"Ah, Gino? Galit ka ba sakin?" Tanong ko. Baka kasi may nagawa ako sa kaniyang mali kaya hindi niya ako pinapansin. Pero sa natatandaan ko ay wala naman.

"Hindi. Bakit mo naman natanong?"

"H-Hindi mo kasi ako pinapansin kanina. Hindi mo 'ko kinakausap." Medyo nahiya ako sa naging tanong ko. Baka kasi isipin niya na nanghihingi ako ng atensyon niya.

Kahit alam ko sa sarili ko na totoo naman talaga...

"Bakit ba? May gusto ka bang sabihin sakin?" Gano'n pa rin ang tono ng boses niya. Hindi ko lang alam pero sa tingin ko ay napipilitan na lang siyang kausapin ako.

"W-Wala naman..."

"Wala naman pala eh. Hindi kita kailangang kausapin, Hilda." Napayuko nang naramdaman kong nagbabadya ang luha ko.

That Nerd Is A BratTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon